No kissing scenes for Rhian Ramos once production shoots resume under GCQ

by Nikko Tuazon
May 19, 2020
In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) on Friday, May 15, Rhian Ramos says she's excited love to go back to work with her Love of My Life co-stars as long as safety guidelines to prevent the spread of COVID-19 are implemented.
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram

Matinding pag-iingat ang gagawin ng GMA-7 actress na si Rhian Ramos kung sakaling magbalik-trabaho na ito.

Upang hindi mahawa ng coronavirus disease 2019, iiwas muna sa kissing scenes ang 29-year-old Kapuso actress. Ito ay lalo kung hindi pa sumasailalim sa COVID-19 test ang kanyang kapareha.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press kay Rhian nitong Biyernes, May 15, ibinahagi ni Rhian ang ilang safety precautions na kanyang gagawin.

Ani Rhian, "I think for a while, I just won’t allow any kissing scenes at all, that’s one.

"Before any scene where you have to touch someone’s face, there has to be a lot of alcohol on the set.

"And any time outside of the scenes, you know, pagka-cut, pagbalik mo sa tent, pagkabihis, if you’re gonna talk to anyone, I’ll probably gonna wear a face mask.

"I already bought a bunch of washable face masks, ayun."

Bukod dito, iiwas din muna sa Rhian sa pagkuha ng mga selfie kasama ang ibang tao bilang pagsunod sa social distancing.

Continue reading below ↓

"Napansin ko, recently, because we’re always in face masks and because we always have bigger things on our minds, I haven’t taken a single photo with anyone for once.

"I think if everyone is worried about getting close to another person and therefore always wearing [a face mask], I don’t see photos in my near future."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

THE NEW NORMAL

Simula nitong May 16, maaari nang bumalik sa shooting ang mga TV programs at film productions sa mga lugar na napapailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ).

Naglabas na rin ng guidelines ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman na si Liza Diño-Seguerra para sa "new normal" ng pre-production, production/principal photography, at post-production ng mga film and TV outfits.

Pero sa tingin ni Rhian ay marami pang dapat paghandaan bago bumalik sa production ang mga TV networks at film companies.

Aniya, "I want to say yes, but honestly, I don’t think it’s gonna be agad-agad.

Continue reading below ↓

"Ako, gusto ko na talaga, e, miss na miss ko na, ang dami ko nang nami-miss na tao, ang dami kong nami-miss na feelings, like the feeling of being busy.

"The feeling of iyong one place this day and then another place tomorrow, iyong bawat gising mo nasa ibang lugar ka na naman, nami-miss ko iyon.

"Pero parang… taping a show takes 300 people on one set at a time and because we’re such a big group, mahirap e. I can’t imagine that pa."

Ngunit umaasa rin ito na babalik din sa dati ang lahat pagkatapos ng pandemic.

Dagdag nito, "I think sa longer term, babalik pa rin, babalik sa dati. Iyon iyong nakikita ko."

GETTING BACK ON SET

Sa kabila nito, handang bumalik sa trabaho ang Kapuso actress kung sakaling magdesisyon na ang GMA-7 na ituloy na ang taping para sa prime-time series nito na Love of My Life na kabilang sa mga programang na-hold dahil sa ECQ.

Continue reading below ↓

Kasama ni Rhian sa nasabing prime-time series sina Carla Abellana, Mikael Daez, at Coney Reyes.

Saad ni Rhian, "Ako, excited ako for that time when the station decides na safe na para sa aming lahat na mag-taping ulit.

"Excited talaga ako for that time kasi I’ve always been the type of person na gusto ko tatalon ka kaagad sa swimming pool e, whether alam mo kung paano lumangoy or hindi, basta tignan mo kung kaya mo.

"Parang ipipilit niya ako to back out there and get back to the life that I used to know, ayun."

Ano ba ang mga nami-miss niya sa set ng Love of My Life?

Sagot nito, "My relationships with the people who are part of the show, kasi I really love our production team.

"Love na love ko iyong mga co-actors ko, sina Carla, Ms. Coney, Mikael.

"Sometimes, we message each other on Viber, things like that or nangangamusta sa Instagram.

Continue reading below ↓

"And I really miss my glam team, I love them.

"We’re close, e, you know, these are like your best friends and you see each other all the time every day so I miss them a lot."

Sa ngayon, suportado ni Rhian ang desisyon ng kanyang home network na ibalik sa telebisyon ang mga drama series na natapos na nitong i-ere.

Kabilang dito ang Philippine adaptation ng hit 2003 South Korean drama series na Stairway to Heaven. Ipinalabas ang Kapuso remake noon 2009. Si Rhian ang female lead sa nasabing programa kasama si Dingdong Dantes.

Pahayag ng Kapuso star, "I think it’s a good idea na binabalik iyong mga dating shows. Kasi marami dun sa shows na iyon ay ginawa nung panahon na di pa uso iyong stream online or anything like that.

"It’s good na these shows have a second life. Iba kasi iyong mga shows ngayon, when it’s available online, isang upo, natapos mo na lahat, ang bilis ng consumption.

Continue reading below ↓

"Ang tagal niyang gawin tapos ang bilis mo siyang iko-consume."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) on Friday, May 15, Rhian Ramos says she's excited love to go back to work with her Love of My Life co-stars as long as safety guidelines to prevent the spread of COVID-19 are implemented.
PHOTO/S: @whianwamos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results