Adrianna So considers role in Gameboys as game changer: "It changed my life in so many ways."

by Jerry Olea
Jul 4, 2020
Adrianna So on headlining the GL series Pearl Next Door: “I’m trying to wrap my head around it,” saad ni Adrianna, na araw-araw nagwo-work out. For sure it’s gonna be challenging, I’m nervous but I’m hoping for the best."
PHOTO/S: Instagram

Ang lakas ng dating ni Pearl (Adrianna So) sa cliffhanger ng Episode 2 (“Game of Love”) ng first Pinoy Boys Love series na Gameboys.

Tumawag si Cairo (19-anyos na si Elijah Canlas) kay Gavreel (22-anyos na si Kokoy de Santos). Ang nabungaran ni Cai, si Pearl.

Hirit ni Pearl, “Naliligo pa siya, pero teka, tawagin ko, ha? Gav... Gav... Babe! May tumatawag sa ‘yo!”

“Babe?” nagulumihanang sambit ni Cai.

Ayun na! Inakala ng fans na Babaeng Bubog si Pearl.

Nagkalinawan kapagkuwan na ex-girlfriend turned best friend ni Gav si Pearl, at hindi siya hitad.

Kikay-kikay si Pearl, at supportive sa CaiReel.

Support system ni Cai si Pearl nang magkaharap-harap sila nina Gav at Terrence (Kyle Velino) sa Episode 6 (“Secret Party”).

WHO IS ADRIANNA SO?

Twenty-eight years old na pala si Adrianna, pero sa Gameboys ay mukhang hindi nalalayo ang edad niya kina Elijah at Kokoy.

Isinilang siya sa Zarqa, Jordan, at five years old siya nang pumunta sa Pilipinas, kung saan siya nagkaisip at lumaki.

Malak So Shdifat ang pangalan niya nang lumahok sa Artista Academy (2012) ng TV5.

Wildcard finalist siya sa "Wildcard Exam" ng paligsahan.

Kicked out siya sa Final Exam ng Artista Academy, kung saan winners sina Vin Abrenica at Sophie Albert, at kasama sa Final 6 sina Akihiro Blanco, Chanel Morales, Mark Neumann, at Shaira Mae (na Shaira Diaz na ang screen name).

Kabilang sa projects niya sa TV5 ang Never Say Goodbye (2013), Misibis Bay (2013), Madam Chairman (2013-2014), ParangNormal Activity (2015), The Baker King (2015), at Forever Sucks (2016).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang kunin siya nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan para i-manage sa ilalim ng The IdeaFirst Company, doon siya bininyagan bilang Adrianna So.

Lumabas siya sa mga pelikulang Distance (entry sa Cinemalaya 2018) at Ang Babaeng Allergic sa WiFi (entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018).

Nag-cameo siya sa mga pelikulang Die Beautiful (2016), I Love You To Death (2016), The Escort (2016), at Love is Love (2019).

GAME CHANGER

Medyo napansin na si Adrianna sa digital movie ng iWant TV na I AM U (2020), kung saan gumanap siya bilang kaibigan ni Julia Barretto.

Pero game changer sa kanya ang pagganap bilang Pearl sa Gameboys.

“It changed my life in so many ways.

"Gameboys is talaga namang international and a lot of people are reaching out to us, the feedback is instant since it’s online, and I feel so inspired to work every day,” lahad ni Adrianna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Messenger nitong Hulyo 4, Sabado.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag niya, “People love Pearl and I love her, too but... mind blown talaga.

"Kasi, first time to get these reactions/response from people.

“My family and friends love the show and they’re included every Friday sa live audience on YouTube! LOL!”

Umabot sa 19,815 katao ang live audience ng Episode 6 ng Gameboys nitong Hulyo 3, Biyernes ng gabi.

Base sa Geography data ng Episode 1 ("Pass or Play") ng Gameboys, tinatayang ang mga manonood—Pilipinas (73.3%), USA (4.9%), Indonesia (2.2%), India (2.0%), Malaysia (1.3%), Brazil (1.3%), Canada (0.8%), UAE (0.8%), at at KSA (0.7%).

May subtitles ang Gameboys sa 17 wika.

At dumarami ang articles ng Gameboys mula sa gaming group—hindi na BL o LGBT lang.

May article tungkol dito sa isang parang anime club na based sa India.

Itinampok doon ang Gameboys na kahilera ng anime.

PEARL NEXT DOOR

Hanggang Episode 10 lang ang unang Season ng Gameboys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Papalitan ito ng GL series na Pearl Next Door, kung saan bida siyempre si Adrianna.

“I’m trying to wrap my head around it,” saad ni Adrianna, na araw-araw nagwo-work out.

“For sure it’s gonna be challenging, I’m nervous but I’m hoping for the best.

"And I’m gonna do everything for it, and I’m really grateful to The IdeaFirst for giving me this opportunity.”

Sa pelikulang Distance ay siya ang love interest ni Therese Malvar.

Sa I AM U, ang karakter niya ay may crush kay Julia Barretto.

Kaya pangatlong lesbian/fluid role na niya si Pearl.

Between Alden Richards and Catriona Gray, sino ang mas matimbang para sa kanya?

“Tanging si Pearl lang po ang makakasagot niyan. Hahaha!

“I admire them and isa po talaga sa girl crushes ko si Miss Universe Catriona Gray.”

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Adrianna So on headlining the GL series Pearl Next Door: “I’m trying to wrap my head around it,” saad ni Adrianna, na araw-araw nagwo-work out. For sure it’s gonna be challenging, I’m nervous but I’m hoping for the best."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results