Remember when Angelu de Leon almost cried revealing this Growing Up trivia?
Sep 2, 2020

Back in 2015, ipinagtapat ni Angelu de Leon ang isang trivia kaugnay sa show na naging bahagi siya noon, ang Growing Up.

Ang Growing Up ang spin-off ng show nila noon nina Bobby Andrews, Michael Flores, Red Sternberg, Raven Villanueva, Rica Peralejo, at Ciara Sotto na T.G.I.S.

Si Angelu at Bobby ang magka-love team sa parehong show.

Magkasama silang muli sa PEP Talk interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) staff writer Jimpy Anarcon kunsaan ipinagtapat nga ni Angelu ang Growing Up trivia.

Pino-promote nila noon ang GMA-7 series na Buena Familia kunsaan magkatambal muli sila.

Matapos na mag-reminisce tungkol sa kulitan nila noon ni Bobby sa T.G.I.S., tinanong ni Jimpy si Angelu kung ano ang naramdaman nito noong kailangan na niyang umalis sa Growing Up.

Taong 1999 nang magwakas ang Growing Up, pero 1998 nang mapabalitang nabuntis si Angelu ng young action star noon na si Joko Diaz.

Kinailangan niyang lisanin ang show dahil dito.

Sa final episode ng Growing Up, tanging si Angelu lang ang wala sa cast nung nagpapaalam na ang mga ito.

Imbes na sagutin ni Angelu sa tanong ni Jimpy, ito muna ang sinabi niya: “Okay, this is the trivia... do you know that until today, I haven’t seen the last episode of Growing Up?

“I couldn’t get myself to watching it... Hay, ayoko umiyak!

“Basta, yun lang, hindi ko pa siya napapanood, even if merong mga fans na lumapit na sa ‘kin na, ‘Uy, meron akong ganito, ganyan-ganyan.’

"Hindi ko kaya."

Patuloy ni Angelu habang nangingilid ang luha, “Siguro yun yung hurt ko, in a sense na, not just because of what I did, but it’s because of what I did to people part of Growing Up.

“Parang I didn’t have the courage before to apologize to them.

"I didn’t have the courage to… parang that time kasi, when I left, it was all just full of pride.

“Parang ganun, parang umalis ako dahil, ‘Kaya ko to, paninindigan ko ‘to, paninidigan ko yung ginawa ko.’ Ganyan!”

Dagdag ni Angelu, “Siguro, until now, yun yung hindi ko magawa.

"Kasi nakikita ko or dun ko nadadama na, ‘Oh, my gosh, ang dami kong sinaktan na tao.’

“Not just the people around me doing Growing Up, the actors, the staff, the directors, the writers, and everyone, but the fans that loved the show.

“But if and when I’m given the chance to…

"I was able to say sorry to Bob, Direk Mark [Reyes, director of TGIS and Growing Up], to the people involved, and siyempre to the fans.

“Pero hindi ko siya mapanood kasi, alam ko, magbi-break down ako, because it’s not that I wanted to leave, it’s just that because of the situation I had to leave.

“Parang it’s leaving… it’s leaving something you love so much.

"But as much as you don’t want to leave, you have to."

WHEN ANGELU FINALLY WATCHED IT

Makalipas ang isang taon, muling in-interview sina Angelu at Bobby tungkol muli sa T.G.I.S. at Growing Up.

Pero pagkakataong ito, kasama nila sina Michael Flores, Bernadette Allyson, at Ciara Sotto na kabilang din sa cast ng parehong show.

Guests sila sa panggabing talk show ni Arnold Clavio na Tonight With Arnold Clavio.

Sa tanong ni Arnold kung sino ang pinakanaapektuhan nung magwakas ang T.G.I.S. at Growing Up, nagkakaisa ang cast members na naroon na si Angelu ang pinakaapektado.

Kasi nga raw ay hindi pa nito napapanood ang last episode ng Growing Up at ayaw rin ni Angelu na mapanood dahil maiiyak siya.

Para namang sinadya na may clip sina Arnold ng last episode ng nabanggit na '90s teen show.

Ayaw man ni Angelu na panoorin, ipinalabas pa rin ang clip, habang napatakip na lang ang aktres ng mukha dahil umiiyak ito.

HOT STORIES

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results