Pinoy BL series continue to thrive amid MECQ

by Jerry Olea
Aug 6, 2020
(From left) Tony Labrusca and JC Alcantara in Hello Stranger; Miko Gallardo and Aki Torres in My Day; Genesis Redido and Migs Villasis in In Between; Elijah Canlas and Kokoy de Santos in Gameboys.

Naka-one million views na sa YouTube channel ng Black Sheep ang first three episodes ng Hello Stranger bago ipinalabas ang Episode 6 (“Hello, Heartbreak”) noong Hulyo 29.

Ratsada rin ang views ng BL series nina Xavier (Tony Labrusca) at Mico (JC Alcantara) sa Facebook page ng Black Sheep.

May product placement ang isang sikat na instant noodles sa Episode 6. Matapos ang premiere screening niyon, nag-tweet si JC, “Last 2 episodes na lang pala!”

Continue reading below ↓

Nanawagan ang Black Sheep sa fans para lumahok sa Hello Stranger “Lip Sync Extravaganza”!

I-perform ang theme song ng XavMi na "Kahit Anong Sabihin ng Iba," at i-email sa hellopo.tupangitimph@gmail.com bago sumapit ang 11:59 PM ng Agosto 12, Miyerkules, para makasama sa gagawing video.

Sa cliffhanger ng Episode 7 (“Truth”), humugot si Mico nang malalim na buntung-hininga at ang pasakalye kay Xavier, “Ahh, may sasabihin ako sa ‘yo.”

GAMEBOYS

Dahil MECQ sa Kamaynilaan at mga kalapit-lalawigan mula Agosto 4 hanggang 18, hindi muna mapapanood nang dalawang Biyernes ang additional three episodes ng Gameboys.

Ayon sa executive producer ng The IdeaFirst Company na si Direk Perci Intalan, tuloy pa rin ang shoot sa BL series nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).


Continue reading below ↓

“At least, hindi nagmamadali. Napag-aaralan pa rin ang galawan,” saad ni Direk Perci nitong Agosto 4, Martes, via Messenger.

Agosto 5, Miyerkules ng hatinggabi, ini-reveal ng The IdeaFirst Company sa Facebook ang co-stars ni Adrianna So sa GL series na Pearl Next Door—sina Iana Bernardez, Phillip Hernandez, Rachel Coates, at Cedrick Juan.

Ang Pearl Next Door ang series na papalit sa Gameboys.


Continue reading below ↓

Congrats kay Elijah na nagwaging best actor nitong Agosto 5 sa 17th Asian Film Festival sa Rome para sa pagganap niya sa pelikulang Kalel, 15 (2019) sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Ipo-post ni Kokoy ang BTS (behind the scenes) ng pinag-uusapang Episode 10 (“Pass or Play 2”) this August 7, Friday, 7:00 P.M., sa kanyang eponymous YouTube Channel.

SAKRISTAN: IKALAWANG PAGBASA

Siyanga pala, lampas 1M views na ang first two episodes ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

“May nanalangin sa hangin. May isinusulat ang kidlat. May nakikiusap sa ulap. May inilalapit sa langit. May magbabalik.”

Ipinost ni Direk Darryl Yap noong Hulyo 24 sa kanyang Facebook account ang 49-second teaser ng Sakristan: Ikalawang Pagbasa.

Continue reading below ↓

Kailan ba ang pagpapatuloy ng kuwento nina Zach (Clifford Pusing) at Christian (Henry Villanueva)?

Lampas 1M na ang Episode 1 (“Touch-Move”) ng Sakristan sa YouTube channel ng VinCentiments.

AL+ER

Auspicious ang petsang Agosto 8. Sa numerology, 8-8.

8-8-8 (Sabado, Agosto 8 ng 8:00 PM) ang debut streaming ng short film na AL+ER sa YouTube channel ng Kayumanggi Kolektib.

Kuwento ito kung paano binago ng pandemya ang buhay at relasyon nina AL (Jomari Angeles) at ER (Jerom Canlas, ang Kuya London ni Elijah Canlas sa Gameboys).

Sa poster ng AL+ER, hubad ang dalawang lalaki. Naghubad ba sila sa short film?


Continue reading below ↓

“Iyon ang dapat abangan kung may hubad pa sa short film hahahaha!” pasakalye ni Jomari nang maka-chat namin nitong Thursday morning via Messenger.

Dugtong ng aktor, “Kakaiba ito sa mga BL Series na lumalabas ngayon. Mas realidad ang ipapakita namin dito, kung ano epekto ng pandemic sa mga tao.”

Di ba siya natakot sa shoot? Tumalima ba sila sa safety protocols?

“Siyempre, medyo may takot. Di naman mawawala yun, pero kailangang mag-adjust,” pag-amin ni Jomari.

“Konti lang kami sa set. Small team lang, kasi, wala namang budget talaga. Passion project nila ito.

“Anim lang kami sa team, kasama na ang actors. May distancing and naka-mask lahat. Nagtanggal lang ng mask noong actual take na.”

MY DAY

Sa Agosto 8, Sabado ng 9:00 P.M., ang pag-uumpisa ng My Day sa YouTube channel ng Oxin Films.

Siyempre, sungit-sungitan pa rito ang yayamaning si Ace (Iñaki Torres) sa culinary intern na si Sky (Miko Gallardo).

Continue reading below ↓


Miko Gallardo (left) and Aki Torres

May Online Fan Meeting via Zoom ang My Day this August 7, Friday, 7:00 P.M.

Andiyan siyempre ang mga bida at iba pang artista, na makikipagchikahan sa fans.

Ang director-executive producer ng My Day ay si Xion Lim.

EVEN AFTER

Super-duper bida to the max si Kelly Fontanilla bilang Zag sa BL series na Even After na siya mismo ang nagdirek, at nag-premiere noong Hulyo 25 sa kanyang eponymous YouTube channel.

Continue reading below ↓

Handog ito ng KF Production, created by Kelly Fontanilla and Menard Marion (na siya ring art director).

Ewan kung may scriptwriter pa ito, dahil ariba nang bonggang-bongga ang mga hanash ni Kelly, at pasundut-sundot lang ang mga linya ng katambal niyang si Kristoffer Molina bilang Zig.


Kelly Fontanilla (left) and Kristoffer Molina

Continue reading below ↓

Naka-8K views na ang Episode 1, samantalang naka-5K na ang Episode 2 na nag-premiere noong Agosto 1, with Abel Barrientos as guest.

Ang Episode 3 ay mag-i-streaming umpisa Agosto 8, Sabado ng 5:00 P.M.

Panauhin uli rito si Abel Barrientos bilang Pink, pati si Princess Q. Pimentel bilang Zebbie.

IN BETWEEN

Episode 5 na ng In Between: Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam sa Agosto 8, Sabado ng 8:00 P.M., sa YouTube channel ng USPH TV.

“Mas malalaman na natin reason ng pagbalik ni Otep (Genesis Redido), and nariyan ang pinakahihintay ng lahat na mangyayari ba sa kanila ni Taurus (Migs Villasis),” lahad ni Direk Briliant Juan nitong Thursday morning.


Continue reading below ↓

Genesis Redido (left) and Migs Villasis

Sa Episode 6, may bagong characters na papasok sa TauTep series.

Kinumpirma ni Direk Briliant na 14 episodes na ang first season ng In Between, at ikinakasa na ang second season nito.

Parami nang parami ang mga Pinoy BL series and stories. Ngayong Sabado night, apat na baklaang palabas ang pasiklaban.

“Oo nga po. Hehe. Okay lang naman po. May kanya-kanyang market naman po kami at iba-iba ang istorya,” sabi ni Direk Briliant.

TRULY VERY YOURS

Bidang-bida si Marky Erasga bilang Mark sa five-episode series na Truly Very Yours.

Naka-95K views na ang Episode 1 (“Prank Calls”) nito na in-upload noong Hunyo 8 sa YouTube channel ng Jace TV.


Continue reading below ↓

Marky Erasga

Co-stars niya rito sina Dana Rampas as Des, Wex Andre as Kevin, at Robin Hanrath as David Somera.

Ang Episode 2 (“Unfinished Business”) ay naka-76K views mula noong Hunyo 14.

Ang Episode 3 (“In Denial”) ay naka-42K views mula noong Hunyo 20.

Ang Episode 4 (“I’m Torn”) ay naka-52K views mula noong Hunyo 27.

At ang finale na Episode 5 (“Truly Yours”) ay naka-86K views mula noong Hulyo 4.

May pangalawang series na ang Jace TV, ang Hook Up: A Homemade Series na nag-umpisa noong Agosto 1.

Bidang-bida pa rin dito si Marky Louie Erasga bilang Mark Lee Rivera. Kasama rin sa cast si Dana Angela Rampas as Des Ocampo.

Ang bagong leading man ay si John Christian “JC” Lopez bilang Henry Sarmiento.

Naka-81K views na ang Episode 1 (“Findr”) nito.


Continue reading below ↓

Marky Erasga (left) and JC Lopez

KUMUSTA, BRO?

Naka-53K views na sa YouTube channel ng Firestarters Studios ang Episode 1 (“Tropa Meet Cute”) ng interactive digital series na Kumusta, Bro? mula nang i-upload ito noong Hulyo 26, Linggo.

Chikahan nang chikahan dito ang live streamer na si Thirdy (Sky Quizon) at basketball varsity player na si Bench (BidaMan finalist Kristof Garcia). Thirty-seven minutes and 44 seconds ang running time nito.


Continue reading below ↓

Sky Quizon (left) and Kristof Garcia

Naka-27K views na ang Episode 2 (“Virtual Jowa”) na in-upload noong Hulyo 28. Ang running time nito ay 39 minutes and 8 seconds, at chika to the max pa rin ang BeRdy.

Naka-12K views na ang Episode 3 (“SAMbody 2 Luv) na in-upload noong Agosto 4. Ang running time naman nito ay 24 minutes and 19 seconds, at umentra na sa huntahan si Dean (Allen Cecilio).

Ang creator at direktor ng Kumusta, Bro? ay si Real Florido.

MY EXTRAORDINARY

Ratsada na sa post production ang eight-episode BL series na My Extraordinary, na pinagbibidahan nina Enzo Santiago at Darwin Yu, sa direksiyon ni Jolo Atienza.

Ang theme song nito ay ire-record ng Cebu-based singer na si Kenji Exaltacion.

Kinanta noon ni Kenji na ang isa sa mga theme song ng teleseryeng Got 2 Believe ng KathNiel. Nawala siya sa industry dahil nag-focus sa study.

Ang official poster ng My Extraordinary ay nakatakdang i-release sa Agosto 10, Lunes. Abangan ang trailer sa Agosto 15.

Continue reading below ↓


Darwin Yu (left) and Enzo Santiago

Ready ang AsterisK Digital Entertainment na ipalabas ang Episode 1 ng My Extraordinary sa huling linggo ng Agosto sa TV5.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Tony Labrusca and JC Alcantara in Hello Stranger; Miko Gallardo and Aki Torres in My Day; Genesis Redido and Migs Villasis in In Between; Elijah Canlas and Kokoy de Santos in Gameboys.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results