Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

KC Concepcion reveals getting teleserye offer before COVID-19

by Melba R. Llanera
Jun 20, 2020
KC Concepcion is supposed to make a showbiz comeback this 2020. In fact, before the COVID-19 pandemic, she got a teleserye offer.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram

Ngayong 2020 ay magbabalik-showbiz sana muli si KC Concepcion, pero dahil sa COVID-19 pandemic ay naantala ito.

"I feel so grateful because we got a call. My management got a call, and they asked me, 'Are you willing to do a teleserye?'

"My first thing was, 'of course.'

"Then na-realize ko may pandemic sa labas."

March 15 nang nagsimulang isailalim sa community quarantine ang Metro Manila, kasabay nito ang pagpapatigil sa taping, production activities, at events ng mga TV networks.

Ginugol na laman ni KC ang kanyang oras sa pag-aaral ng mga bagong life skills at pagkakaroon ng online cooking show.

Sa pagpapatuloy niya, "I love to stay productive and go back.

"In fact 2020 for me was supposed to be a year that I would get back there and do things again. Go back to this world that I love.

"Especially the films that are coming out, I would love to. I miss hosting.

Continue reading below ↓

"For now, I'm busy with hosting, in a way, online."

Isa sa pinagkakaabalahan sa ngayon ni KC ay ang Kitchen Collab, kung saan nagluluto ng iba't-ibang putahe ang aktres, pati na rin ang mga social-media followers nito.

"I know people are settling into it already. People are kind of get the hang of it.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I felt like, hey, people might have the time and mental space to share recipes with me.

"I didn't want to bother anyone naman during that time.

"It worked out.

"And now, people are having fun watching it. Nakikisabay silang magluto, in real time pa siya. It's a nice community thing din.

"Naga-gather ko pa mga followers ko to do something together."

A TV PROJECT WITH MOM SHARON CUNETA?

Samantala, marami ang natuwa na natuldukan na ang tampuhan nila ng inang si Sharon Cuneta.

Nauna itong kinumpirma ni KC sa naging interview sa kanya ng kaibigang si Tim Yap para sa YouTube channel ng male TV host.

Continue reading below ↓

Sa ekslusibong panayam naman ng Cinema News At Home Edition kay KC ni Bianca Gonzalez nung nakaraang June 12, inilarawan ng aktres ang samahan nila ngayon ng Megastar.

Aniya, "She makes me feel I'm part of of their dinners at home. She sends me whatever they are having for dinner that night.

"I also recently send her ensaymadas from Chef Gaita Flores, saka sushi original bake.

"Sabi ko, 'On your next family night, just think of me while you munch on this.'

"Ganun ang language of love namin."

Bukas ba siyang makasama sa isang proyekto ang ina lalo't nasa isang istasyon sila?

"Too close to home yun. Nahihirapan talaga ako. I'll watch her na lang, sanay ako na pag mommy ko, nanonood lang ako. Siya na yun, e."

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion is supposed to make a showbiz comeback this 2020. In fact, before the COVID-19 pandemic, she got a teleserye offer.
PHOTO/S: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results