Myrtle Sarrosa understands "wala pang natutuloy" projects as Kapuso

by Rose Garcia
Sep 5, 2020
Myrtle Sarrosa signed her contract with GMA Artist Center on Febryary 21, 2020. Before this, she was with ABS-CBN for eight years.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram

Pebrero 2020 nang ipakilala si Myrtle Sarrosa bilang bagong Kapuso.

Marso nang nagsimulang isailalim ang bansa sa quarantine, na naging dahilan para matigil ang produksiyon ng mga TV shows.

May balitang kasama ang bagong GMA-7 star sa gagawing Voltes V na serye at may ilang sisimulang proyekto.

Pero lahat yun, natigil muna.

Ano ang naging damdamin niya na parang hindi pa nagtutuluy-tuloy ang pagiging Kapuso niya?

“Naiintindihan ko naman,” nakangiting sagot ng dalaga.

“Dapat may concert ako. Dapat may movie na gagawin. Dapat may show ako sa GMA na gagawin. Pinapa-go-see nila ako sa iba’t-ibang roles.

“Sa ngayon, wala pang natutuloy."

Halos walong taon ding nasa bakuran ng ABS-CBN ang big winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4. Naging bahagi siya bilang cast member o guest ng mahigit 20 Kapamilya shows.

Bilang Kapuso, nag-appear na siya sa Bubble Gang. Pero dahil sa pandemya, tila naka-pause ang kanyang television career. Wala naman siyang reklamo tungkol rito.

Continue reading below ↓

Ani Myrtle, "Okay naman ako. Masaya naman ako, at kahit papaano, buhay.

"In time, mag-o-open din naman ang door of opportunity kapag okay na ang lahat.

“Nag-explain din naman sa akin ang management, yung handler ko, si Kuya Da [Daryl Zamora] na at this moment din, ang priorities nila ay yung safety of everyone.

“It’s understandable,” saad niya.

Sa ngayon daw, ang puwedeng abangan sa kanya bilang isang Kapuso ay ang ginagawa niyang show sa website ng GMA Network, ang Cool Hub.

“Kasama ko rito sina Manolo Pedrosa at Yasser Marta, magho-host kami for Cool Hub and ipi-feature namin ang iba’t-ibang celebrities, like their collections, unique hobbies nila. It’s more of a magazine-type show.”

ON ABS-CBN SHUTDOWN

Nakalipat na ang dalaga sa GMA-7 bago tuluyang nagsara ang ABS-CBN noong July 10, 2020, matapos i-deny ng kongreso ang application ng huli para sa renewal ng franchise.

Nalungkot daw ni Myrtle para sa mga dating kasamahan.

Continue reading below ↓

“Napakasakit,” saad niya.

“Lalo na yung mga taong mahal ko doon. Nakakapag-worry rin for them. Yung mga taong mawawalan ng trabaho. Siyempre, ang hirap lalo na ngayong panahon ng pandemic.

“Yung magagawa ko na lang for them sa ngayon is to support yung mga business nila online.”

Ang magtrabaho at makasama ang mga kaibigan ang nami-miss raw gawin ng 25-year-old star.

“Nami-miss kong magtrabaho. Excited na talaga ko to start working, and before the pandemic happened, parang bumabalik kasi ako sa mga classes.

"Workshops, 'tapos bigla na lang na-stop. Parang feeling ko, na-cut yung effort ko.

“Pero na-realize ko rin na hindi pala dapat huminto sa mga classes na tine-take ko. Dapat kahit nandito lang ako sa bahay, continous yung improvement ko.

“Ngayon, balik pag-aaral pa rin kahit ako lang mag-isa.”

Sa huli, nilu-look forward ng dalaga na matapos na ang pandemic at bumalik ang mga bagay-bagay sa dati.

“Nami-miss ko rin ang mga friends ko. Yung puwede kayong mag-usap, mag-coffee,” pagtatapos niya.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Myrtle Sarrosa signed her contract with GMA Artist Center on Febryary 21, 2020. Before this, she was with ABS-CBN for eight years.
PHOTO/S: @myrtlegail on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results