Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Angelica Panganiban bids goodbye to Banana Sundae co-stars

by Arniel C. Serato
Jun 2, 2020
Angelica Panganiban to her Banana Sundae co-stars: “Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

Masakit para kay Angelica Panganiban, 33, na magpaalam sa mga kasamahang lagpas isang dekada na niyang nakasama sa trabaho.

Kagabi, June 1, isang mahabang mensahe ang ibinahagi ng Kapamilya actress sa Instagram para sa kanyang mga kasamahan sa gag show na Banana Sundae.

Pagkatapos kasi ng halos labindalawang taon ay magpapaalam na sa ere ang programang kinabibilangan ni Angelica.

Kasunod ito ng pagkawala sa free-to-air TV ng ABS-CBN Corporation noong May 5, 2020.

Madamdaming pahayag ni Angelica (published as is): “Halos labing dalawang taon tayo nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao..

“Sa pinaka unang pagkakataon,, kanina,, umiiyak tayong lahat..

“Masyadong masakit na makitang durog na durog tayong lahat.

“Sa ganitong panahon, ito ang pinaka huli nating pwedeng maramdaman..”

Nakadagdag daw sa kirot ng kanilang nararamdaman ang katotohanang wala pang linaw kung kailan makakakuha muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Hanggang ngayon ay dinidinig pa sa Kongreso ang franchise renewal ng broadcast giant.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Angelica, "Ang mawalan tayo ng tahanan.

"Masakit..

“Kasi, intensyon lang natin magpasaya, makatulong.

“Masakit, kasi, marami sa atin ang hindi na alam kung paano itutuloy ang buhay.

“Masakit kasi, magwawatakwatak na tayo.”

HOT STORIES

CRITICISMS HURLED AGAINST ABS-CBN

Hati ang opinyon ng publiko sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang mga loyal viewers ng ABS-CBN at loyal fans ng Kapamilya stars ay nalungkot dahil nawalan sila ng source of entertainment at information.

Nagbunyi naman ang mga kritiko at mga tagasuporta ng pamahaalaan.

Karamihan sa mga pabor sa pagsasara ng ABS-CBN ay nagbitaw ng masasakit ng salita laban sa network at sa mga artistang naghayag ng kanilang saloobin.

Para sa mga kritiko, tila walang karapatan ang mga artista na magsalita, at ipaglaban ang kanilang trabaho at ang kanilang mga kasamahan.

Labis na nasasaktan si Angelica dahil dito.

Pahayag niya, “Sa mga salita na ibinabato niyo sa amin para tuluyan kaming tapak tapakan, walang sinabi yun sa sakit na nararamdaman naming lahat ngayon.

Continue reading below ↓

“Pare parehas naming hindi alam ngayon kung paano pa kami lalaban.. kung saan pa kami kukuha ng lakas.

“Gusto naming isipin na pansamantala lang ‘to.

“Magkikita kita ulit tayo.

“Gusto naming lumaban para sa mga kasamahan namin sa trabaho.

“Gusto namin ipaglaban ang pamilya namin.

“Gusto na namin ng katahimikan sa mga tanong namin."

HOT STORIES

“KAMI ANG HINDI OKAY”

Sa kabila nito, sinabi ni Angelica na magtutulungan sila at aagapay sa isa’t isa ngayong may matindi silang pinagdadaanan.

“Pero kahit ganito,, lalaban kami.

“Magtutulungan kami.

“Kapag nakabalik kami, sigurado akong mas malakas kami.

"Palagi namin tinatanong sa simula ng show ang 'okay ba kayo jaaaan'...

“Ngayon naman,, kami ang hindi 'okay'..

“Kaya naman... Hanggang sa muli na lang muna tayo mga kabanana.

“Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”

Kalakip ng kanyang post ang larawan ng staff and crew ng Banana Sundae.

Ilan sa co-stars ni Angelica sa Sunday afternoon gag show ay sina Pokwang, Jayson Gainza, John Prats, Pooh, JC de Vera, Ritz Azul, Sunshine Garcia, at Zanjoe Marudo.

Continue reading below ↓

Nagsimulang umere ang Banana Sundae noong October 2008.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban to her Banana Sundae co-stars: “Salamat sa halos labing dalawang taon. Mahal na mahal ko kayo.”
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results