Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Kokoy de Santos on kissing scene with Gameboys co-star Elijah Canlas: “Nakakabitin!”

by Jerry Olea
2 days ago
Sa Episode 10 ng Gameboys naganap ang first kissing scene nina Gavreel, played by Kokoy de Santos, at Cairo, played by Elijah Canlas.
PHOTO/S: Screenshot from YouTube

Nagtagpo. Nag-iyakan. Naghalikan.

Sa Episode 10 (“Pass Or Play 2”) ng Gameboys na in-upload nitong Hulyo 31, Biyernes, ng 8:00 p.m. sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company, nagkaharap sina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos) sa unang pagkakataon.

May pa-bouquet si Gavreel. Pareho silang naka-face mask, at sumunod sila sa social distancing.

Kokoy de Santos Elijah Canlas kissing scene

Continue reading below ↓

Napaluha si Cairo, “Napatunayan ko, totoo nga yung nararamdaman ko—na mahal din kita.”

May surpresa si Gavreel.

Nag-set up ito ng plastic barrier with space for arms para magkayakap sila ni Cairo.

At magkahalikan.

Ito ang unang kissing scene sa new normal ng local showbiz, kung saan isinaalang-alang nang lubos ang safety guidelines and protocols.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

kokoy de santos elijah canlas kissing scene

Continue reading below ↓

Trending sa Twitter. Nambulabog sa Facebook.

Reminiscent ang halikang iyon sa kissing scenes nina Ned (Lee Pace) at Chuck (Anna Fiel) sa American fantasy mystery comedy-drama TV series na Pushing Daisies (2007-2009).

Ano kamo ang masasabi ni Kokoy sa halikan nila ni Elijah? “Nakakabitin!”

HOW THE SCENE WAS SHOT

Hulyo 12, Linggo, kinunan sa Emerald Avenue, Ortigas Center ang pagtatagpo, pag-iiyakan, pagyayakapan at paghahalikan nina Cairo at Gavreel.

“One day shoot iyon pero sobrang tagal naming pinaghandaan,” kuwento ng executive producer na si Perci Intalan nitong Agosto 1, Sabado ng umaga, via Facebook Messenger.

“Nilakad namin lahat ng permits sa Pasig LGU [local government unit] at Ortigas Center Association and Security.

“Sunday namin itinaon ang shoot para ma-hold namin ang traffic sa kalye.”

elijah canlas kokoy de santos

Continue reading below ↓

Bakit sa labas kinunan ang pagtatagpo ng CaiReel?

“Important na exterior iyong shoot. Kasi una, creatively, ito talaga ang pagpapalaya kina Gav at Cai,” paliwanag ni Direk Perci.

“Nasa labas na sila at hindi na nakakulong sa bahay. Pero pangalawa, mas safe din kasi against the virus. Walang recirculating air. 'Tapos, lahat kaming nasa shoot, nagpa-test muna. Down to the drivers and medic and safety team.

“On the day of the shoot, lahat ng sasakyan, pina-disinfect. Lahat ng ginamit na phones, props, etc., may disinfection kada hawak. May face shields lahat except Kokoy and Elijah.”

Ilan lahat ang tao sa set?

“Sa set mismo, around 10 at any given time. Sa parking, naghihintay iyong iba. Hiwa-hiwalay.”

Meron bang nag-usyoso sa shoot?

“May mga dumaan na na-recognize agad ang Gameboys,” pag-amin ni Direk Perci.

“Nakakatuwa yung reactions nila. Naririnig namin, e. ‘OMG! Gameboys!’

“Lahat ng nag-video, pinakiusapan namin na huwag mag-post. May isang nag-post, minessage namin agad.

Continue reading below ↓

“Masisira kasi ang magic para sa viewers if malaman ng tao ito.”

Elijah Canlas Gameboys

GAMEBOYS EPISODE TIMELINE

Mayo 22, Biyernes, in-upload ng The ideaFirst Company sa YouTube ang Episode 1 (“Pass or Play”) ng Gameboys, na 10 minutes 41 seconds lamang ang running time. Iyon ang unang Pinoy BL series.

Continue reading below ↓

Nakakuha ng feedbacks ang production para sa mga susunod na episode. May nag-suggest na gawan ng OST ang Gameboys.

In-upload noong sumunod na Biyernes, Mayo 29, ang music video ng kantang "Isang Laro" (words and music Emerzon Texon, vocals by Nasser).

Hunyo 3, Miyerkules in-upload ang Episode 2 (“Game of Love”).

Hunyo 12, Biyernes, Araw ng Kalayaan, ginamit sa Episode 3 (“Strangers Online”) ang mga kantang "Isang Laro" at "Panalo Ka" (words and music by Emerzon Texon, featuring vocals by Dex Yu).

Mula noon ay tuwing Biyernes ng gabi na ang mga sumunod na episode ng Gameboys.

Hunyo 23, Martes, in-upload ang music video ng "Panalo Ka," kung saan unang lumabas ang bugok na si Terrence (Kyle Velino).

Sa Episode 10 (“Pass or Play 2”), background music ang "Panalo Ka" nang susunduin na ni Pearl (Adrianna So) si Cairo para ihatid sa Ortigas Center, hanggang sa magkatanawan ang CaiReel.

Paghakbang nina Cairo at Gavreel papalapit sa isa’t isa, background ang "Isang Laro":

Continue reading below ↓

“Sa’n ba dadalhin ng ngiti natin ang pagtingin?/ Sa ‘yo’t sa akin

“Hanggang sa’n lalayo ang ating mga puso para sa pag-ibig na mula sa isang laro?”

Para sa kissing scene nina Cairo at Gavreel, na-inspire si Emerzon Texon na likhain ang kantang "Ngayon" (featuring Dex Yu). Wala pa itong music video.

Ang kuwento ni Direk Perci, “Gulatan ito. Last Sunday (July 26) lang naisipan ni Emerzon na gumawa ng bagong kanta!

“Na-inspire siya, e. Pinarinig niya ‘yung song, nag-decide na kami agad na i-produce.”

Matapos magyakapan ang CaiReel, nagtanggal sila ng face mask. Habang papalapit ang paglalapat ng kanilang mga labi, pinatugtog ang "Ngayon":

“Puso natin, mula ngayo’y magkadikit/ Mahal ko, giliw, di kita ipagpapalit

“Ako’y nasasabik/ Ako’y nasasabik sa yakap mo’t halik

“Puso ko’y sa ‘yo, kunin mo na ako/Ngayon, ako’y sa ‘yo, malaya na tayo”

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Episode 10 ng Gameboys naganap ang first kissing scene nina Gavreel, played by Kokoy de Santos, at Cairo, played by Elijah Canlas.
PHOTO/S: Screenshot from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results