Remember when Dennis Trillo's most popular love team wasn't with a woman?

by Rommel R. Llanes
Jul 8, 2020

Bago pa ang popularidad ng BL or Boys Love series, nauna nang sumikat ang TV drama series nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez na My Husband's Lover.

Groundbreaking na maituturing ang show na pinagbidahan nina Dennis, Tom, at Carla Abellana dahil ito ang unang gay-themed Filipino drama series sa history ng Philippine television.

Continue reading below ↓

Kuwento ng nanumbalik na pag-iibigan nina Vincent (Tom) at Eric (Dennis) ang istorya ng My Husband's Lover.

Ang pag-iibigan nilang kailangang ilihim, dahil bukod sa may asawa si Vincent (si Lally, played by Carla) ay anak pa siya ng isang military general (played by Roi Vinzon).

Continue reading below ↓
Recommended Videos

dennis trillo, tom rodriguez, my husband's lover

Sobrang tinangkilik ng mga manonood ang show nina Dennis at Tom.

Continue reading below ↓

Magaganda ang reviews ng istorya at acting ng cast.

Napansin din ang efforts ng production na baguhin ang stereotypical image ng gay characters sa telebisyon at pelikula.

Madalas kasi noon na maiingay na beauticians, mataray na sidekick ng bida, o kontesera sa beauty pageants ang ipinapakitang imahe ng isang bading sa screen.

Sa My Husband's Lover, kasing-normal ng kanilang heterosexual counterparts ang buhay ng homosexual characters: pumapasok sa opisina, may professional career, nagpupunta ng gym para mag-workout, naglalaro ng sports, nagsasaya, at umiibig.

MY HUSBAND'S LOVER'S IMPACT

Pero dahil sa sensitibong tema ng show, binusisi ito ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at tinutukan ng MTRCB (Movies and Televison Review and Classification Board).

Sinigurado naman ng GMA Network at ng production ng show na makakasunod ito sa guidelines ng nasabing ahensiya at hindi mao-offend CBCP.

Sa sobrang popularidad ng show, naka-inspire din ito ng batas na inihain noong 2013 ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman Jr. sa 16th Congress.

Continue reading below ↓

Ito ang House Bill 2352, na tinawag pa ni Rep. Lagman na, "My Husband's Lover Bill."

Layunin ng nasabing bill na parusahan ang may-asawang lalaki o babae na mapapatunayang nagkaroon ng same-sex intercourse.

Sa kasalukuyan kasing batas sa ilalim ng Article 333 ng Revised Penal Code of the Philippines, paparusahan ang lalaking may-asawa na kapag nahuling nakipagtalik sa hindi niya misis, gayundin ang babaeng kasal na kapag nahuling nakipag-sex sa hindi niya mister.

Hindi covered ng batas na ito kung mahuhuli ang kasal na lalaki o babae na nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae.

Nananatiling nakabimbin ang bill sa Kongreso.

MOST LIKED LOVE TEAM

Kasagsagan ng kasikatan ng My Husband's Lover nang maisipan ni Dennis na magpa-survey sa kanyang fans.

Tinanong niya ang mga ito kung sino ang pinakagusto nilang ka-love team niya.

Marami na rin kasing napasukang love teams si Dennis.

Naipareha na siya kay Jennica Garcia, Nadine Samonte, Heart Evangelista, Jennylyn Mercado, at Bianca King.

Continue reading below ↓

Nag-top sa kanyang survey ang love team nila ni Tom na "TomDen."

Sa YES! 100 Most Beautiful Stars 2013 press launch, kunsaan kasama sa listahan sina Dennis at Tom, nabanggit ni Dennis ang isa sa requirements para epektibong magampanan ang kanilang role.

Aniya, "Para makaarte ka nang gano'n, yung ginagawa namin sa TV, kailangang makita mo rin yung beauty ng isang tao na, halimbawa, may relasyon kayo, mahanap mo kung ano yung pinakamagandang parte ng mukha, yung assets niya."

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results