Watch Now

Meet the other boys of Gameboys: Miggy Jimenez, Kyle Velino, Joshua Ronett

by Jerry Olea
Aug 26, 2020
Aside from lead stars Kokoy de Santos and Elijah Canlas, Gameboys also features Miggy Jimenez (left) as Wesley, the kababata of Cairo; Kyle Velino (center) as Terrence, the ex-boyfriend of Gavreel; and Joshua Ronett, the singer of the song "Ikaw At Ako," one of the love themes of the BL series.
PHOTO/S: Instagram

Markado ang pag-entra ni Miggy Jimenez bilang Wesley sa Episode 11 (“Stay Strong Forever”) ng Gameboys na in-upload noong Agosto 23, Linggo, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Si Wesley ay kababata ni Cairo (Elijah Canlas) na nasa Bukidnon.

Henyo siya sa Math, at kabisado ang Wizarding World ni Harry Potter. Naihalintulad tuloy si Wesley kay Severus Snape, ang childhood friend ni Lily Potter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Elijah Canlas (left) and Miggy Jimenez

Paano ba napasali si Miggy sa Gameboys?

“Tinawagan lang po ako. Nakita po ang Instagram account ko and they called for audition na po,” pahayag ng 21-anyos na si Miggy nitong Agosto 25, Martes, sa interbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainmen Portal) via email.

“Natuwa po ako na nabigyan po ako ng break after my graduation last February in spite of the pandemic.

“This is a new hope and blessing given to me. I’m a bit pressured and overwhelmed at the same time.”

Kumusta ang pakikipag-work kina Elijah, Kokoy de Santos, Direk Ivan Andrew Payawal, at sa Team Gameboys/IdeaFirst?

“I have worked with Kokoy po before sa Futbolilits [2011 GMA show] and commercials,” lahad ni Miggy, na mahilig sa acting, singing and dancing.

“As with the other cast, it wasn’t the way I expected po na at first I was shy, pero they were nice and they welcomed me fully.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“With Direk, I can say he’s very hands on with everyone and never gave me something to worry about. They welcomed me in their family.

“I was called a few days na hinahabol po ang scenes sa Episode 11 to air sa Sunday. So, todo shoot just to make it and when it aired, it was all worth it po.”

Ano ang pagkakilala niya sa character ni Wesley, na parang bagong “bubog” sa CaiReel tandem?

“He’s the childhood best friend of Cai, a smart and free-spirited character. He knows what he wants and may stand palagi,” paglalarawan ni Miggy, na homebody sa totoong buhay.

“I can’t say na bagong bubog si Wesley, but let’s see po. Wesley is at a point na nangangapa na makilala at malaman ang mundo ng childhood bestfriend niya.”

Maliban sa Futbolilits at sari-saring patalastas, nakalabas si Miggy sa Kapuso series na Once Upon A Kiss (2015), Panday Kids (2010), Princess in the Palace (2015), at Niño (2014).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TERRENCE RETURNS

Nagulat si Kyle Velino nang ialok sa kanya ang role na Terrence sa Gameboys, dahil hindi siya nag-audition sa Pinoy BL series ng CaiReel.

Iyon pala, na-recall ng IdeaFirst ang audition niya two years ago para sa mga pelikulang Ang Babaeng Allergic Sa Wifi (2018) at Kalel, 15 (2019) na parehong iprinodyus ng IdeaFirst.

Nagbalik si Terrence sa Episode 11 noong oras na walang makausap si Gavreel (Kokoy de Santos).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kokoy de Santos (left) and Kyle Velino

“Super-blessed and thankful po kaming lahat sa success and love na natatanggap ng Gameboys,” lahad ni Kyle nitong Agosto 23, Linggo, via Messenger.

“And siyempre po, I’m blessed po again to be part ng extended episodes. I’m thankful, kasi po patuloy po silang nagtitiwala sa akin at sa character kong si Terrence.”

