Confessions of A Kapamilya In The Time of Shutdown

by James Patrick Anarcon
Jul 10, 2020
How will you be affected if the ABS-CBN franchise is not renewed?
PHOTO/S: ABS-CBN
ILLUSTRATION: Mixi Ignacio

Hindi ako nagtratrabaho sa ABS-CBN.

Walang akong kinikita sa kanya, wala akong anumang kontrata sa kanya. Wala. Taga-labas ako.

Pero bata pa lang, buhay ko na ang TV. At most of the time talaga, nasa ABS-CBN ang channel ng TV namin.

Kaya naman ngayong nasa late twenties na ako, masasabi kong lumaki akong Kapamilya.

Kumusta naman, di ba? Iyon ang buhay ko bata pa lang ako. Instead of cartoons, ang akin ay mga teleseryeng Mula sa Puso, Esperanza, at Saan Ka Man Naroroon, di ba?

At hindi lang iyon, hindi cartoon character ang naging childhood icon ko, kung hindi ang Sarimanok na station ID ng ABS-CBN. Alam na alam ng nanay ko, kaya tinatawag pa niya ako para pumasok sa kwarto kapag palabas ang Sarimanok.

Sarimanok

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Although nagkaroon din naman ako ng slightly normal childhood dahil nanuod din naman ako ng mga educational TV shows like Bayani, MathTinik, Sineskwela, and Epol/Apple.

Pero most of my childhood memories are scenes from Mula sa Puso—lalo na ‘yong eksenang si Princess Punzalan ay nasa loob ng sumabog na kotse sa may pa-finale, ‘tapos na-survive pa rin niya!

Ang pinakapaborito ko talaga ay iyong Saan Ka Man Naroroon, kung saan nag-portray na triplets si Claudine Barretto na sina Rosenda, Rosario, at Rosemarie.

I admit, I used to do roleplaying noong bata ako ‘tapos ginupit ko iyong sapin ko sa likod para gawing wig at kapag sinuot ko ‘yon, magkakaroon ako ng bangs para maging si Rosemarie!

Claudine Barretto as Rosemarie in Saan Ka Man Naroroon

Continue reading below ↓

Gustong-gusto rin namin yung musical teleserye na Bituin, starring Carol Banawa, Desiree del Valle, Cherie Gil, and Nora Aunor. Unforgettable para sa akin yung nasa mall show kunyari ang character ni Desiree, 'tapos nagloko ang tape niya so na-discover na nili-lip sync lang niya ang boses ni Carol!

Later, hindi na lang sa teleserye ang iniikutan ng mundo ko, thanks to Game KNB na ang saya saya panoorin—entertaining na, may matututunan ka pa, ‘tapos ang saya kapag makikisagot ka, tama rin ang sagot mo!

Siyempre, kasama rin ako sa mga talagang na-adik sa Meteor Garden. Buti at medyo bagets pa ako noon, so no choice ako kung hindi dumiretso ng uwi. At buti na lang din, maaga ang uwian namin. Pwede pa ako gumawa ng assignment bago mag-abang kay Shan Cai at Dao Ming Si at 5:30 p.m.

Continue reading below ↓

At sa bahay namin, mahalaga ang balita, especially for my housewife mom. Hindi naman siya loyal sa TV Patrol, nagsu-switch din siya sa 24 Oras (na naging Frontpage at Saksi pa noon).

Looking back at these things, sobrang laki pala talaga ng impluwensya sa akin ng ABS-CBN.

Although I must admit, hindi naman ako naging super solid Kapamilya kasi marami rin akong pinapanuod sa GMA-7, like TGIS, Anna Karenina, at StarStruck, at maging sa ibang networks.

Sa katunayan, noong 2005, inabandona din ng pamilya namin ang Primetime Bida ng ABS-CBN noong panahon ng Darna at Encantadia.

Pero sa mga panahong ito, I was just a plain viewer. Di ko naman alam kung may impact ito sa life ko, o sa future ko. Basta masaya akong nanunuod ng telebisyon—minsan sa hapon, GMA-7; pero basta sa gabi, ABS-CBN.

ABS-CBN IS A FAMILY AFFAIR

ABS-CBN is really the source of entertainment for our family, na kung babalikan ko, mare-realize kong its shows have become a family affair in our household.

Continue reading below ↓

I remember, sabay-sabay kaming nanunuod noon ng Pangako Sa ‘Yo. It was like an unconscious family gathering, na tapos na lahat mag-dinner by 7 p.m. para ready to watch na kami. At kapag gipit na kami sa time at late nakakain, we would help our house angel para mapadali ang work niya so she can watch with us. Nahawa na kasi siya sa habit, e. At dire-diretso na kami hanggang sa last prime-time show!

Naging bonding naman namin ng pinsan ko ang Marina. Nire-record pa namin dati sa VHS tape para ma-replay, at noong nagkaroon ng DVD ang Marina, sabay din kaming nag-marathon. At hindi iyon nagtatapos sa panunuod, dahil kapag wala kaming magawa ng ate ko, maglalaro kami ng Barbie dolls niya base sa mga teleseryeng napanuod namin… kahit may asawa na siya at pumupunta ako sa bahay niya.

