Remember when Wowie de Guzman parted ways with Judy Ann Santos?

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2020
Juday Wowie
In the '90s, one of the most popular love teams was the pairing of Wowie de Guzman and Judy Ann Santos. Let's take a look down memory lane and see how their tandem came to be.
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram (Gladys Reyes)

Walang duda na isa sa mga lubos na tiniliang tambalan noong dekada ’90 ay ang love team nina Judy Ann Santos, 42, at Wowie de Guzman, 43.

Nang magsimula silang ipareha, household name na noon si Judy Ann dahil sa ABS-CBN teleserye na Mara Clara.

Ginampanan ni Juday—ang nakagawiang tawag kay Judy Ann—ang papel na Mara, habang si Gladys Reyes naman ang gumanap bilang Clara.

Dalawang dekada ring itinuring na longest-running local teleserye ang Mara Clara.

Umere ito ng four years and six months, mula Agosto 1992 hanggang Pebrero 1997, hanggang nalagpasan ito ng teleseryeng Ang Probinsyano, na four years at ten months na at hindi pa natatapos.

Taong 1990 naman nang magsimula ang Universal Motion Dancers (UMD) na kinabibilangan ni Wowie.

Ani Wowie, ang unang-unang entablado na kanilang sinampahan ay sa Eat Bulaga!, noong umeere pa ito sa ABS-CBN.

Ang iba pang miyembo ng UMD ay sina Jim at James Salas, Brian Furlow, Miggy Tanchanco, Marco McKinley, Norman Santos, Gerry Oliva, at ang namayapang si Gerard Faisan.

Continue reading below ↓

Sa pagsikat ng UMD, nangunguna si Wowie sa mga miyembrong lubos na nakilala at tinilian.

Ito ang naging ticket niya para mag-cross over mula dancing to acting.

“Simula kaming magka-love team ‘94 yata,” pag-aalaala ni Wowie sa interview niya sa OneMusicPH YouTube video na in-upload noong June 21, 2020.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Pinapunta nila ako sa Mara Clara para maging isang love interest ni Judy Ann.

“Iyon na. Iyon na iyong nag-jumpstart ng career ko as an actor.”

SHE SAYS, HE SAYS ON THEIR TEAM UP

Noong February 2014, sa entertainment talk show na Biyaheng Retro, binalikan ni Juday kung paano ipinareha sa kanya si Wowie.

Sabi ng aktres, hindi pa ganoon kaselan ang paghahanap ng katambal ng isang artista.

“Before kasi, hindi pa naman uso iyong ipe-pair kayo, mag-o-audition kayo, magwo-workshop muna kayo… walang gano’n.

“At that time, si Wowie was chosen to be Christian, kasi sobrang sikat na sikat iyong [Universal] Motion Dancers.”

Continue reading below ↓

Christian ang pangalan ng ginampanang role ni Wowie sa Mara Clara.

Ani Juday: “Si Wowie iyong talagang sobrang tinitilian ng mga babae noon.

“E, kami iyong magka-age, ‘tapos parang naisip ni Direk Emil na, ‘Oo nga, nagdadalaga na si Mara. ‘Tapos may extra conflict pa with Clara, kailangan tayong magpasok ng ibang layer ng Mara Clara.”

Ang tinutukoy na Emil ni Judy Ann ay ang direktor ng kanilang teleserye, si Emil Cruz, Jr.

Samantala, sa kuwento ni Wowie sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong January 2020, hindi talaga siya ang first choice bilang love interest ni Judy Ann.

Sabi ng dancer-actor, hindi planado ang team-up nila ni Juday.

Pero natataon daw na laging hindi natutuloy ang mga ipinapareha kay Juday.

Kaya sa huli ay sa kanya napunta ang role ni Christian.

Mainit na tinanggap ang tandem ng dalawa, at nasundan pa ito ng isang patok na teleserye at sunud-sunod na mga pelikula.

Continue reading below ↓

Nagsimula ang Mara Clara noong 1992.

Pumasok sa TV project si Wowie noong 1994.

Nagtagal ang sikat na teleserye hanggang 1997. Sinundan agad ito ng kanilang teleseryeng Esperanza, na umere mula 1997 hanggang 1999.

Kabilang sa mga pinagtambalan at tinangkilik na pelikula nila ni Judy Ann ay ang Sana Naman, Kung Alam Mo Lang, Mara Clara: The Movie, Nasaan Ka Ng Kailangan Kita na lahat ay ginawa noong 1996...

Paano Ang Puso Ko? noong 1997; Muling Ibalik Ang Tamis ng Pag-ibig at Kasal-Kasalan (Sakalan) noong 1998; My Pledge of Love, at Esperanza: at The Movie noong 1999.

A LOVE BLOSSOMED

Sa kanyang PEP.ph interview, nang tanungin ang unforgettable moments ni Wowie, ang naaalala niya ay ang hirap daw magpakilig sa manonood.

Lahad ni Wowie: “Sa pelikula kasi namin ni Judy Ann, hirap na hirap ako pag magpapakilig kami ng mga eksena.

