Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo are back in each other’s arms in MMK


In the January 25 episode of Maalala Mo Kaya, viewers will witness the comic romantic story of a religious, conservative girl who falls for a streetwise sanggano. Their love story begins when they meet each other during an unfortunate holdup in a bus. The two have an unlikely love affair, and eventually, the one changes the other for love.


Pagkatapos ma-link sa former Pinoy Big Brother Celebrity Season 2 housemate na si Jon Avila, nagbabalik si Mariel Rodriguez sa piling ni Zanjoe Marudo, ang pinaghihinalaang "special friend" nito. Mapapanood sa Maalala Mo Kaya ng ABS-CBN ang nakakakilig at nakakatawang kwento ng isang holdaper at isang konserbatibong babae na magrereunite kina Mariel at Zanjoe after a long time.

Sa direksyon ni Ruel Bayani, sparks will definitely fly onscreen dahil sa chemistry nina Mariel at Zanjoe. Bibihira ding makitang umarte itong si Mariel kaya't excited ang mga fans sa pagbabalik acting niya. Samantala, pagkatapos ng Kokey at Super Inggo 1.5 ay namahinga panandalian si Zanjoe kaya maituturing na big deal ang kanyang guesting sa MMK.

Tampok din sa nasabing episode sina Marissa Sanchez, Pen Medina at si Ces Quesada na kinikilig din sa sobrang lapit nina Mariel at Zanjoe sa isa't isa. Panandaliang magpapahinga sa straight drama ang award-winning anthology with a light romantic drama. Pero hindi pa rin mamimiss ang iyakan at emosyong sangkap ng award-winning at critically-acclaimed episodes ng drama anthology show.

Maalala Mo Kaya (January 25 episode)

Director: Ruel Bayani
Writer: Dennis Teodisio


Cast:

Mariel Rodriguez as Flor
Zanjoe Marudo as Louie
Marissa Sanchez as Ina ni Flor
Pen Medina as Ama ni Flor
Ama Quiambao as Formation Directress
Ces Quesada as Ina ni Louie

Tutukan ang Maalala Mo Kaya tuwing Biyernes ng gabi sa ABS-CBN Primetime Bida. Ang host ng drama anthology show na ito ay si Ms. Charo Santos-Concio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN