Willie Revillame reveals he almost axed Wowowin: “I’m spending about P14 million a month”

by Bernie V. Franco
May 11, 2020
willie revillame brown coat
willie revillame pink
Wowowin host Willie Revillame apologizes: “Kung ako’y nagkasala dati, patawarin niyo ako sa lahat ng naagrabyado ko, nasaktan ko... I’m sorry. Ganoon ang buhay, humihingi ako ng tawad sa inyo.”
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)

Inalala ni Willie Revillame, 59, ang hirap na pinagdaanan bago naging maayos ang takbo ng Wowowin, ang kanyang ongoing daily game-variety show sa GMA Network.

Ipinagdiwang ng early primetime show ni Willie ang fifth anniversary nito noong May 10, Linggo.

Noong May 10, 2015 sinimulan ni Willie ang Wowowin, na noon ay once a week lamang.

Kuwento ng TV host, dumaan muna siya sa butas ng karayom bago naging matiwasay ang kanyang programa, na ngayon ay araw-araw nang napapanoood.

“Ako po, nang umakyat sa GMA, walang nakakaalam na ako po ay pipirma ng kontrata,” kuwento ni Willie noong Huwebes, May 7.

Nakipagpulong daw siya noon sa Kapuso executives na sina Felipe Gozon, chairman and chief executive officer; Jimmy Duavit Jr., president at chief operating officer; at Philip Yalung, chief finance officer.

Nabanggit ni Willie na comeback niya ito sa Kapuso network dahil dito siya talaga nagsimula.

“Nagsimula po ako sa GMA sa Lunch Date,” pagtukoy niya sa dating noontime show na umere mula 1986 hanggang 1993.

Continue reading below ↓

Kabilang siya noon sa "Hawi Boys" ni Randy Santiago, na isa sa mga main host.

“Kasama ko diyan si Kuya Randy, sidekick [ako].

“Kapag lumalabas, yung 'Super Suman' niya, pag binubugbog, ako yun.

“Kapag umusok na, lalabas na si Kuya Randy, naka-briefs siya ng S… Super Suman.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Ang bayad sa akin, P150,” pagbabalik-tanaw ni Willie.

Tumaas daw ang kanyang sahod ng P200 hanggang P250.

Kalaunan ay nilisan ni Willie ang noontime show at nag-focus sa kanyang pagbabanda, kung saan siya ang drummer.

Bukod dito ay nagkakaroon din ng mga supporting roles si Willie sa mga pelikula.

willie revillame
hipon

Continue reading below ↓

WILLIE: “BUTAS HO NG KARAYON ANG PINAGDAANAN KO.”

May 10, 2015 daw nang i-launch ang Wowowin sa Kapuso network.

Pero lahat daw ng gastos noon ay kay Willie.

“Hindi po ako kinuha ng GMA para maging talent.

“Ako ho ang nag-produce ng Wowowin for how many days, for how many months.

“Nagsimula ako ng 3:30 P.M. ng Sunday. May 10 po iyon.

Wala raw pumapasok na commercials at advertisers sa programa, kung kaya’t puro labas ng pera ang ginagawa ni Willie.

“Ilang buwan lang, e, medyo mabigat na, kasi walang commercials, wala kaming marketing.

“Hanggang sa sinabi ko sa GMA, ihihinto ko na, wala na akong pera.

“I’m spending about P14 million a month, yun ang ginagastos, sarili kong pera ‘yon.

"Laki na ho nagagastos ko, walang bumabalik. Ganoon talaga, e.

“Alam niyo naman ang buhay, laging sugal ‘yan, e.”

Kumusta naman noon ang pagtanggap ng publiko sa kanyang show tuwing Linggo?

“Nagri-rate nang konti, nagri-rate siya, nakakatuwa… ng Sunday, ng 3:30 P.M.

Continue reading below ↓

“Kaya lang, walang pumapasok ng pera, labas ako nang labas ng pera,” paliwanag ng TV host.

SILVER LINING FOR WILLIE

Naghahanda na raw magpaalam noon ni Willie.

Sa katunayan ay nakaempake na siya.

Pero humiling daw ng pulong ang head ng GMA Network Acquisition Department na si Joey Abacan.

Sa pagpupulong, inalok daw siyang maging co-producer ng GMA-7.

Paliwanag daw ni Abacan sa kanya: “'Hati ng gastos. Kung ano ang kaya mo, kung ano ang kaya namin… airtime, ganito. Kami ang magbebenta ng programa mo.’

“Nabuhayan po ako doon."

Sabi pa ni Willie, “Kaya ko ho kinukuwento ito, dahil akala niyo ganoon lang ho kadali ang pagpasok sa GMA.

“Butas din ho ng karayom ang pinagdaanan ko diyan.”

willie violet

Continue reading below ↓

FROM ONCE A WEEK TO DAILY

Nagbalik daw ang Wowowin sa mas pinaagang oras.

Noong August 2015, ipinalabas ito pagkatapos ng Sunday PinaSaya, ang dating Sunday variety show ng network.

“August 9, Sunday, back-to back sa Sunday PinaSaya, naging 2:00 P.M. to 3:15 P.M.”

Umere raw ang Wowowin ng last Sunday nito noong January 18, 2016.

“February 1, 2016, nag-daily show na siya mula 5:30 P.M. to 6:30 P.M., isang oras lang.

“Ilang araw after, ginawang 5:00 P.M. to 6:30 P.M.

"February 15, 2016, naging gateway to primetime.

“During that time, GMA na po ang tumulong.”

WILLIE APOLOGIZES

Samantala, sa kanyang pahayag noong Huwebes, humingi rin ng tawad si Willie sa lahat ng nasaktan niya noon.

Aniya, “Kung ako’y nagkasala dati, patawarin niyo ako sa lahat ng naagrabyado ko, nasaktan ko...

“I’m sorry. Ganoon ang buhay, humihingi ako ng tawad sa inyo.”

Sa ngayon, sa kabila ng health crisis sa bansa, patuloy ang pag-ere ng Wowowin sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Ang kasama ni Willie sa studio ay ang kanyang production staff, at ang banda para sa musika ng kanyang programa.

Pero wala nang audience.

Para naman sa palaro ng show na "Tutok to Win," tumatawag si Willie ng contestant na maaaring manalo mula P10,000 hanggang P50,000.

Namayagpag si Willie dahil sa kanyang ABS-CBN noontime show na Wowowee mula 2005 hanggang 2010.

May 2010 nang magsimula ang kanyang isyu sa management ng ABS-CBN na may kinalaman sa kanyang kontrata at iba pang isyu.

Naging kontrobersyal din noon ang away nila ng entertainment columnist na si Jobert Sucaldito na talent noon ng ABS-CBN.

Lumipat si Willie sa TV5 at sinimulan ang kanyang bagong show, ang Willing Willie, na kalaunan ay naging Wil Time BigTime.

Tumagal ito mula 2010 hanggang 2013.

Pero hindi ganoon kainit ang pagtanggap ng masa sa programa.

Nang magpaalam sa ere ang Wil Time BigTime, nagpahinga muna si Willie ng dalawang taon.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng May 2015, lumipat si GMA-7 si Willie at sinimulan ang Wowowin.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowowin host Willie Revillame apologizes: “Kung ako’y nagkasala dati, patawarin niyo ako sa lahat ng naagrabyado ko, nasaktan ko... I’m sorry. Ganoon ang buhay, humihingi ako ng tawad sa inyo.”
PHOTO/S: YouTube (Wowowin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results