Ang tunay na kuwento sa likod ng suntukang Red Sternberg-Onemig Bondoc sa set ng T.G.I.S.
Sep 1, 2020

Naging masaya ang T.G.I.S. mini-reunion na nangyari sa Thursday, August 27, 2020 episode ng PEP Live.

Marami kasing binalikan at ni-reveal ang stars ng popular GMA-7 '90s teen-oriented show na sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Red Sternberg, Michael Flores, Ciara Sotto, at Bernadette Allyson.

Kasama pa sa Zoom interview na ito, at nakibuko rin, ang creators ng show na sina T.G.I.S. head writer Kit Villanueva, director Mark Reyes, at director Dominic Zapata.

Kabilang sa mga naging topics sa mini-reunion ng T.G.I.S. barkada ay ang pag-witness ng cast at production ng matinding away sa set.

Siyempre pa, ang away nina Red at kapwa cast member na si Onemig Bondoc ang unang-unang pumasok sa isipan ng mga bituin, mga direktor, at writer ng show.

At tila sa unang pagkakataon, in-address ni Red ang naging isyung ito sa kanila ni Onemig.

"Matagal na yan, e. Lumang kuwento na yan, e..." komento muna ni Red.

Matapos linawin na hindi naman talaga si Michael ang pinagmulan ng kuwento—na ipinipilit ni Angelu—inamin ni Red na mapaghamon daw talaga siya noong araw, lalo na sa mga hindi nakakatanda ng linya.

"Yung mga sagutan, pikunan, whatever... kasi parang, three or four in the morning, 'tapos may mga mokong na hindi alam yung linya, talagang gano'n lang. Nagkakainitan."

Patotoo naman ni Bobby, mainitin daw talaga ang ulo ni Red, lalo na pag naistorbo sa tulog nang hindi pa niya take o oras para magtrabaho.

"Aside from that [yung nangyari sa kanila ni Onemig]... wala. Wala na..." pagtatapat ni Red.

Pero paglilinaw ng direktor ng show mismo na si Mark Reyes, may kinalaman siya sa pagsapak ni Red kay Onemig.

Ini-reveal din ni Red na namura rin niya dati si Angelu.

Nasorpresa naman at hindi na matandaan ni Angelu ang insidenteng minura siya ni Red.

Panoorin ang video para malaman ang mga paglalahad nina Direk Mark at Red.

Para sa kumpletong PEP Live interview ng T.G.I.S. barkada, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=cvYR_tfW0UM

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results