Kapuso actor Paul Salas to his Kapamilya friends: "Hope for the best... Pray."

by Rose Garcia
Aug 4, 2020
Paul Salas is excited to wear his army uniform again when Descendants of the Sun resumes its taping soon. In the Pinoy adaptation of the South Korean series, he plays Marty Toledo.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram

Ayaw munang magbasa ng news o mag-social media ni Paul Salas nitong mga nakaraang araw.

"Ang daming negative na nangyayari sa mundo," ang pakli ng 22-year-old actor sa interview nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa PEP Exclusive noong July 31, 2020.

Dugtong niya, "Si Daddy nga, kapag nanonood ng news, sabi ko, 'Break muna tayo. Ang dami ng problema.'

"So ako, hope for the best muna ako."

Sa nangyaring ABS-CBN shutdown matapos ibasura ng Kongreso ang application ng network for renewal of franchise, nalulungkot daw ang binata para sa mga empleyado at artistang nawalan ng trabaho.

Seryosong pahayag niya, "Marami rin naman po akong na-meet na mga totoong kaibigan doon at para sa akin, hindi rin naman mawawala ang pagmamahal ko sa kanila."

Naging Kapamilya si Paul sa loob ng sampung taon. Noong 2008, lumipat ito from GMA Network, at naging bahagi ng main cast ng Kung Fu Kids sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Bilang Kapamilya, gumanap siya bilang young version ng mga leading men, gaya nina Luis Manzano sa Dyosa; Ryan Agoncillo sa Pieta; Coco Martin sa Tayong Dalawa; Jason Abalos sa Kambal sa Uma; Jericho Rosales sa Dahil May Isang Ikaw; Albert Martinez sa Kung Tayo'y Magkakalayo, at marami pang iba.

Kumbaga, maraming magagandang alaala ang StarStruck Kids graduate sa ABS-CBN.

Aniya, “Marami rin po akong natutunan doon. Eight years, seven years, doon din naman ako nag-network.

"Sa mga nangyayari ngayon, kumbaga, hope for the best na lang. Pray."

Ano ang mensahe niya sa mga kaibigang Kapamilya?

"Nandito rin naman ako para sa mga kaibigan ko na nawalan ng trabaho.

"Siyempre, isa sa passion nila ay ang pag-arte. Kaya sabi ko, pray na lang ang trust God kung saan man kayo dalhin ng talento niyo.

"So, iyon po, para sa akin, hope for the best na lang talaga. Wala na akong ibang mako-comment pa po."

Continue reading below ↓

DESCENDANTS OF THE SUN TAPING

Bilang Kapuso, ang ongoing project ni Paul ay Descendants of the Sun, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Bago inanunsiyo ang pagsasailalim ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), handang-handa na si Paul para sa pag-resume ng kanilang taping.

Aniya, “I’m excited to work again para sa DOTS. Nagpa-plan po kami na end of August to September ay magte-taping na kami kapag negative kaming lahat sa test.

“Excited na kami, excited na mag-back to work and, hopefully, may aabangan na sila ulit.”

Nagkuwento ito tungkol sa dapat nilang gawin ilang linggo bago magsimula ang taping.

Unang-una na rito ang pagse-self quarantine.

“May instruction kami na from August 16 to August 29, bawal kaming lumabas. Dapat ay nasa bahay lang kami, bawal kaming lumabas.

"Kumbaga, mag-isolate lang kami, self-quarantine, kasi by August 29, ite-test po kami.

“Kapag okay naman po kami, negative naman kaming lahat, hopefully, ay makapag-taping na kami at makapagbigay na kami ng magagandang episodes."

Continue reading below ↓

Sa tapings ng GMA-7 for the new normal, naka-lock in rin daw ang mga artista, at may mga rules na dapat sundin.

Lahad ni Paul, "Sa Tanay, Rizal pa rin po kami, magla-lock in na kami roon for a week. Bawal kaming lumabas kahit doon. Kunwari, bibili ka lang sa isang convenience store, naku, bawal.

“Kung nandoon kami, nandoon lang kaming talaga at saka, may sinusunod kami na rules.

"Kahit na nasa tent kaming mga artista, kahit gaano kami ka-close, dapat ay may distance.

"At saka, kapag hindi kami kinukuhanan sa set, dapat ay palaging naka-mask at naka-face shield para doble ingat.”

Aminado ang anak ni Jim Salas, dating miyembro ng Universal Motion Dancers, na bilang isang kabataan, nami-miss niya iyong pre-COVID-19 days, kung saan walang restrictions.

Pagdating sa trabaho, aniya, "Nami-miss ko po iyong mga malls shows, kapag may fiesta, kakanta ako para sa kanila.

"Hopefully, maging normal na ulit para magawa ko muli iyon. Kasi, isa rin iyon sa mga passion ko, kumanta at sumayaw."

Continue reading below ↓

But whatever the changes will be sa new normal, "Medyo ready na po,” ang nakangiting sabi ni Paul.

Dugtong niya, "Pero siyempre, medyo umaasa pa rin ako sa kung ano iyong normal sa atin.

"Pero for now, ayon na nga, new normal kaya kailangan masanay muna ako doon."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas is excited to wear his army uniform again when Descendants of the Sun resumes its taping soon. In the Pinoy adaptation of the South Korean series, he plays Marty Toledo.
PHOTO/S: @paulandre.salas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results