An honest-to-goodness review of ABS-CBN’s Ang Sa Iyo Ay Akin pilot episode

Ang Sa Iyo Ay Akin takes off from a crime that two best friends get involved in. Ellice (Iza Calzado, left) accidentally kills Victor (Albie Casiño, right) after he attempts to rape her. To save her best friend's bright future, Marissa (Jodi Sta. Maria, center) takes the blame and is imprisoned.
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin (ABS-CBN)

Jimpy Anarcon:

Nag-umpisa na kagabi, August 17, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na Ang Sa Iyo Ay Akin starring Jodi Sta. Maria, Sam Milby, and Iza Calzado, with Ms. Maricel Soriano in a very special role.

ABS-CBN makes history as Ang Sa Iyo Ay Akin is the first teleserye to premiere on the Kapamilya Channel and the new online platform Kapamilya Online Live, pagkatapos kitilin ng Kongreso ang prangkisa ng free TV nito noong July 10, 2020.

Kung hindi ninyo naaalala, March 23, 2020 pa dapat eere ang teleseryeng ito sa afternoon block ng ABS-CBN. Subalit minabuti ng ABS-CBN na i-delay muna ang airing dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ay tungkol sa magkaibigang Marissa (Jodi) at Ellice (Iza), at kung paano sisirain ng inggit at paghihiganti ang kanilang friendship.

Makakagawa si Ellice ng isang krimen na boluntaryong aakuin ni Marissa, at dito magsisimula ang matinding dagok sa buhay nila at ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Continue reading below ↓

Exciting ang pilot episode dahil nag-umpisa sa good vibes with the friendship of Marissa (Jodi) and Ellice (Iza). Mapapasabi ka talagang “friendship goals” ang dalawa sa mga unang eksena!

Fun trivia: Alam niyo bang based sa names ng dalawang executive producers ng show ang names nina Jodi at Iza sa series?

Ang Sa Iyo Ay AkinJodi Sta. Maria and Iza Calzado as best friends in Ang Sa Iyo Ay Akin.

Continue reading below ↓

Rachelle Siazon:

Huy! Ang bongga at ang bagets nung opening scene na sakay ng topdown car sina Iza and Jodi. Ang light and carefree lang ng vibe nila, lalo na nung may nadaanan silang naka-topless na lalaki, na tinukso ni Jodi kay Iza, 'tapos si Iza deadma lang. Hahaha! Gets mo na agad iyong pagkakaiba ng personality nila.

Bagay kay Jodi yung may pagka-childish na hopeless romantic at medyo ambisyosa. Si Iza parang medyo conservative pagdating sa boys 'tapos sweet daughter and friend. Nagko-complement iyong aktingan nila!

Ang Sa Iyo Ay Akin

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon:

Korek. Actually, bagay sa kanila ang roles as friends lalo na at mukhang close na close sila in real life, at “my love” pa ang tawagan nila. Nag-translate ito sa screen.

Pero ang galing din ng paglabas ng contrast ng characters nila. Si Marissa, kitang-kita mong ambisyosa talaga. I can imagine her disappointment noong akala niyang ibibigay sa kanya ni Ellice ang pearl necklace.

Breath of fresh air makita si Jodi playing this kind of role. Sanay kasi tayo sa Maya role niya sa Be Careful With My Heart, kaya it's quite refreshing to see her na magmaldita this time!

Gustung-gusto ko rin ang acting ni Iza as the sosyal, rich girl kasi bagay na bagay sa kanya. Kabaligtaran naman ni Jodi, mas nalinya si Iza sa kontrabida or matapang roles lately, kaya nakakatuwang makita siyang parang cute and outgoing lang dito, at least in the first episode.

Continue reading below ↓

Iza Calzado

Rachelle Siazon:

Hindi ako nainip habang nanonood sa Kapamilya Online Live, lalo na dahil may watch party kasama sina Iza, Jodi, at Sam Milby! Nakakatuwa iyong chika ni Iza na nabunggo niya pala iyong kotse sa last take raw ng eksena. Hahaha! Buti naman at safe sila.

Continue reading below ↓

'Tapos mabilis din ang pacing nitong pilot episode dahil, after ng light moments sa umpisa, may confrontation scene agad sa next part. Kaloka iyong nagselos agad si Marissa nung makita niya si Ellice na kasama si Victor (Albie Casiño).

“Ang plastic mo! Ang landi mo!” Parang maraming makaka-relate na girl friends na nag-away dahil sa lalaki. Joke!

