Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Hello Stranger joins Gameboys and Sakristan in battle of Pinoy BL series

by Jerry Olea
Jun 25, 2020
It's now a three-way battle among these Pinoy Boys Love series: (L-R) JC Alcantara and Tony Labrusca star in Hello Stranger; Kokoy de Santos and Elijah Canlas topbill Gameboys; Clifford Pusing and Henry Villanueva headline Sakristan.
PHOTO/S: Instagram

CaiReel vs ZaChristian vs XavMi! And the winner is...

Three-cornered na ang bakbakan ng mga Pinoy Boys Love series sa pag-uumpisa ng Hello Stranger nitong Hunyo 24, Miyerkules ng 8:30 P.M., sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

“Enemy!” ang title ng first episode, kung saan sarap na sarap si Xavier de Guzman (Tony Labrusca) sa pang-aasar kay Mico Ramos (JC Alcantara).

Continue reading below ↓

Number 1 trending agad-agad sa Twitter ang BL series ng XavMi na idinirek ni Petersen Vargas, at nagtatampok din kina Vivoree Esclito, Patrick Quiroz, Miguel Almendras, at Gillian Vicencio bilang Crystal na GF ni Xavier.

Sa loob ng 24 oras, mahigit 623K views na agad ang Hello Stranger—378K sa YouTube, 245K sa Facebook.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napaka-adorb ng XavMi art work tweeted by starkrieg.

IS IT BETTER THAN GAMEBOYS AND SAKRISTAN?

Hello Stranger is better than Gameboys and Sakristan combined!” hirit ng seasoned Hollywood correspondent na si Bradford Adkins nang maka-chat namin nitong Wednesday night via Messenger.

“Mas high quality ang Hello Stranger, considering the pandemic restrictions. Very expressive ang mukha ni JC at nung girls.

“I could just imagine the challenges the actors were facing sa daily shooting, yet they delivered. They acted very well.

Hello Stranger is even a lot better than South Korea's BL series Where Your Eyes Linger, which I also watch on Viki.”

Continue reading below ↓

Wala pang subtitle (English o ano man) ang first episode ng Hello Stranger na ipinalabas.

Yung first episode ng Gameboys, na-translate na sa iba’t ibang wika ang English subtitles.

Kung sa Sakristan ay may lesbian teacher named Ma’am Pining Garcia, sa Hello Stranger ay may caricatural teacher named Miss Tina Moran.

Kaanu-ano kaya ng gurong iyan ang karakter na ginampanan ni Rosanna Roces sa pelikulang Ms. Kristina Moran: Babaeng Palaban (1999)?

Sa mga gusto pang makilala ang XavMi, tumutok sa PEP Live Session with Tony and JC ngayong Hunyo 26, Biyernes, 4:00 P.M.

HOT STORIES

GAMEBOYS, ISASAPELIKULA

Streaming ang Episode 5 ng Gameboys umpisa ngayong Hunyo 26, Biyernes ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Sampu lahat ang episodes ng Gameboys, na love story nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Continue reading below ↓

Isasapelikula ang Gameboys! Siyempre, sina Elijah at Kokoy rin ang mga bida sa film version.

“Binubuo pa ang screenplay. But definitely, iba ang screenplay nito, pampelikula dapat,” lahad ng executive producer na si Direk Perci Intalan nitong Hunyo 25, Huwebes ng gabi, via Messenger.

“Ibang-iba kasi ang storytelling ng movie. So, kahit pa may parts ng story na need ulitin, balak talaga naming i-reshoot.”

Balak ba nilang ipalabas sa mga sinehan ang Gameboys movie, o para ito sa ibang platform?

“Yung release, wait and see kami. Sana talaga, the cinemas are open na. Marami na rin kasi kaming platforms in mind,” pag-amin ni Direk Perci.

“But definitely, we want it to be as accessible as possible. Ganda nga sana kung may international release agad!”

So far, ang first episode ("Pass or Play") ng Gameboys ay naka-825K views na mula nang in-upload noong Mayo 22 sa YT.

Ang second episode ("Game of Love") ay naka-654K views na.

Continue reading below ↓

Ang third episode ("Strangers Online") ay naka-577K views na.

Ang fourth episode ("One Who Is Victorious") ay naka-455K views na.

MUMUR MAN AT PIPIT ANG SAKRISTAN

Mapapanood ang Episode 5 ("Barong") ng Sakristan sa Hunyo 28, Linggo, sa YouTube channel ng VinCentiments.

Kung ang CaiReel (Gameboys) at XavMi (Hello Stranger) ay online ang pagkikita, ang ZaChristian ay laging nagkakasama.

Ang location nila ay Olongapo City na walang kaso ng COVID-19.

Sa unang episode pa lang ay masuyong hinagkan ni Zach (Clifford Pusing) si Christian (Henry Villanueva) sa labi sa labas ng simbahan. Sa ikaapat na episode ay nagniig na sila.

Continue reading below ↓

Walo lahat ang episodes ng Sakristan, mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

Shout out ni Direk Darryl noong Hunyo 22, Lunes ng gabi sa kanyang fan page, “Salamat #Sakristan fans! For always choosing love and positivity.”

Ani Direk Darryl, “Maipagmamalaki nating hindi tayo namba-bash, pumupunta sa live chat ng ibang channel at doon nagpo-promote, ni minsan, hindi nanlait o nan-down ng ibang serye.

“Maliit na production lang po tayo at tuwing tayo ay mas minamaliit, lumalaki naman ang tingin sa atin ng mga manonood.

“Ang #SAKRISTAN po ay mula sa pondo mismo ng mga bumubuo nito, ang tanging contribution po ng Viva ay ang ipagamit sa atin nang libre ang mga awiting gustong-gusto nyo ngayon.

“Maaaring sabihing mumurahin at pitpitsugin ang camera, audio at kung ano pa tungkol sa #SakristanPh, pero ang KWENTO, ang KATOTOHANAN at KATUTURAN ang tunay nyong minamahal!

“Maraming Salamat po sa ADS, VIEWS, FAN ARTS, REVIEWS, na sa kabila ng YT restriction, sa kabila ng hindi sing yaman na prod, ay tayo pa rin ang nag-iisang SERIES na nagteTRENDING sa YOUTUBE

Continue reading below ↓

“Mahal namin kayo! LAPLAP EVERYONE!!!”

So far, ang first episode ("Touch-Move") ng Sakristan ay naka-833K views na mula nang in-upload noong Mayo 31.

Ang second episode ("Bangkok") ay naka-583K views na.

Ang third episode ("Cuerdas") ay naka-382K views na.

Ang fourth episode ("Thick and Whitee") ay naka-284K views na.

EXTRA ORDINARY SHOOTING

Mag-uumpisa ang shooting ng BL series nina Darwin Yu at Enzo Santiago na My Extra Ordinary sa Hulyo 3, Biyernes.


Continue reading below ↓

Ang orig na plano ay Abril ang shooting nito, at ipapalabas ng Hunyo. Dahil sa community quarantine, ipinagpaliban ang shooting nito.

“Sa June 28, Sunday ang rapid testing ng cast members, staff at production team,” kuwento ng blogger, socmed storyteller at publicist ng AsterisK na si Michael Louie “Byx” Almacen nitong Hunyo 25, Huwebes ng gabi, via Messenger.

“Lock in shooting siya. Kukunan dire-diretso ang walong episodes sa isang lock-in shooting.”

Nag-workshop sina Darwin at Enzo kay Vincent de Jesus at kay Thai coach Kru Lukkaew na acting coach ng BL actors ng GMMTV & Studio Wabi Sabi.

“Si Kru ang nag-coach kay Win Metawin at sa ibang cast members ng Thai BL series na 2gether,” dagdag ni Byx.

“Pinuri ni Kru sa Instagram ang mga artistang Pinoy na sumailalim sa kanyang online workshop.”

Continue reading below ↓

Sumailalim din si Darwin sa masterclass workshop ni Angeli Bayani.

Ang My Extra Ordinary ay produced ng AsterisK Digital Entertainment.

Magpe-premiere ito sa Hulyo sa One TV, Colours, YouTube (AsterisK Digital channel), at sa isang international streaming app.

Ang ikalawang BL series ng AsterisK Digital Entertainment ay ang A Kiss To Remember (AKTR).

Kasama sa cast nito sina Z Mejia at Christian Estrada.

May casting call para sa iba pang lalaking artista sa AKTR.

Ang aplikante ay dapat 17-21 years old, 5’7” pataas, marunong kumanta, sumayaw at tumugtog ng musical instrument.

Sa mga interesado, i-email ang setcard sa asteriskcasting@gmail.com, o makipag-alam kay Michael Louie Almacen sa Facebook o Messenger.

OH, MANDO!... KAILAN PA?!

Sa hanay ng mga Pinoy BL series, una nating nabalitaan ay ang Oh, Mando! na pinagbibidahan nina Alex Diaz at Kokoy de Santos, sa direksyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.

Continue reading below ↓

Naka-four shooting days na ang digital series na nakatakdang ipalabas sa iWant TV. Natigil ang shooting nito dahil sa community quarantine.

May natitira pa itong five shooting days. Kinumpirma sa amin ni Direk Edong nitong June 25, Thursday night, na magbabalik-shooting na sila sa Hulyo.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's now a three-way battle among these Pinoy Boys Love series: (L-R) JC Alcantara and Tony Labrusca star in Hello Stranger; Kokoy de Santos and Elijah Canlas topbill Gameboys; Clifford Pusing and Henry Villanueva headline Sakristan.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results