Marina

Continue reading below ↓

Even the horror episodes of Maalaala Mo Kaya and Magandang Gabi, Bayan, which I dread watching now, naging family event noon. Sama-sama lahat kami sa kwarto at sabay-sabay manunuod para takutin mga sarili namin. Kamusta naman, di ba?!? Kung makapagyaya kayong manuod, parang kasama ko kayo kapag napanaginipan ko na! Hahaha!

Naging paborito rin namin noon ang mga reality shows na Star In A Million, Star Circle Quest, at Qpids. ‘Tapos, kapag wala kami sa bahay, ire-record ng house angel namin sa VHS para pwedeng i-replay. Wala pang Youtube or iWant noon, at talagang grabe ang suporta namin sa mga manok namin.

Nakakamiss iyong mga panahon na iyon, pero sa totoo lang, hanggang ngayon naman, family affair pa rin sa amin ang panunuod ng shows ng ABS-CBN. Dahil kahit magkakahiwalay na kami ng bahay, kapag nagkita-kita kami, ang usapan namin, “Uy, anong nangyari sa Love Thy Woman?” or “Nanunuod ka ba ng Kadenang Ginto?”

Continue reading below ↓

I’m sure, kahit pa may Netflix at ibang streaming sites ngayon, marami pa ring households na ang family affair ay ang panunuod ng TV. Nababasa ko madalas sa Twitter na maraming apektado kung mawala ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa mga lolo at lola nilang fans ng TV show. I can relate because, at some point in my life, I was there. Na-experience ko iyon.

I wanted to be president of ABS-CBN

It was in the year 2008 when my interest in TV went to a whole new level. Thanks to Youtube, nakapanuod ako ng mga paborito kong shows noon... which led me to the dream of working for the entertainment industry. In particular, to become a scriptwriter.

Umabot ako sa puntong ine-enumerate ko ang staff ng ABS-CBN TV shows, lalo na ang mga writers. May notebook pa ako noon na may mga names nila! Wala lang, interesado lang talaga ako sa mga detalye ng mga teleserye, with the question na, "What if maging isa ako sa kanila?"

Continue reading below ↓

In the year 2010, naki-celebrate nga ako sa 60 years of Pinoy Soap Opera ng ABS-CBN. Campaign iyon. And I bought mga merchandise ng mga teleserye nila! Naalala ko noon, nakita ko lang randomly sa mall iyong malaking album ng soundtrack ng lahat ng Kapamilya teleseryes. Two days later, binili ko na siya, at doon na nag-start ang malaking collection ko ng soap-opera memorabilia.

Continue reading below ↓

That same year, my most-favorite teleserye aired: Magkaribal, starring Gretchen Barretto and Bea Alonzo. Hanggang ngayon, paborito ko pa rin siya kaya nga nakumpleto ko ang DVDs nito, at siguro ay mga more than 10 times ko na siya inulit, at inuulit ko pa rin hanggang ngayon. (Salamat sa pag-upload sa iWant).

Continue reading below ↓

That was the reason why, in 2011, when I entered college and studied Mass Communication, kapag tinatanong ako kung ano ang future goal ko, sinasabi kong "Maging presidente ng ABS-CBN!" Ang gusto ko lang noon ay maging may-ari ng TV network para makasama sa content creation.

But, of course, over time reality sets in. Still, my love for entertainment remains—lalo na ang pagiging Kapamilya, which I expressed at one time through my blog.

I guess, my blog paid off maski paano. I will never forget October 2012, as a college sophomore, when a scriptwriter from ABS-CBN invited me! Natuwa raw siya sa pagka-fan ko, at iniimbitahan akong mag-cover ng press conference ng isang teleserye nila!

It was a dream come true. After a stressful semester, ito na siguro ang definition ko ng saya at pahinga. For once, na-experience ko ang real world, the world I’ve been dreaming of becoming a part of. Nakakakaba pero nakakatuwa iyong experience na, kahit nag-observe at nanuod lang naman ako, it felt surreal to be there.

Continue reading below ↓

Years after the Sarimanok, kahit tumanda na ako, nae-excite pa rin ako sa mga station ID. Tulad na lang noong 2013 station ID, iyong para sa 65th anniversary, to the point na ang bestfriend ko, nag-text pa nang 12 midnight na nasa TV daw ang station ID. Ako naman, nag-on ng TV at sinubukang maabutan... ‘tapos naalala ko, may Youtube na pala, puwede ko pang ulit-ulitin!

I never thought na aabot sa ganito ang pagiging fan at viewer ko. That it will open doors for me, meet people I’ve long been wanting to meet, at magkaroon ako ng glimpse sa mundong gusto kong pasukan. At the same time, makita ko ang katotohanan—that television has its own ups and downs, advantages and disadvantages, and all the wonders that come with these things.

Dahil naging entertainment reporter ako.

Hindi man ako nakapasok sa ABS-CBN, at talaga namang mas mahal ko ang trabaho kung nasaan ako ngayon, hindi ko pa rin makakalimutan that I had my first-hand glimpse of the media industry through the Kapamilya network.

Continue reading below ↓

WHY ABS-CBN GONE WILL BE such a loss

Sa ngayon, masasabi kong hindi na ako solid Kapamilya viewer dahil ang dami ko na ring sinubaybayan bilang entertainment reporter. At may shows na naging paborito ko sa GMA-7, at maging sa TV5. Kahit naman noon pa.

Mas lumawak na ang mundo ko ngayon, kumbaga biro nga sa akin, mayroon na kaming remote control.

Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi masakit para sa akin ang nangyayari ngayon sa ABS-CBN. Hindi ibig sabihin noon ay hindi malungkot itong shutdown.

Dahil, bilang viewer ng ABS-CBN hanggang ngayon, para talaga akong nanakawan. Nanakawan ng pagkakataong ma-entertain, makapagsaya habang nagpapahinga, makapanuod ng maraming magagandang kuwento.

Maaaring sabihing maraming paraan, na may streaming at may ibang networks pa. Pero kaya ka nga may gusto, may hinahanap, at may paborito, di ba? May shows akong paborito sa GMA-7 dahil hindi ko napapanuod sa ABS-CBN; may programang minahal ko sa ABS-CBN dahil hindi ko naman mapapanuod sa GMA-7. O kahit pa sa Netflix.

Iyong limitahan ka ng pagpipilian, napakasakit, Kuya Eddie!

Continue reading below ↓

Marami na rin akong naging kaibigan sa Kapamilya network, at masama sa pakiramdam ko na makitang nahihirapan sila, nag-iisip kung ano mangyayari lalo na’t walang kasiguraduhan ang pupuntahan nila.

Paano na lang din kung sakaling nagtuluy-tuloy ang pangarap kong makapasok sa ABS-CBN noon at naging isa ako sa kanila, lalo pa at panahon ngayon ng pandemya? Ang bigat isipin.

Sa issue naman ng press freedom, naituro sa college na media ang bridge between public servants and the public they serve. Media ang tulay para up close ay makita ng publiko ang ginagawa ng gobyerno nila. Hindi naman itinuro na ang media ay PR ng government officials.

At alam nating hindi joke, hindi paandar lang ang posts ng mga tao na wala silang magiging access sa balita, dahil marami pa ring probinsiya na walang access sa ibang networks at maging sa internet.

Alam kong hindi lang ako ang may feeling na nanakawan ng chance for entertainment and news dahil sa maaaring pagkawala ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Maaaring exaggerated para sa iba iyong sabihing magugunaw o mayayanig ang mundo kapag nawala ang ABS-CBN.

Pero para sa pareho kong lumaki sa panunuod ng TV, sa mga pamilyang ang tanging kasiyahan ay panunuod ng Ang Probinsyano, at lalo na sa mga nagtatrabaho at kanilang pamilyang maaapektuhan ang kabuhayan—hindi ba napakalaki ng epekto ng mawalan ng franchise?

Sa lahat-lahat, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN.

Nagpapasalamat ako dahil nakilala ko sina Esperanza, Amor Powers, Victoria Valera, at Lily Cruz na nagturo sa ating lumaban at tumayo sa sariling paa, na kahit anong pagdaanan natin ay makakabangon tayo.

Nagpapasalamat ako sa Bayani, Sineskwela, Mathinik, at Epol/Apple sa pagbibigay ng saya habang nag-aaral at natututo ako. Salamat din sa mga teachers namin na ginamit ang mga TV shows na ito para magturo sa amin. Hindi ko makakalimutan iyong mga araw na iyon, kasi kahit nanunuod lang kami sa classroom, na-feel kong para na rin kaming nakalabas dahil may ibang mundo kaming pinapasok.

Continue reading below ↓

Salamat sa Wansapanataym at Hiraya Manawari dahil sa kagandahang-asal na itinuro niyo noon sa mga batang tulad ko; sa Gimik, Tabing Ilog at Abt Ur Luv para sa pagpapakita ng matatag na pagkakaibigan at sa pinagdaraanang issues ng teenagers at kung paano haharapin ang mga ito.

Nagpapasalamat ako sa iba pa at sa lahat ng TV shows na ipinalabas niyo ngayon—hit man o flop—because every TV show is an experience, maganda man o hindi, pero walang pagsisisi.

Maaaring hindi perpekto ang TV network sa maraming paraan. Pero lahat ng bagay, magandang mabigyan ng bagong pagkakataon para mas mapaganda at maitama ang mga mali, kung mayroon man.

Mahigpit na yakap, taimtim na dasal, at pakikiisa para sa mga Kapamilya.

Ed's Note: The "PEP Commentary" section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

MORE STORIES ABOUT ABS-CBN

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How will you be affected if the ABS-CBN franchise is not renewed?
PHOTO/S: ABS-CBN
ILLUSTRATION: Mixi Ignacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results