Emosyonal ang pagkikita-kita nina Elijah Canlas, Kokoy de Santos, Adrianna So, at Kyle Velino noong Hulyo 12, Linggo, sa Emerald Avenue, Ortigas Center.
Kinunan noong araw na iyon ang mga huling eksena ng Episode 10 (“Pass or Play 2”) ng Gameboys, kung saan nagkita, nagkaiyakan, nagyakapan, at naghalikan sina Cairo (karakter ni Elijah) at Gavreel (karakter ni Kokoy) sa unang pagkakataon.
“Anong lasa nang plastic barrier?” usisa ng isang fan sa #AskKokoy Twitter party nitong Agosto 7, Biyernes ng gabi.
Naghuhumiyaw in all caps ang tugon ni Kokoy, “ANG PLASTIC BARRIER AY ISANG MALAKING HADLANG!!!!!”
ELIJAH'S ACTING WAS REAL
Sequences sa supposed season finale ang kinunan ni Direk Ivan Andrew Payawal noong Sunday na iyon.
Present din sa set ang kuya ni Elijah na si Jerom Canlas, na gumanap bilang Kuya London sa Gameboys.
Bahagi si Jerom ng team ng The IdeaFirst Company, ang naghandog ng unang Pinoy BL series.
“At the time, it was our first time seeing each other and to be honest, we didn’t know how to react to it,” kuwento ni Elijah nitong Agosto 8, Sabado via Facebook Messenger.
“First of all, kinailangan po naming mag-shoot and we had a schedule to follow. But we were all so emotional because of the fact that we were outside and together in person for the first time in months.
“Na-miss po talaga namin ang isa’t isa kahit halos araw-araw kami nagkikita through Zoom.
“Kaya nung oras na pong kinailangang maging emotional si Cairo sa pagkikita nila ni Gavreel, sobrang naintindihan ko po si Cairo, kaya’t hindi naging mahirap kumarga.”
Mahusay naman talagang aktor si Elijah. Nagwagi nga itong best actor sa 17th Asian Film Festival noong Agosto 5, Miyerkules sa Rome, Italy, para sa pagganap niya sa pelikulang Kalel, 15.
Post ng Asian Film Festival sa kanilang Facebook page, “The award goes to... protagonist of Kalel 15, for the ability, despite his very young age, to stage a fragile character full of contradictions, naturally and with great actor shades experience.
“We are happy to reward an honest, heartwarming, and innocence-filled performance that hit the jury.”
Nang uriratin si Kokoy sa #AskKokoy Twitter party kung sino ang favorite actor niya, walang pag-aalinlangan ang kanyang sagot, “Syempre Best Actor ako,” na naka-tag sa Twitter handle ni Elijah.
ADRIANA AND KYLE DROPPED BY
In-upload ni Kokoy ang BTS (behind-the-scenes) ng Episode 10 shoot sa kanyang eponymous YouTube channel noong Agosto 7, Biyernes ng 7:00 PM, isang oras bago mag-umpisa ang #AskKokoy party.
Nasa vlog, sa bandang 7 minutes and 2 seconds, ang pagdating nina Adrianna So at Kyle Velino, kahit hindi sila kasama sa mga kaganapan sa Emerald Avenue.
Salaysay ni Adrianna, “I started shooting for Gameboys around May and of course, it was always via Zoom.
“Seeing everyone for the first time was really an emo moment.
“I was so happy to be there and I think one of the highlights of that vlog was people finally saw the chemistry of CaiReel off cam.”
Si Adrianna ang bida sa unang Pinoy GL (Girls Love) series na Pearl Next Door, na siyempre pa ay naka-set sa Gameboys Cinematic Universe (GCU).
Ayon kay Direk Perci Intalan na executive producer ng Gameboys, bumisita lang si Kyle Velino sa set sa Emerald Avenue, pero may pameryenda ito!
“Super-emotional yung pagkikita namin doon sa set for the last episode sana ng Gameboys. Lalo na yun yung first time na nakita ko sila lahat,” lahad ni Kyle nitong Agosto 8 via Facebook Messenger.
“So, sobrang saya lang sa feeling. Kasi, after many weeks of taping na sa Zoom lang kami nagkikita, nag-work, and nagkuwentuhan, finally, nakita ko na sila.
“Grabe, I was very nervous talaga nung papunta pa lang ako. I can’t explain the feeling, ha-ha!
"Yung tipong parang first time mo makikipagkita sa matagal mo nang ka-chat online ha-ha-ha!
“May halong kaba, takot, and saya! Ha-ha! Parang ganun yung feeling.
"Actually, first time ko na lang maramdaman ulit yun lalo na yung mga taong ‘to, e. Super turingan namin is family na. So, sobrang napamahal na rin po sa ‘kin silang lahat.
“Those moments were priceless, di ko talaga makakalimutan yun.
"Alam mo yung siyempre, naka-mask kami lahat, may social distancing, pero kitang-kita mo sa lahat na yung smile, abot hanggang tenga! Ha-ha-ha!
“And gustung-gusto naming yakapin ang isa’t isa! Sobrang saya lang talaga.
“Kahit di ako kasama sa episode na yun, pumunta talaga ako. Kasi, gusto ko kasi talagang makita silang lahat!”
Kinumpirma ni Kyle ang naunang kuwento ni Direk Perci na mahigpit na ipinatupad ang safety protocols and guidelines sa set.
Dagdag ni Kyle, “Sobrang alaga and ingat talaga ng IdeaFirst sa aming lahat sa Gameboys.
“So ayun, nagdala rin ako ng food para man lang meron akong dala dun and siyempre, alam kong stressed din sila lahat! He-he!
“Iba talaga yung feeling, kasi, kahit matagal na kayong magkakausap and nagkukulitan lahat sa Zoom every time na may shoot kami, iba pa rin talaga yung saya sa personal.
“I was like, ‘Damn! Ito yung mga tao sa likod ng Gameboys!’ Na talagang sobrang thankful ako, kasi, ngayon, family na kami.
“Like, talagang sama-sama and tulung-tulong kami sa pagbibigay-saya, lungkot, at inis sa fans!
“Sobrang bitin nung pagkikita namin na yun. Siyempre, busy lahat at talagang focused sina Direk nun. Kasi, every episode, talagang sunugan ng kilay! Ha-ha!
“Exchanging ideas talaga lahat dun, like, makikita mo pati mga actors, nagsa-suggest. So, healthy environment talaga. Kasi, lahat, tulung-tulong. So ayun, sana, maulit talaga ‘yun!
“And super-miss ko na sila. Sana, safe silang lahat lagi! I’m very happy and honored, kasi, nakasama and nakilala ko silang lahat.”