Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Gameboys stars Elijah Canlas, Kokoy de Santos make fans kilig over their virtual harutan

by Jerry Olea
3 days ago
Elijah Canlas (left) on Gameboys being extended by three episodes: “Excited po, kasi, to be honest, na-miss din namin ang isa’t isa. At maganda rin po ang kuwento for the next episodes. Maraming bago, kaya excited lang po talaga." Gameboys also stars Kokoy de Santos (right).
PHOTO/S: Instagram

Kilig pa more ang Gameboys fans sa virtual harutan nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa social media.

Sa ending ng Episode 9 (“Say It With Love”) ng Gameboys—na nag-premiere streaming noong Hulyo 24, Biyernes, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Companymasuyong sinabihan ni Cairo (Elijah) si Gavreel (Kokoy), “Kita na tayo, baby...”

Nag-tweet kinabukasan si Kokoy ng message para kay Elijah, “Gusto na kita makasama.”

Continue reading below ↓

Hashtag ang reply na tweet ni Elijah kinabukasan, Hulyo 28, Linggo ng gabi... #PatienceIsAVirtue.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang comment ni Jerom Canlas, gumaganap na Kuya London ni Cairo at totoong kapatid ni Elijah: “Ang landi niyong lahat!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Finale na dapat ng Season 1 ng Gameboys itong Episode 10 na ipalalabas ngayong Hulyo 31, Friday night, kung saan inaasahang magtatagpo ang CaiReel. Pero na-extend ito ng tatlo pang episodes.

Continue reading below ↓

“I honestly didn't think it was possible. But Episodes 11, 12, and 13 exceeded all of my expectations. Better get ready, guys!” tweet ni Elijah noong Hulyo 28, Martes ng hapon.

May sagot agad si Kokoy, “Ready po ako... anytime.”

Continue reading below ↓

THREE MORE EPISODES

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Elijah at Kokoy nitong Hulyo 30, Huwebes, via Messenger.

Kinumusta namin ang pagbabalik-taping nila for three more episodes of Gameboys.

Tugon ni Elijah, “Excited po, kasi, to be honest, na-miss din namin ang isa’t isa.

"At maganda rin po ang kuwento for the next episodes. Maraming bago, kaya excited lang po talaga."

Saad ni Kokoy, “Actually, hindi ko po in-expect. Hindi namin in-expect.

"Masaya. Kasi, hanggang ngayon po, hindi ako makapaniwala po sa mga nangyayari.

“Lagi ko ngang sinasabi, SURREAL. Sobrang na-miss agad namin ang isa’t isa.”

Ayon kay Direk Perci Intalan, executive producer ng Gameboys along with husband Direk Jun Lana, panay-panay ang kulitan nina Elijah at Kokoy sa balik-taping nila.

Ito ay matapos ang shoot ni Kokoy ng Pinoy BL series na Oh, Mando! with Alex Diaz and Barbie Imperial.


Continue reading below ↓

Bago ipalabas ang Episode 10 ng Gameboys tonight at 8:00 P.M., guest si Elijah sa YouTube vlog ni Kokoy titled “Gameboys Episode 9.5: Workout with love.”

Ano ang malaking pagbabago kina Kokoy at Elijah before nag-start ang Gameboys at ngayong ipapalabas na ang Episode 10 ng kanilang Pinoy BL series?

Continue reading below ↓

Lahad ni Kokoy, “Kung ako lang, ayaw ko nang matapos itong series na ito, e.

"Wala naman pong masyadong pinagbago. Mas lalo lang lumalim ang pagtingin ko kay Cairo bilang Gavreel.

"Nakaka-excite ang ‘ending’ dapat. Ha! Ha! Ha!

“Pero ang challenge dito, e, paano nga namin naitawid iyung three more episodes. Abangan!”

Pag-amin ni Elijah, “Mas naging public and open po ako as a person and artist.

"Dati po kasi, lahat ng social media accounts ko, private. At ngayon po, may mga ‘fans’ na po ako.

“Kaya I will forever be grateful for this opportunity and show.

“I just hope everyone enjoys Episode 10 and looks forward to this new treat we’re making.

“I’m so proud of this show and the whole team. Many thanks to all the supporters!”

ADRIANNA SO AS PEARL

Happy and excited si Adrianna So, gumaganap bilang Pearl, sa additional three episodes ng Gameboys.

“Kasi, hindi kami maghihiwa-hiwalay,” katwiran ni Adrianna nang mainterbyu ng PEP.ph nitong Hulyo 29, Miyerkules, via Messenger.

Continue reading below ↓

“My last shoot for Gameboys was July 19 pa, and even though via Zoom lang kami lagi nagsu-shoot, may bonding and attachment pa rin po with the whole team, e.

“So, thankful po na na-extend for three more episodes.”

Na-dishearten o na-disappoint ba siya na naurong ang GL series niyang Pearl Next Door dahil sa extension ng Gameboys?

“Hindi naman po. Kasi, Pearl Next Door is not yet done, to be honest, and I trust my management’s decision.”

Continue reading below ↓

Ano ang malaking pagbabago sa kanya before siya gumanap na Pearl at ngayon na ipapalabas na ang Episode 10 ng Gameboys?

“I am getting a lot of love from the BL family lately. And their support is super solid,” tugon ni Adrianna.

“So, isa siya sa malaking pagbabago because first time mangyari talaga sa akin and I’m grateful.

“Personally, malaking pagbabago siguro is self-discipline. Since I’m filming alone and doing set up din, I learned not to procrastinate, stay focused, and stick to a timeline, so I can deliver.”

Yun na, Karleen Gregorio!

GAMEBOYS MERCHANDISE

Coming soon ang Gameboys merchandise, hopefully next week. Meron bang T-shirts and pillows?

“So far, may isa na akong set of samples na approved na. Excited na kami nung business partner namin for this one,” sabi ni Direk Perci nang maka-chat namin nitong Hulyo 30, Huwebes, via Messenger.

“Magugulat ang mga tao sa unang merch na lalabas. Napa-WOW sina Elijah at Kokoy... At pati Direk Ivan Andrew Payawal nung nakita nila ito.

Continue reading below ↓

"Something na kahit fans abroad, maa-appreciate. Sobra!”

Nasa Netflix na ang Thai BL series na 2gether starring Metawin Opas-iamkajorn (Win) and Vachirawit Chiva-aree (Bright).

Sana, kunin din ng Netflix ang Gameboys para mas maraming makapanood.

“Haaay, sana nga. Paki-petition, please! Ha! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Direk Perci.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas (left) on Gameboys being extended by three episodes: “Excited po, kasi, to be honest, na-miss din namin ang isa’t isa. At maganda rin po ang kuwento for the next episodes. Maraming bago, kaya excited lang po talaga." Gameboys also stars Kokoy de Santos (right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results