Mixed emotions si Kyle sa pagbabalik niya sa Gameboys. Magkahalo ang kasiyahan at pressure na naramdaman niya.

Paliwanag ni Kyle, “Siyempre, meron pong expectations sa kani-kanyang character namin pong lahat. Kaya this is the reason na ibinibigay namin yung best namin sa lahat ng episodes and sa lahat ng ginagawa po namin.

“Malayo po ang nilakbay ng character na si Terrence and marami pong pagsubok na nakaapekto sa kuwento ng Gameboys. And I’m happy sa character development ni Terrence sa series.

“Hindi po biro ang mga pinagdaanan ni Terrence. Sa tingin po nung iba, si Terrence ay puro inggit lang and bitterness ang dala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero there’s a deeper meaning and reason why nagkaganun si Terrence, and nakita naman po natin lahat.

“Ngayon, unti-unti nang nakaka-move on si Terrence at mas na-discover na niya ang sarili niya, ang mga pagkakamali niya.

“Kaya ngayon po, mas magaan na ang character niya dahil din sa paghingi niya ng forgiveness kina Gav and Cai.

“Marami pa pong dapat abangan dahil hindi pa po tapos ang Gameboys.”

Anu-ano pa ang mga pinagkaabalahan niya nitong mga nakaraang linggo?

“Everyday workout and basketball po, talagang nagpapa-fit po para siyempre, anytime po ay ready sa mga bagong opportunities,” tugon ni Kyle.

“And siyempre, doble ingat pa rin po dahil di pa rin tapos ang pandemic na kinakaharap natin.”

JOSHUA SERENADES

Sinipag ang composer na si Emerzon Texon na magsulat ng bagong kanta para sa kissing scene nina Cairo at Gavreel sa Episode 10 (“Pass or Play 2”) ng Gameboys, na nag-premiere noong Hulyo 31, Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay ang “Ngayon” na inawit ni Dex Yu.

Para sa Episode 11, na-inspire si Emerzon na lumikha ng bagong kanta para sa pagde-date nina Cairo at Gavreel sa RAVE Rainforest Park sa Pasig City.

Ito ay ang “Ikaw at Ako” na inawit ni Joshua Ronett.

Ang 21-anyos na si Joshua rin ang umawit ng makadurog-pusong “Hiling” sa Episode 8 (“No Matter What”), na background music sa memories ng pagba-bonding ni Cairo at amang si Arthur (Rommel Canlas) na pumanaw dahil sa Covid-19.

Words and music ni Emerzon ang “Hiling,” with additional lyrics by Elmer Gatchalian.

“Sobrang excited po ako nung binigay sa akin yung song na 'Ikaw at Ako,'” sabi ni Joshua Ronett nitong Agosto 23, Linggo ng gabi, via Messenger.

“Hindi ko po expected na kukunin po ako ulit ng The Ideafirst Company kaya nagulat po ako nung tinawagan ako ni Miss Jen Mauricio [supervising producer] for the project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang kinikilig po ako habang pinapanuod sila and ako pa po yung nanghaharana sa kanila.”

Dating schoolmate ni Joshua si Elijah sa MINT College, McKinley Hill, Taguig City.

“'Tapos, ngayon, magkatrabaho na po kami sa isang series,” saad pa ni Joshua.

Gameboys po talaga ang nag-launch sa akin as a singer.

"From doing song covers sa YouTube since 17 years old ako, ngayon ay may OSTs na ako and may sariling song na 'Bakit Ako' na nasa Spotify at iTunes now.

“Kaya sobrang thankful at saya ko po sa nangyayari sa career ko po ngayon!”

Sa Gameboys characters, kanino siya naka-relate—kay Cairo, Gavreel, Terrence, Pearl (Adrianna So) o Wesley?

“Mas nakaka-relate po ako kay Cairo. Kasi po, mahilig din po kasi ako sa games. Haha!” pag-amin ni Joshua.

