Due to overwhelming demand, BL series Gameboys extended by three episodes

by Jerry Olea
Jul 24, 2020
The IdeaFirst Company announces that Gameboys, starring Elijah Canlas (left) and Kokoy de Santos (right), will be extended by three episodes after Episode 10.

Extended ang Gameboys!

May karagdagang tatlong episodes ang Pinoy BL series tungkol sa pag-iibigan nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

Ibinunyag ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng executive producer ng The IdeaFirst Company na si Direk Perci Intalan nitong Hulyo 24, Biyernes.

“Kasi, ang daming sepanx the whole week mula sa fans. May Season 2 raw ba?” lahad ni Direk Perci sa eksklusibong panayam via Messenger ng PEP.ph.

“Nakakalungkot daw, kasi wala na silang aabangan tuwing Friday. Matagal pa raw ba ang movie?”

Nitong Hulyo 23, Huwebes, nagpasya si Direk Perci at ang kapwa executive producer na si Direk Jun Lana, maging ang production team at cast ng Gameboys, na magkaroon ng three additional episodes.

Itinaon nila ang announcement sa Pinoy Reactors Meet ng Gameboys nitong Biyernes ng 6:00 P.M. sa Facebook page ng The IdeaFirst Company, bago ang 8:00 P.M. premiere streaming ng Episode 9 (“Say It With Love”).


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Direk Perci, “Nag-decide kaming i-announce ang extension bago pa lumabas ang Ep 9, kasi ayaw namin na parang ni-lead on namin ang fans thinking na Ep 10 ang finale, tapos hindi pala.

“Pero finale level ang Ep 10, ha?! It’s just that nakabuo kami ng kuwento for 11, 12, and 13 na sobrang bongga pa!”

Naku! Malamang na humirit ang fans na unlucky number ang 13... Suwerte ang 16!

“WAG NA!!! Ha ha ha ha! Kailangan na naming simulan ang Gameboys movie at ang GL series na Pearl Next Door!” sansala ni Direk Perci.

Malapit nang matapos ni Ash M. Malanum ang screenplay ng Gameboys movie. Itinigil muna ni Ash ang pagsusulat niyon para sa scripts ng Episodes 11 to 13.

Siyempre, ang magdidirek pa rin ay si Ivan Andrew Payawal.

kokoy resumes shooting for OH, MANDO!

Hulyo 17, Biyernes, nagtapos si Kokoy de Santos ng shoot para sa Episode 10 ng Gameboys, kaya nakapag-report na siya sa set ng BL series nila ni Alex Diaz na Oh, Mando!, sa direksyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.

Natigil ang shoot ng Oh, Mando! on its fourth day last March dahil sa pandemic.

Kinumusta ng PEP kay Kokoy ang pagre-resume nila ni Alex ng shoot para sa Oh, Mando! BL series.

“SIyempre po, nakaka-miss ang set. Pero iba na po kasi ang New Normal,” saad ni Kokoy nitong Thursday morning, July 23, via Messenger.

“Kahit na-miss mo rin iyung mga tao behind the camera and your co-actors, hindi mo ito maiparamdam sa kanila masyado dahil sa social distancing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“E, ako pa naman, isa sa love language ko... physical touch.”

Natapos ang shoot ng Oh, Mando! nitong Hulyo 23, Huwebes.

Pahayag ni Direk Edong, “It went well. Na-shoot ang dapat ma-shoot. Excited na kaming lahat makita ang pinaghirapan namin.

“Amidst the pandemic, natapos namin siya kaya masaya lahat ang cast.”

Kasama sa cast ng Oh, Mando! si Barbie Imperial.

Ipapalabas ang BL series na ito sa iWant sa Agosto, pero wala pang definite date.


NO SPOILERS

Bago napagpasyahan na i-extend for three more episodes ang Gameboys, inurirat ng PEP sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa maaasahan ng viewers mula sa Episodes 9 and 10. No spoilers, please!

Hirit ni Kokoy, “Bukod sa masarap si Cairo, masarap siyang makaeksena. Palagi... lalo na sa mga susunod na episodes.”

Ang tanging nasabi ni Elijah, “Ang hirap sumagot nang hindi spoiler!”

Kasama nina Kokoy at Elijah sina Adrianna So at Kyle Velino sa Pinoy Reactors Meet ng Gameboys this Friday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Adrianna ang bida sa GL series na Pearl Next Door, na papalit sa Gameboys.

Ang format nito ay kagaya ng Gameboys, na online o virtual ang mga kaganapan.
Consistent sa GCU (Gameboys Cinematic Universe)!

MIGS VILLASIS

Nakaisang araw lang na shoot si Migs Villasis sa Oh, Mando! bago ang lockdown noong Marso.

Sinabihan siya ng production na hindi na siya kasama sa resumption ng shoot.

“Reason they said po is because lead star ako sa In Between,” lahad ni Migs nitong Biyernes ng tanghali.

“Nalungkot nga po ako, kasi excited din po ako sa project na iyon. But I respect their decision po.

“I wish them the best po. I’m sure, maganda po yun, kaya abangan po sana nila at suportahan.”


Ang katambal ng basketbolistang si Migs sa BL series na In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam ay ang volleyball player na si Genesis Redido.

Matutunghayan ang two-part Episode 3 ng In Between bukas, Hulyo 25, Sabado ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng USPH TV.

Ang direktor nito ay si Briliant Juan.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The IdeaFirst Company announces that Gameboys, starring Elijah Canlas (left) and Kokoy de Santos (right), will be extended by three episodes after Episode 10.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results