Chanel Morales and Nicole Estrada describe their kissing scenes with Kean Cipriano in Wattpad Presents: Game of Love

Chanel Morales (left) and Nicole Estrada (right) enjoyed working with Kean Cipriano in TV5's Wattpad Presents: Game of Love. Both girls explained why they were initially apprehensive about working with the Callalily frontman.



Na-excite pareho ang TV5 talents at alumni ng Artista Academy na sina Chanel Morales at Nicole Estrada dahil naka-partner nila ang frontman ng bandang Callalily na si Kean Cipriano. Silang tatlo ang bida sa latest TV5 offering na Wattpad Presents: Game of Love.

Magsisimula na itong umere sa December 15.

Parehong suki na ng Wattpad Presents sina Chanel at Nicole. Nagbida na si Chanel sa episode na Poser kunsaan kasama niya si Akihiro Blanco samantalang si Nicole ay gumanap na mean girl sa episode na My Tag Boyfriend with Sam Concepcion.

Sa Game of Love ay parehong mai-in love sina Jin (Chanel) at Mica (Nicole) kay Gab (played by Kean) dahil sa isang harmless game na pareho nilang sinimulan.

GOOD WORKING RELATIONSHIP. Parehong aware sina Chanel at Nicole na may infamous reputation si Kean pagdating sa mga girls dahil sa pagkaka-link nito noon kina Arci Muñoz, Danita Paner at Alex Gonzaga.

Pero noong makatrabaho nga nila ito, napatunayan nila na hindi totoo ang mga sinasabi nila tungkol sa sa singer-turned-actor.

“Kean is such a gentleman. And he’s very professional.

“Akala mo siya yung taong magkukulong lang sa dressing room at hindi makikipag-usap. But the truth is, sobra siyang makuwento.

“He’s friends with everybody sa set,” lahad ni Nicole.

Dagdag naman ni Chanel, “We didn’t expect Kean to be close with us. Kasi nga ang first impression mo para siyang suplado.

“But he was very nice to everybody kaya naging magaan yung working relationship namin with him.”

KISSING SCENE. Parehong may kissing scene si Kean with Chanel at Nicole sa Game of Love.

Para kay Nicole, okay lang daw ang halik ni Kean.

“Yung kissing scene kasi namin, medyo may force kasi pinagseselos ko si Jin. And I know na may crush sa akin si Gab. So I took advantage of that situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it wasn’t a romantic type of kiss. Kaya okay lang. It was a professional kiss for me,” saad niya.

Pagkaka-describe naman ni Chanel ay “spectacular” daw ang halik sa kanya ni Kean.

“Kinabahan po kasi ako. Never ko pa kasing naranasan na magkaroon ako ng gano’ng scene on TV. And Kean was very careful with it.

“'Tsaka the scene was like a magic moment for Gab and Jin. Kaya it went great for us. Kaya for me, that was very spectacular!” tawa pa ni Chanel.

BOYFRIEND MATERIAL? Gusto ba nilang maging boyfriend ang tulad ni Kean? Parehong sagot nila Chanel at Nicole ay “puwede.”

Ayon kay Nicole, “Siguro iba lang ang type ko sa guy.

“Pero puwede namang mag-iba because a guy like Kean seems to be interesting. Parang marami siyang surprises at magugulat ka na lang sa mga gagawin niya.”

Sabi naman ni Chanel, “Why not? I mean, hindi naman ako choosy.

“And a guy nga like Kean is parang malaking challenge for a girl.

“And he has qualities na wala sa ideal guy na hanap mo. So maybe... puwede naman.”

Kasama rin sa Wattpad Presents: Game Of Love sina Phytos Ramirez, Marlon Mance, Val Victa, Sheila Marie Rodriguez and Almira Muhlach. This is directed by Monti Parungao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN