Detach Video
Ciara Sotto, nagamit ang selos sa co-star habang nasa trabaho
by Rommel R. Llanes
Aug 4, 2020

Ikinuwento ni Ciara Sotto kung paano niya nagamit sa kanyang trabaho ang nararamdamang selos noon sa dating boyfriend.

Nabanggit ni Ciara sa kanyang PEP Live interview na naging boyfriend niya ang ka-loveteam at co-star sa TGIS na si Onemig Bondoc.

Pero dahil guwapo at sikat si Onemig, sabi ni Ciara, "ang dami niyang chicks, ang dami niyang girls. And at that time, I wasn't ready to deal with that gano'n.

"So at that time, babaero siya," sabi pa ni Ciara tungkol sa kanyang unang boyfriend.

Nag-break din daw sila noong pareho pa silang members ng show.

"So mahirap siya, pag kailangan sweet kami. Kasi for me, galit ako sa kanya, e," flashback ni Ciara.

Naikunekta pa niya ang nararamdaman niyang iyon sa show, sa situwasyon ng TGIS co-stars niyang sina Angelu de Leon at Bobby Andrews.

Itinanggi kasi nina Angelu at Bobby noon na hindi sila naging magkasintahan nung ginagawa nila ang popular na teen-oriented show.

Pero sabi ni Ciara, hindi siya naniniwalang hindi naging mag-on sina Angelu at Bobby dahil palagi itong magkasama at nagde-date noon.

At kapag magkagalit daw ang dalawa, naipapakita pa rin sa show ang galit sa isa't isa sa ilang eksena, katulad nga ng nangyari sa kanya at kay Onemig.

Kuwento ni Ciara, may eksena raw na kailangang ipakita niya na nagseselos siya sa dating boyfriend na may bago nang babaeng ka-partner sa show.

At dahil "hoping" pa siya noon na magkakabalikan sila ni Onemig, talagang totoong selos daw ang inilabas niyang emosyon sa eksena nila.

Binati tuloy siya ng direktor ng show na si Direk Mark Reyes sa kanyang acting.

"Kasi totoo!" natatawang sabi pa ni Ciara.

Panoorin ang kanyang interview nang malaman ang iba pang detalye ng kanyang kuwento.

Para sa buong PEP Live interview ni Ciara, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=2P0-m9GvQ8Q

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!

Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/

Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts

Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos
Watch Now

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results