Kamakailan ay naibalita ng PEP.ph na pinatigil na ang ABS-CBN production ng pelikulang Darna dahil sa patuloy na lumolobong gastos nito.
Naging usap-usapan din na imbes na pelikula ay gagawing TV series na lamang ito at io-offer pa diumano sa GMA-7 at TV5 ang rights para gawin itong serye.
Dahil dito, na-excite tuloy ang ilang fans ni Sanya Lopez.
Matatandaang kahit na isa siyang Kapuso actress, isa si Sanya sa mga napisil ng fans noon pa man para sa role ng popular female komiks superhero.
Sa pakikipag-usap ni Sanya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung nakaraang taon, sinabi nitong open naman siya sa pagganap bilang Darna.
Wala raw siyang nababalitaang offer sa GMA-7 ng ABS-CBN para hiramin siya't gumanap sa legendary Mars Ravelo komiks character.
Panoorin ang video ng interview ni Sanya tungkol sa pag-consider sa kanya bilang next Darna at ang pa-sample niyang sigaw ng "Darna!"
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber