Pinoy BL series coming in August: My Day, Better Days, Oh Mando!, My Extraordinary

by Jerry Olea
Jul 26, 2020
(L-R) Miko Gallardo and Iñaki Torres in My Day; Chester Chua and Benedix Ramos in Better Days; Koko de Santos and Alex Diaz in Oh, Mando!; Dawrin Yu and Enzo Santiago in My Extraordinary.

Mayo 22, Biyernes ipinalabas ang unang Pinoy BL series, ang Gameboys, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Apat na episodes lamang sana ito. Nanganak ang istorya, kaya naging walong episode, hanggang naging sampu.

Bago nag-streaming ang Episode 9 (“Say It With Love”) nitong Hulyo 24, Biyernes, inihayag ng produksyon na may tatlo pang dagdag na episodes ang Season 1 ng Gameboys.

Sa cliffhanger ng Episode 9, masuyong sinabihan ni Cairo (Elijah Canlas) si Gavreel (Kokoy de Santos), “Kita na tayo, baby!”


Nagtitigan sila at nag-usap ang mga mata—parang sina Teresita (Nora Aunor) at Sandra (Vilma Santos) sa ending ng pelikulang Ikaw Ay Akin (1978).

Ang Gameboys ay sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal, mula sa panulat ni Ash M. Malanum.

SAKRISTAN

Mayo 31, Linggo, nag-premiere ang ikalawang Pinoy BL series, ang Sakristan, sa YouTube channel ng VinCentiments.

Bida rito sina Henry Villanueva at Clifford Pusing, sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walong episodes lamang ito. Ang finale ay ipinalabas noong Hulyo 19.


After Sakristan, hinarap ni Direk Darryl ang pag-e-edit ng Viva movie na Ang Babaeng Walang Pakiramdam, starring KimJe (Kim Molina at Jerald Napoles).

Ang susunod na YT series ni Direk Darryl ay Ang Jowa Kong DDS.

Ang first draft ng script nito ay lubhang matapang. Kadema-demanda!


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HELLO STRANGER

Hunyo 24, Miyerkules, nag-umpisa ang ikatlong Pinoy BL series, ang Hello Stranger. Ipinalabas ito sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

Ang Episode 1 nito ang unang Pinoy BL series episode na naka-1M views sa YouTube. Pumangalawa ang Episode 1 ng Gameboys.

Maging ang Episode 2 ng Hello Stranger ay naka-1M views sa YouTube, samantalang ang Episode 2 ng Gameboys ay naka-887K views pa lamang.

Sa Episode 5 (“Hello, Sadness!”) na in-upload noong Hulyo 22, wagas ang awit ni Xavier (Tony Labrusca) kay Mico (JC Alcantara):

“Ang dami nilang sinasabi/ Malapit na nga akong mabingi sa mga napupuna nila

“Ahh, nakakasawa din pala/ Sabi-sabi nila na di tayo magtatagal/ Kesyo ganito, kesyo ganyan/ Sa una lang daw tayo masaya

“Ahhhahhh, ahhhahh, ahhahh... wala tayong magagawa/ Ahhhh, tawanan na lang natin

“At kahit na anong sabihin ng iba/ Pangako ko sa ‘yo na walang mag-iiba...”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama rin sa XavMi series sina Vivoree Esclito, Patrick Quiroz, Migs Almendras, at Gillian Vicencio; sa direksyon ni Petersen Vargas.

Hanggang Episode 8 lamang ang Hello Stranger, at maggu-goodbye na ito.

IN BETWEEN

Hulyo 11, Sabado nag-premiere ang ikaapat na Pinoy BL series, ang In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam, sa YouTube channel ng USPH TV.

Sa Episode 3 (“Pangako”) na in-upload nitong Hulyo 25, Sabado ng gabi, umamin si Taurus (basketbolistang si Migs Villasis) sa katropang si Nicole (Shiara Dizon) na nagkarelasyon sila ni Otep (volleyball player na si Genesis Redido).


Sampu lahat ang episodes ng In Between.

“Masasagot na iyung issues nina Taurus and Otep in life sa susunod na episodes. Mas nakakakilig,” pahayag ng direktor na si Briliant V. Juan via Messenger kahapon, July 25.

“Parang after mong mapanood, iisipin mo kung may chance pa ba kayong magbalikan ng ex mo.”

KUMUSTA, BRO

Experimental... interactive ang digital series na Kumusta, Bro, na intended para sa live stream app na Kumu.

Ang pre-recorded Episode 1 (“Tropa Meet Cute”) ay in-upload noong Hulyo 21, Martes sa YouTube channel ng Firestarters Studios.

Tampok sa palabas na ito sina Kristof Garcia (BidaMan finalist), Sky Quizon (PBB Otso alumnus), RJ Agustin (singer-actor), at Allen Cecilio (model).


Ang direktor ay si Real S. Florido.

BETTER DAYS

Inilunsad ang official trailer ng Better Days nitong Hulyo 24, Biyernes, sa YouTube channel ng Unframed Film.

Bida rito ang YouTube influencers na sina Chester Chua at Benedix Ramos, sa panulat at direksyon ni Carlo Obispo.

Istorya ito ng isang vlogger at isang chef, at kung paanong ang local delicacies ay magpapaliyab sa kanilang damdamin.

De kalidad ang mga nagawang pelikula ni Direk Carlo na Purok 7 (kalahok sa Cinemalaya 2013 filmfest) at 1-2-3 (opening film sa Cinemalaya 2016 filmfest), kaya inaasahan nating malinamnam at masustansiya itong Better Days.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong nagbe-brainstorming kami ng producer ko, if we wanted to make a BL, nag-agree kami na magiging inspirational siya,” saad ni Direk Carlo.

“This is inspired by our BL couple friends na yung love nila is founded on ambitions, goals and dreams, at sabay nilang ina-achieve together.”

Dagdag ng executive producer na si Kristian Villaflor, “We are offering love as a venue in fulfilling their individual dreams by growing together.”

Matitikman ang Better Days sa Agosto.

MY DAY

Nag-premiere ang official trailer ng My Day nitong Hulyo 25, Sabado, 9:00 P.M. sa YouTube channel ng Oxin Films.

Top-notch ang production values nito. Glossy! Yayamanin! Powerful ang cinematography!

Mistula itong fairy tale, na naglipana ang fairy godmothers when poor boy Sky (BidaMan finalist Miko Gallardo) meets rich boy Ace (Iñaki Torres).

Pati ang mga aso, tila kumekembot at kumekendeng. Di ba, Chuk-chuk?

Malaking tulong na may familiar faces sa official trailer—sina Congressman Yul Servo, Paolo Bediones, at Mel Martinez.

Ang tanong... may workout session ba si Sky sa Santolan station, alang-alang kay Felix Bakat?!

Abangan ang premiere streaming ng My Day sa Agosto 8, Sabado. Twelve (12) episodes ang seryeng ito—40 to 50 minutes ang running time ng bawat episode.

“Nag-start po kami ng shooting, end of May. Natapos kami, last week lang po,” lahad ng producer na si Carlo Morris Galang nitong Sabado night via Messenger.

“Most of the scenes, sa studio po namin ginawa. Naka-lock in kami kaya production set up po talaga para safe lahat.

“Magkakasama kami sa house ng halos two months po.”

Ang direktor ng My Day ay si Xion Lim, na naghahanda na sa kasunod na BL series na ididirek niya.

MY EXTRAORDINARY

Two days lang ang shooting ng My Extraordinary sa Antipolo City.

Ang third shooting day nila ay nitong Hulyo 25, Sabado, sa Meycauayan, Bulacan. Mabibigat na family scenes ang kinunan.

Bida sa My Extraordinary sina Darwin Yu at Enzo Santiago, sa direksiyon ni Jolo Atienza.


Darwin Yu (left) and Enzo Santiago

Pumanaw ang ama ni Direk Jolo nitong Sabado dahil sa diabetes, pero tuluy-tuloy ang shooting nila.

Ngayong Hulyo 26, Linggo, ang kanilang fourth shooting day. The show must go on, ikanga.

Sa Agosto nakaplanong ipalabas sa Channel 5 ang My Extraordinary, na nagtatampok din kina Z Mejia, Yayo Aguila, Jojit Lorenzo, Kayden Soriano, at Karissa Toliongco.

Facebook comment ni Yayo kaugnay sa mga katrabahong young actors, “I love these kids already! So humble, simple, respectful and serious with what they are doing!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They're doing a good job and I wish them well! Ang saya ng set and magaan.”

Prodyus ito ng AsterisK Digital Entertainment, na ikinakasa ang tatlo pang Pinoy BL series—A Kiss To Remember, Boys Next Door, at Meet Me in Bangkok.

OH, MANDO!

Nasa fourth day ng shoot na ang Oh, Mando! nang matigil dahil sa community quarantine noong Marso.

Ito ang unang Pinoy BL series na pumukaw sa ating kamalayan. Bida rito sina Kokoy de Santos at Alex Diaz, sa direksyon ni Eduardo “Edong” Roy Jr.


Kokoy de Santos and Alex Diaz

Multi-awarded si Direk Edong. Kabilang sa mga obra niya ang Lola Igna (2019) at Pamilya Ordinaryo (2016) na parehong streaming sa Netflix simula noong Hunyo.

Si Direk Edong din ang lumikha ng mga pelikulang Fuccbois (2019), Quick Change (2013), at Bahay Bata (2011).

Ginawa na muna ni Kokoy ang Gameboys. Matapos ang shoot ni Kokoy sa Episode 10 ng Gameboys, agad nag-resume ang shoot ng Oh, Mando!, na nagtatampok din kay Barbie Imperial.

Nakapag-shoot dito for one day si Migs Villasis bago ang lockdown. Dahil bida na si Migs sa In Between, hindi na siya isinama sa pagre-resume ng shoot nito.

Suporta rin dito si Z Mejia, na tampok sa mga BL series ng AsterisK na My Extraordinary, A Kiss To Remember, at Boys Next Door.

Ngayong Agosto nakatakdang ipalabas ang Oh, Mando! sa iWant. Swak sa wet season.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Miko Gallardo and Iñaki Torres in My Day; Chester Chua and Benedix Ramos in Better Days; Koko de Santos and Alex Diaz in Oh, Mando!; Dawrin Yu and Enzo Santiago in My Extraordinary.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results