Former ABS-CBN broadcasters lead PTV4 primetime newscast

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2020
(From left) Aljo Bendijo, Erwin Tulfo, Diane Querrer, and Alex Santos are the main hosts of PTV4's Ulat Bayan, the primetime flagship newscast of the government-owned TV station.
PHOTO/S: Courtesy: Diane Querrer on Facebook

Sanib-puwersa ang mga dating ABS-CBN broadcasters para sa mas pinaigting na primetime newscast ng PTV4.

Noong Lunes, September 7, nagsimula nang umere ang bagong Ulat Bayan, ang primetime newscast ng government-owned TV station. Napapanood ito mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi.

Kabilang sa mga main anchors dito sina Erwin Tulfo, Alex Santos, at Aljo Bendijo.

Kasama rin nila ang PTV anchor na si Diane Querrer.

Sabi ni Erwin sa kanyang post sa Facebook noong Lunes, “ANG MAKATOTOHANANG PAGBABALITA GABI-GABI… MAS PINALAKAS PA!!!

“ULAT BAYAN…”

Continue reading below ↓

Ang mas pinalakas na primetime newscast ng PTV4 ay isa sa mga proyekto ng bagong talagang general manager ng istasyon na si Kat de Castro, anak ng TV Patrol anchor at dating vice president na si Noli de Castro.

FORMER ABS-CBN BROADCASTERS

Sina Erwin Tulfo, Alex Santos, at Aljo Bendijo ay dating nagtrabaho sa ABS-CBN.

Si Erwin ay nagsimula sa ABS-CBN noong 1995.

Naging host siya ng Hoy Gising!, Mission X, Alas Singko Y Medya, Magandang Umaga, Bayan, at Magandang Umaga, Pilipinas.

Naging host din siya ng Insider sa Kapamilya network.

Umalis siya sa istasyon noong 2005.

Si Alex naman ay galing ng ABS-CBN Davao.

Nagsimula siya sa ABS-CBN Manila noong 2002 bilang co-host ng Kumikitang Kabuhayan.

Naging host din siya ng XXX: Exklusibong, Explosibong, Expose.

Naging bahagi rin siya ng Umagang Kay Ganda at naging main anchor ng TV Patrol Weekend.

Nilisan niya ang istasyon taong 2012.

Galing din ng ABS-CBN Davao si Aljo.

Continue reading below ↓

Nagsimula siya sa main office dito sa Maynila bilang anchor ng TV Patrol kasama sina Korina Sanchez at Henry Omaga-Diaz.

Nagtrabaho siya rito mula 2001 hanggang 2003.

Naging bahagi rin siya ng Magandang Umaga, Bayan mula 2002 hanggang 2004.

Umalis siya sa network noon ding 2004.

Si Diane naman ay dating Miss Philippines Earth-Air 2014.

Nagsimula siya sa PTV noong 2016.

Bukod sa Ulat Bayan, isa din siya sa mga hosts ng Rise & Shine Pilipinas, ang morning show ng istasyon.

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Aljo Bendijo, Erwin Tulfo, Diane Querrer, and Alex Santos are the main hosts of PTV4's Ulat Bayan, the primetime flagship newscast of the government-owned TV station.
PHOTO/S: Courtesy: Diane Querrer on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results