Why Mavy Legaspi will not be starring on TV series yet

by Rose Garcia
Aug 7, 2020
Mavy Legaspi, 19, is currently focused on All-Out Sundays, while his twin sister Cassy (not in photo) is all set to star in her first series, My First Yaya.
PHOTO/S: @mavylegaspi on Instagram

Ang next path para sa career ni Zoren Legaspi ay related pa rin sa showbiz—mula sa pagiging aktor, gusto niyang maging director at producer.

Kaya naman, masaya siya sa opportunity na idirek ang Sarap 'Di Ba: Bahay Edition, kung saan ang mag-iina niya ang hosts.

Yun nga lang, yung pangarap niyang siya sana ang magiging direktor ng unang serye ng kambal na sina Cassy at Mavy ay hindi na mangyayari.

Sabi ng 48-year-old actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa recent digicon ng show via Zoom, "Ako sana ang magdidirek sa mga first soap nila, pero it’s quite impossible to happen because I still have my own career.

"Nag-aartista pa rin ako, at ayoko naman na maging dahilan ako for them not to have their own show."

Cassy is set to star in My First Yaya, ang seryeng pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Bago pa isinailalim ang buong Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay naghahanda na raw para rito ang unica hija niya.

Continue reading below ↓

Approved rin ni Zoren ang karakter ni Cassy rito.

Aniya, “First offer for her, swak agad yung role sa kanya kaya siya yung mauuna."

Paano si Mavy?

Ang sagot ng husband ni Carmina Villarroel, "Si Mavy kasi was offered so many soaps already, but it was turned down because of hindi bagay sa kanya or medyo pilit.”

In the meantime, magpo-focus muna ang binata ni Zoren sa Sunday show niyang All-Out Sundays.

July 2018 nang opisyal na pasukin ng kambal ang showbiz.

Between the two, si Mavy yung naunang nagkainteres sa propesyon nina Zoren at Carmina.

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mavy Legaspi, 19, is currently focused on All-Out Sundays, while his twin sister Cassy (not in photo) is all set to star in her first series, My First Yaya.
PHOTO/S: @mavylegaspi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results