Upcoming Pinoy BL Series: In Between, My Extra Ordinary, My Day

by Jerry Olea
Jul 3, 2020
Three upcoming Pinoy BL series: (from left) Genesis Redido and Migs Villasis in In Between, Darwin Yu and Enzo Santiago in My Extra Ordinary, and Aki Torres and Miko Gallardo in My Day.

Kung pabebe, pakilig o pa-tweetums ang Gameboys, Sakristan, at Hello Stranger, iba ang lasa ng ikaapat na Pinoy BL series, ang In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam).

Pinaghalo rito ang tamis at pait ng katotohanang ang sarap ng isang relasyon ay kadalasang nasa gitna lamang ng hapdi ng simula at katapusan.

Bida rito ang 22-anyos na volleyball player ng UST Golden Spikers na si Genesis Redido bilang Otep, at ang 23-anyos na basketbolista ng Trinity College na si Migs Villasis bilang Taurus.


Continue reading below ↓

Genesis Redido (left) and Migs Villasis

Sa istorya, hindi mapaghiwalay ang magkababatang sina Taurus at Otep, hanggang sa sila’y magbinata.

Naramdaman ni Otep na ang damdamin niya kay Taurus ay nabahiran ng bahagharing kulay.

“First time po nila na maging lead. So, talagang matindi po ang workshop namin,” lahad ng direktor na si Briliant Juan nang maka-chat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Hulyo 2, Huwebes ng hapon, via Messenger.

“Dito lang din po kasi sila nagkakilala. Ang first assignment po nila ay kilalanin ang isa't isa.

“Like, meron silang two to three hours every day na getting to know each other. Binibigyan talaga nila ng time yun.

“Tapos, tsaka kami nag-Zoom meeting para tanungin kung anu-ano ang mga nalaman nila sa isa't isa.”

Masaya si Direk Briliant dahil mabilis na nakilala at naisapuso nina Migs at Genesis ang kani-kanyang character.

“Gusto po nila yung project kaya talagang ibinibigay nila yung best nila,” pagpapatuloy ni Direk Briliant.

Continue reading below ↓

“Kapag may hindi sila naiintindihan sa emotion ng character, nagtatanong sila.”

Nasa cast din ng In Betwee sina Shiara Dizon as Nicole, Lara Fostuna as Bianca, Renshi De Guzman as Ronin, at Ron Angeles as Jet.

Tapos na ang material para sa anim na episodes ng In Between. Nagpo-post prod na sila.

Matitikman ang unang episode ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam sa Hulyo 11, Sabado, 8:00 P.M., sa YouTube channel ng USPH TV.

Opo, may kissing scene ang TauTep!

MY EXTRA ORDINARY

Nag-script reading via Zoom ang cast ng BL series na My Extra Ordinary nitong Hunyo 28, Linggo.

Nag-quarantine na ang cast, sa pangunguna nina Darwin Yu, Enzo Santiago, at Karissa Toliongco.


Continue reading below ↓

Enzo Santiago (seated) and Darwin Yu

Sa Hulyo 12, Linggo, mag-uumpisa ang shooting sa Antipolo City, sa direksyon ni Jolo Atienza.

“Na-move ang first shooting day dahil ang daming requirements na kailangang sundin at i-submit,” sambit ng MEO publicist na si Byx Almacen.

“Kailangang mag-submit ng project registration form one week before the shoot.”

Sa istorya, lungkut-lungkutan si Shake (Darwin Yu) at wala siyang naaalala sa kanyang nakaraan.

Isang araw, magtatagpo sila ni Ken (Enzo Santiago), at unti-unti silang magkakalapit bilang magkaibigan.

Aalamin ni Ken kung ano ang katotohanan tungkol sa nakalipas ni Shake.

Matutunghayan ang first episode ng My Extra Ordinary ngayong Hulyo sa bagong channel na ONE TV.

“Pinagmimitingan pa ang timeslot ng MEO, pero malamang na late primetime,” pakli ni Byx.

Walong episodes ang My Extra Ordinary, na handog ng AsterisK Digital Entertainment.

Antabayanan ang matalinhagang pag-iibigan ng ShaKen!

MY DAY

Agosto 19 hanggang Setyembre 16 ang Ghost Month, at Setyembre 2 ang Ghost Day ngayong 2020.

Continue reading below ↓

Kaya hindi nito sakop ang pag-uumpisa ng BL series na My Day sa Agosto 8, Sabado, sa YouTube channel ng Oxin Films.

8-8! Auspicious! Gawin sanang 8:00 P.M. ang premiere para 8-8-8.

“OK siya sa feng shui!” sabi ng direktor na si Xion Lim nitong Hulyo 2 via Messenger.

“Out story exists in a normal world without covid. An Asian fusion inspired in terms of cinematography, editing, and other production elements.”

Bida sa My Day ang 21-anyos na si Aki Torres bilang Ace, at ang 22-anyos na si Miko Gallardo bilang Sky.


Continue reading below ↓

Aki Torres (left) and Miko Gallardo

Si Ace ay anak ng CEO ng Ace of Cakes.

Si Sky ay isang culinary intern na pumasok sa company nina Ace.

“Si Miko, nakatrabaho ko na dati sa isang commercial kaya mas mabilis na para sa amin ang makatrabaho ulit,” saad ni Direk Xion.

“Si Aki naman ay na-discover ko sa Tiktok at minessage ko siya para magpadala ng VTR.

"Dumaan pa siya sa acting workshop under kay Mel Martinez since bago lang talaga siya sa industry na ‘to.

“Very professional sila pareho pagdating sa set, at parang pamilya na talaga behind the scenes dahil naka-lock in sila rito sa Oxin nang matagal...”

Chukitings! Abang-abang sa maharot na AkiMi!

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three upcoming Pinoy BL series: (from left) Genesis Redido and Migs Villasis in In Between, Darwin Yu and Enzo Santiago in My Extra Ordinary, and Aki Torres and Miko Gallardo in My Day.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results