“So, iyon iyong mga unforgettable because napakahirap niyang gawin.

“But then, of course, inaalalayan ako lagi ni Judy Ann pag mga drama.”

Continue reading below ↓

Nasasariwa rin daw niya ang mga alaala nila sa tuwing napapanood niya ang kanilang past projects.

“’Pag napapanood ko siya sa TV, naiisip ko kung gaano kahirap iyong inabot ko nung ginagawa namin iyong mga eksena na iyon,” ani Wowie.

Sa Biyaheng Retro interview ni Juday, aminado siya sa umusbong na pagtitinginan nila ni Wowie sa higit na limang taong partnership onscreen.

Hindi raw maiiwasan na mahulog ang loob sa isa’t isa, lalo’t araw-araw na silang magkasama.

“May part naman talaga kasi nung time na sobrang ang dami naming ginagawa," sabi ng aktres, "as in araw-araw, umaga, tanghali, gabi, kami lang ang magkasama, from movies to tapings to out-of-town shows.

Continue reading below ↓

“Monday to Sunday kami talaga iyong magkasama, so walang chance na hindi kami nagkikita. Siguro doon na-develop.”

JUDAY AND WOWIE GO THEIR SEPARATE WAYS

Pagkatapos ng ilang taong tambalan nina Judy Ann at Wowie, nagsimula raw silang ipareha sa ibang mga aktor.

Doon na rin nagsimulang maghiwalay ang kanilang tandem at ang kani-kanilang landas.

“Nung time na mga pa-2000 na, of course, naghahanap na ng ibang flavor.

“'Tsaka nag-iiba na iyong tema ng mga istorya no’n,” kuwento ni Wowie sa OneMusicPH interview.

“And then si Judy Ann noon, na-pair na sa ibang mga artista, and then nagustuhan din iyong love team niya.”

Sa kaso naman ni Wowie, hindi ganoong kainit ang pagtanggap ng tao sa mga bagong kapareha niya.

“So do’n lang ako nag-struggle nung time na pa-partner na ako sa iba.”

Pag-amin ni Wowie, “Unfortunately, andun ako sa end na hindi talaga nila masyadong nagustuhan na mapares ako sa iba.

Continue reading below ↓

“So nung naramdaman ko na gano’n, nag-shift ako.”

HOT STORIES

Pinasok daw niya ang pag-arte sa entablado.

“Around 2000 or 2001, na-invite ako na umarte sa entablado.”

Paliwanag ng actor-dancer: “Nag-shift ako do’n, pero siyempre, malaking-malaki ang pagkakaiba ng theatre sa telebisyon.

“So dun ako nag-focus up until 2007. Naging member ako ng Gantimpala Theatre Foundation.”

Karamihan daw sa mga pagtatanggal niya ay curriculum-based at nag-perform siya sa PETA at sa Cultural Center of the Philippines.

Samantala, nanatiling aktibo si Judy Ann sa mainstream showbiz, at nagtuloy-tuloy ang paggawa niya ng acting projects sa pelikula at telebisyon.

JUDAY AND WOWIE NOW

Noong April 2009, ikinasal si Judy Ann kay Ryan Agoncillo.

Matapos ikasal ay binawasan ni Judy Ann ang acting projects at pinagtuunan ang pagho-host, upang sa gayon ay magkaroon siya ng mas maraming panahon sa kanyang family life.

Taong 2011 naman nang makilala ni Wowie ang kanyang magiging misis na si Sherryl Ann Reyes.

Continue reading below ↓

Ikinasal sila noong 2013.

Subalit isang buwan matapos ipanganak ang anak nila, pumanaw si Sherryl Ann noong 2014.

Mas pinili ni Wowie na tutukan ang pagiging single parent.

Noong 2017, pinasok niya ang pagiging Zumba instructor. Hanggang ngayon ay ini-enjoy niya ang pagiging instructor.

Single pa rin si Wowie ngayon at itinutuon ang atensiyon sa kanyang 6-anyos na anak na si Raff.

Samantala, mas naging mapili si Judy Ann sa kanyang mga proyekto dahil hinahati na ang oras sa trabaho at pamilya, na kanyang top priority.

May tatlo na silang anak ni Ryan: ang teenager na si Yohan (16), Lucho (9), at Luna (4).

Noong June 2016, nagkaroon ng reunion ang original cast ng Mara Clara, na pinangunahan nina Judy Ann at Gladys.

Mara Clara original cast

Continue reading below ↓

Bukod kina Juday, Wowie, at Gladys, dumalo rin si Christopher Roxas, asawa ni Gladys.

Dumalo rin sina Paolo Contis, Susan Africa, Juan Rodrigo, Eagle Riggs, Minnie Aguilar, at Agatha Tapan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the '90s, one of the most popular love teams was the pairing of Wowie de Guzman and Judy Ann Santos. Let's take a look down memory lane and see how their tandem came to be.
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram (Gladys Reyes)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results