“'Tapos, may mga nakikilala rin po ako sa online games na nagiging kaibigan ko rin. Tsaka po yung innocence ni Cairo pagdating sa relasyon, haha, na parang laging may bago siyang nalalaman at na eexperience kay Gav. Haha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa istorya ng Gameboys so far, aling eksena ang tumatak sa kanya?

“Yung nag-sorry si Terrence kina Cairo at Gav at umamin na hindi pa talaga siya nakaka-move on kaya nagawa niya na magkuwento about sa past ni Gav na nag-cause ng away nung dalawa.

“Sobrang tapang po ni Terrence para gawin yun na humarap sa kanilang dalawa at mag-sorry. Ilan lang po ang nakakagawa nun sa totoong buhay.

"Pero it's nice na ipinakita ng Gameboys na it's okay to admit your mistake and be responsible for it.”

Maliban sa singing, ano pa ang hilig niya?

“Varsity po ako ng volleyball nung high school at hanggang ngayon, hindi ko pa rin po binitawan yung paglalaro,” tugon ni Joshua.

“Tsaka mahilig din po ako maglaro ng online games katulad ng Mobile Legends at League of Legends. Haha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EPISODE 12

Mapapanood ba ang Episode 12 ng Gameboys sa Agosto 28, Biyernes?

“Hindi kakayanin, e, mukhang Sunday na kami uli for Ep 12 and 13. Nag-domino na kasi yung sked from the delay in Ep 11,” lahad ni Direk Perci Intalan, executive producer ng Gameboys, nitong Agosto 26, Miyerkules ng umaga, via Messenger.

Kumusta ang GL series ni Adrianna na Pearl Next Door? Nag-shoot na ba o focus muna sa Gameboys?

“Nakakasingit-singit na pero talagang full blast ito after Gameboys na,” saad ni Direk Perci.

“Si Ivan din ang director ng Pearl Next Door, pero ang writer ay si Keavy Vicente, writer of Distance and I Am U. Co-writer din ni Ash Malanum and Ivan madalas.”

Siyanga pala, paano nila napili si Miggy Jimenez para gumanap na Wesley?

“Haha, matagal kaming nag-search pero ang galing ng audition ni Miggy. Ang hirap humanap ng kayang makipagsabayan sa cast. Lalo na 10 eps silang ahead!” kuwento ni Direk Perci.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Swak na swak si Miggy, in fairness. Nakipagsabayan kina Elijah at Kokoy. May tension agad!

“Oo, yyun ang hanap ni Jun [Lana]. Ang hirap kasing dikitan nina Elijah at Kokoy, lalo na third scene agad niya yung video call nilang tatlo.”

Available na muli ang Gameboys merchandise na dogtags at bracelets sa Lazada at website ng Silverworks. Inaayos din ang online selling sa Shopee.

“Masaya ang mga taga-Silverworks, kasi mabenta raw!” pahayag ni Direk Perci.

“This week, sana mailabas na namin yung Gameboys masks by Avel Bacudio. Inaayos na lang yung distribution. Handa na yung produkto.

“Sobrang thankful kami sa TM and sa Bench, kasi bukod sa malaking bagay yung financial support na ibinigay nila para ma-produce namin ang mga episodes, malaking bagay na dalawang malaking mainstream na kumpanya ang nagbasbas sa Gameboys.

“Kaya parang one of the big boys na rin kami. Nakaka-proud considering our humble beginning.

“Para kaming Cinderella na nakahanap ng di lang isa kundi dalawang Prince Charming. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from lead stars Kokoy de Santos and Elijah Canlas, Gameboys also features Miggy Jimenez (left) as Wesley, the kababata of Cairo; Kyle Velino (center) as Terrence, the ex-boyfriend of Gavreel; and Joshua Ronett, the singer of the song "Ikaw At Ako," one of the love themes of the BL series.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results