Gameboys, Hello Stranger, Sakristan, other Pinoy BL series making waves online

by Jerry Olea
Jul 15, 2020
Pinoy BL series streaming online: (Clockwise) Tony Labrusca and JC Alcantara in "Hello Stranger"; Genesis Redido and Migs Villasis in "In Between"; Henry Villanueva and Clifford Pusing in "Sakristan"; and Kokoy de Santos and Elijah Canlas in "Gameboys".

Ang unang Pinoy Boys Love series na naibalita ay ang Oh, Mando na pagbibidahan nina Kokoy de Santos at Alex Diaz, sa direksiyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.

Nasa cast din nito sina Barbie Imperial at Migs Villasis.

Natigil ang shoot nila sa ikaapat na araw dahil sa pandemic. Meron pa silang five (5) shooting days.

Continue reading below ↓

GAMEBOYS

Ang unang Pinoy BL series na napanood natin ay ang Gameboys, na istorya nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos), sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.

Nasa cast din nito sina Adrianna So, Kyle Velino, Sue Prado, at Jerom Canlas.

Linear ang narrative nito, mula sa pagtatagpo nina Cairo at Gavreel online dahil sa isang laro.

In-address ng series na ito ang “New Normal” na merong COVID-19, at nagso-social distancing ang mga tao. Nasa kani-kanyang bahay ang bawat artista.

Kilig-kiligan ang fans sa virtual kiss ng CaiReel. Uma-AlDub!

Continue reading below ↓

Mayo 22, Biyernes, nag-premiere ang Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company. Ang Episode 1 (“Pass or Play”) ay naka-1.06M views na.

Pang-international ang Pinoy BL series na ito, na ang first episode ay may subtitles sa 17 languages.

Nakapitong episodes na ang Gameboys, at may natitira pang tatlo. Ikinakasa na ang pagsasapelikula ng Gameboys.

Naka-schedule si Kokoy na tapusin ang shooting ng BL series na Oh, Mando!, na nakatakdang ipalabas sa iWant.

Nakagawa si Elijah ng movie na He Who Is Without Sin kung saan co-star niya si Enzo Pineda.

Kalahok ito sa Sinag Maynila 2020 filmfest, na ipinagpaliban dahil sa pandemya. Itinuturing ito ng iba bilang BL movie.

SAKRISTAN

Ang ikalawang Pinoy BL series ay ang Sakristan, na istorya nina Zach (Clifford Pusing) at Christian (Henry Villanueva). Ito ay sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.

Kinunan ang Sakristan sa Olongapo City, na COVID-free. Walang social distancing ang mga karakter sa istorya, at sa unang episode pa lang ay masuyong hinagkan ni Zach si Christian sa labas ng simbahan.

Continue reading below ↓

Meron din silang eksena ng pagniniig sa kama, pero suggestive lamang iyon.


Henry Villanueva (left) and Clifford Pusing

Maging ang pagsibasib ni Zach ng halik kay Wolf (Xavier Reyes) ay halatang daya.

Mayo 31, Linggo, nag-umpisa ang ZaChristian series sa YouTube channel ng VinCentiments. Ang Episode 1 (“Touch-Move”) ay naka-981K views na.

Continue reading below ↓

Nakapitong episodes na ang Sakristan. Ang ikawalo at huling episode na “Amen” ay mapapanood sa Hulyo 19, Linggo.

“Sa hinaba-haba ng prusisyon, hindi tatama ang inyong prediksyon,” post ni Direk Darryl nitong Hulyo 13, Lunes sa Facebook.

HELLO STRANGER

Ang ikatlong Pinoy BL series ay ang Hello Stranger, na istorya nina Xavier (Tony Labrusca) at Mico (JC Alcantara), sa direksyon ni Petersen Vargas.

May girlfriend si Xavier, si Crystal (Gillian Vicencio). Hindi malinaw kung ang star basketball player na si Xavier ay straight na curious, pamhintang gay, bisexual, pansexual, fluid o kung ano pa man.

Kasama sa cast nito sina Vivoree Esclito, Patrick Quiroz, at Miguel Almendras.

Kagaya ng Gameboys, ang setting ng Hello Stranger ay panahon ng pandemic na naka-quarantine ang mga karakter sa kani-kanyang tahanan. Online ang mga tsikahan, kulitan, at harutan.


Continue reading below ↓

Tony Labrusca (left) and JC Alcantara

Hunyo 24, Miyerkules, nag-hello ang Hello Stranger sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

Ang Episode 1 (“Enemy”) ay naka-1.26M views na sa YouTube, at 429K views sa Facebook.

Kahit itong XavMi series ang ikatlong Pinoy BL na nag-hello, ito ang naka-1M views agad sa YT.

So far, nakatatlong episodes na ang Hello Stranger, na handog ng Black Sheep at ABS-CBN Films.

IN BETWEEN

Ang ikaapat na Pinoy BL series ay ang In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam, na istorya nina Taurus (Migs Villasis) at Otep (Genesis Redido), sa direksyon ni Briliant Juan.

Ang basketbolistang si Migs ay suporta sa Oh, Mando!, pero naunang ipalabas itong In Between nila ng volleyball player na si Genesis.


Continue reading below ↓

Genesis Redido (left) and Migs Villasis

Two-part ang Episode 1 nito na nag-premiere noong Hulyo 11, Sabado, sa YouTube channel ng USPH TV.

Ang Episode 1.1 (“Unang Kabanata ‘MULI’: Unang Yugto”) ay naka-112K views na.

Ang Episode 1.2 (“Unang Kabanata ‘MULI’: Ikalawang Yugto”) ay naka-77K views.

Two-part din ang Episode 2 nito na mapapanood sa Hulyo 18, Sabado.

Gaya ng Sakristan, walang social distancing ang mga karakter sa In Between.

Nasa cast din ng TauTep series sina Shiara Dizon as Nicole, Lara Fostuna as Bianca, Renshi de Guzman as Ronin, at Ron Angeles as Jet.

UNLOCKED

Anim na magkakaibang LGBT story during community quarantine ang tampok sa Unlocked anthology na nilikha ni Direk Adolf Alix Jr.

Ang Episode 1 (“Andrew & Brix”) ay ipinalabas noong Hulyo 9, Huwebes, sa GagaOOLala, the one and only LGBTQ-focused online streaming service in Southeast Asia.

Twenty-minute ang short film, na kinunan gamit ang iPhone, at tatlo lamang ang crew.

Continue reading below ↓

Walang saplot sina Markki Stroem at Mike Liwag sa eksena ng pag-uulayaw, kung saan implied na kapwa nag-condom ang kani-kanyang karakter. Pareho silang may butt exposure.


Markki Stroem (left) and Mike Liwag

Noong araw rin na iyon ay kumalat ang video clip ng kanilang pagniniig sa Messenger, sa Viber, at sa Twitter kung saan naging trending topic ito.

Continue reading below ↓

Tahasang itinanggi ni Direk Adolf na gimik ang piracy, na kesyo sila mismo ang nagpakalat ng video clip. Ikinalungkot iyon ni Direk Adolf, maging nina Markki at Mike.

Hunyo 11, Sabado ng umaga, kumalat sa socmed ang litrato ni Markki na nasa kama, at katabi ang isang kilalang aktor.

May mga nagsabing photoshopped iyon. Meron ding mga nanalig na totoo ang litrato.

At meron ding humirit na gimik iyon para sa Unlocked, pero muli, diretsahang itinanggi iyon ni Direk Adolf.

Nag-number 1 sa listahan ng Most Watched sa Gagaoolala ang "Andrew & Brix."

“I never would have thought that it would have gotten such an overwhelming response,” bahagi ng post ni Markki noong Hunyo 12, Linggo, sa Facebook.

“As an older artist, 10 years now in the industry, I would like to thank everyone who supported and watched ‘Andrew & Brix’ on Gagaoolala...

“Thank you again so much for all of the love! You are all a blessing.”

Continue reading below ↓

Ang Episode 2 (“Calvin & Drake”) ng Unlocked ay pinagbibidahan nina Oliver Aquino at Migs Almendras. Magpi-premiere ito sa Hulyo 16, Huwebes.

Ang tagline nito, “The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained.”

Naghubad din ba sina Oliver at Migs? Kakabugin ba nila ang pasiklab nina Markki at Mike sa naunang episode?

Continue reading below ↓

“Mas drama po ito. Emotionally naked,” pakli ni Direk Adolf.


Migs Almendras (left) and Oliver Aquino

Si Migs ay suporta sa Hello Stranger bilang isa sa mga nerdy na kaibigan ni Mico (JC Alcantara). Miguel Almendras ang pangalan niya roon.

Gumanap si Migs bilang young Michael de Mesa sa pelikulang Isa Pang Bahaghari, na entry sa 1st Summer MMFF.

Continue reading below ↓

Kagaya ng Sinag Maynila 2020 filmfest, postponed ang 1st Summer MMFF at wala pang linaw kung kailan ipapalabas ang mga pelikula roon.

May entry rin sa 1st Summer MMFF si Direk Adolf, ang Coming Home na bida sina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

SMALL TALK

Quarantine stories din ang short films sa “Small Talk” anthology, na mapapanood sa YouTube channel ng TBA Studios.

So far ay walong episodes na ito, na pawang idinirek ni Rod Singh. Sa bawat episode ay may dalawang karakter na nagcha-chat online.

Ang unang karakter ay magla-log in sa app na Small Talk: Meet strangers.

Sasabihin niya kung male or female siya. Pipili siya ng kausap—male, female or any.

Ang next step—ise-set niya ang age range ng gusto niyang kausap, between 18 and 50.

Kapagkuwan ay sasagutin niya ang multiple choice question na “What’s your mood today?”—Fun, Conversation, Friends, Relationship or E-numan.

Then, ipe-press ang “Meet strangers” at ihahanap ka ng ka-match para makausap.

Continue reading below ↓

Sa Episode 1 (“MILF”), nakausap ng 25-year-old na si Raf (Royce Cabrera) ang 44-year-old na si Gina (Yayo Aguila).

In-upload ito noong Mayo 30, Sabado at naka-79K views na ito.


Royce Cabrera and Yayo Aguila

Interesting ang interaction nina Royce at Yayo, na memorable ang kissing scene sa Cinemalaya 2019 movie na Fuccbois, na idinirek ni Eduardo Roy Jr.

Continue reading below ↓

Tinagurian si Yayo na "Laplap Queen" dahil sa nasabing movie, kung saan kasali rin sina Ricky Davao at Kokoy de Santos.

Sa Episode 7 (“Snowflake”) ng Small Talk ay bida sina Ricky Davao at Barbara Ruaro. In-upload ito noong Hulyo 4, Sabado, at meron nang 20.7 views.

Sa Episode 6 (“Naked Truth”), may bahid ng BL ang landian nina Gold Azeron at Adrian Lindayag.

In-upload ito noong Hunyo 20, at naka-56.9K views na ito.


Continue reading below ↓

Adrian Lindayag (left) and Gold Azeron

Iyong Episode 4 (“E-numan”) starring Jomari Angeles and Kenneth Paul Cruz ay “must watch” para sa mga lalaking attracted sa trans woman.

In-upload ito noong Hunyo 13, at naka-56.0K views na.

Aliw na aliw ako kay Sarah Brakensiek sa Episode 5 (“AFAM”), kung saan muntik na siyang magka-nosebleed sa pagpapa-cute kay Nico Locco.

In-upload iyon noong Hunyo 20, at naka-36.5K views na.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy BL series streaming online: (Clockwise) Tony Labrusca and JC Alcantara in "Hello Stranger"; Genesis Redido and Migs Villasis in "In Between"; Henry Villanueva and Clifford Pusing in "Sakristan"; and Kokoy de Santos and Elijah Canlas in "Gameboys".
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results