Jodi Sta. Maria

Continue reading below ↓

Jimpy Anarcon:

Hahaha! Grabe ang mga nakaka-relate. At si Ellice naman, patol. “Watch and learn,” sabay sinayawan si Victor! Nakakaloka!

Hanggang sa nangyari na nga ang nakakalokang moment by the seashore na aksidenteng napatay ni Ellice si Victor. Dito na lumabas ang aktingan ng dalawa talaga! Grabe ang takot ni Ellice at ang shock ni Marissa na dalang-dala naman ng acting nina Iza at Jodi.

Commendable rin si Albie Casiño as Victor dahil kahit konti lang ang eksena niya, nakakapikon siya!

Albie Casino

Continue reading below ↓

Rachelle Siazon:

Agree ako doon sa nakatulong talaga si Albie na lumabas iyong conflict sa dalawang mag-best friend. Mukhang maganda talaga ang casting dahil kinilabutan ako dun sa tragic incident sa seashore.

'Tapos nakakaantig iyong nagsumbong na si Ellice sa dad niya, played by Lito Pimentel. Ramdam mo iyong father-daughter love.

Iza Calzado and Lito Pimentel

Continue reading below ↓

At siyempre, ang galing din ni Maricel Soriano bilang ina ni Marissa. Maraming mapupulot na aral sa mga payo niya at sa dynamics nilang mag-ina.

Maricel Soriano as Lucing

Hindi pa man ipinapakita, excited na rin ako kung paano pag-aawayan nina Marissa at Ellice kapag dumating na si Sam Milby sa buhay nila.

Continue reading below ↓

Ito ang pagbabalik-telebisyon ni Sam, na sobrang nakakapikon ang pagiging tuso at babaero niya noon bilang Ace sa 2018 prime-time drama series na Halik.

Bukod sa de kalidad na aktingan, sana ma-sustain sa serye iyong ganitong pacing at excitement among viewers, na abangan ang susunod na kabanata.

Jimpy Anarcon:

Tama ka, ang bilis ng pacing!

Ito iyong mga gusto ko sa serye sana. Iyong wala nang masyadong “young” characters na puro flashback sa buong pilot week, although may mga stories din naman na kailangan iyon.

Pero ang nakakatuwa kasi dito sa Ang Sa Iyo Ay Akin, diretso nang ibinigay ang iikutan ng kuwento sa unang episode pa lang. Kaya mas kaabang-abang dahil hindi mo na alam kung ano ang i-e-expect!

Ang nakakatuwa at nakaka-excite pa rito, very interesting and intriguing ang characters nila.

Unang-una sa lahat, galit ako kay Marissa right now. Hindi dahil inggitera siya kung hindi choice naman pala niyang akuin ang krimen. Mahalaga na sympathetic ang lead sa viewer. And by the looks of it, sa second episode, mukhang makikita na natin kung bakit tumindi ang galit niya kahit boluntaryo ang pag-ako niya.

Continue reading below ↓

Si Ellice naman, like na like ko. Parang masaya makahanap ng BFF na ganoon ang trato sa iyo. Although feeling ko, may konting pagka-insensitive din siya, kasi nga very outgoing but parang clueless sa paligid. Kaya nga hindi niya alam na may inggit pala sa kanya si Marissa.

Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Albie Casino

Continue reading below ↓

Nabanggit nga nila noong press conference, medyo marami nang nabago sa gitna ng istorya dahil sa restrictions ng COVID-19 pandemic. Pero sana ay ma-sustain pa rin ang kuwento lalo na kapag dumating sa gantihan part. Nakaka-excite din mapanood ang scenes na shinoot nila sa ABS-CBN Soundstage, ang media and entertainment center ng Kapamilya network sa Bulacan.

In fairness, masasabi nating may aangkin na sa prime time, habang replay pa ang karamihan ng palabas ng ABS-CBN at GMA-7, at habang canned, international programs naman ang umeere sa prime time ng TV5.

Ed's Note: The PEP REVIEW section carries the views of individual reviewers, and does not necessarily reflect the views of the PEP editorial team.

STORIES ABOUT ANG SA IYO AY AKIN

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Sa Iyo Ay Akin takes off from a crime that two best friends get involved in. Ellice (Iza Calzado, left) accidentally kills Victor (Albie Casiño, right) after he attempts to rape her. To save her best friend's bright future, Marissa (Jodi Sta. Maria, center) takes the blame and is imprisoned.
PHOTO/S: Ang Sa Iyo Ay Akin (ABS-CBN)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results