Vina Morales grateful to Net 25 for giving her work this pandemic

by Arniel C. Serato
Sep 9, 2020
Vina Morales says she is still part of Star Magic but accepts work from other networks: "I can work for any network naman coz I always do per project.”
PHOTO/S: File

Feeling blessed si Vina Morales dahil kahit may COVID-19 pandemic ay pinagkatiwalaan pa rin siya ng Net 25 ng trabaho.

Sabi ng 44-year-old singer-actress sa eksklusibong pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, September 7, “I feel so blessed and thankful to God na may work ako during pandemic.

“Grateful to Net 25... actually ilang years na rin nila ako laging ini-invite sa mga events nila, so I’m thankful to them.”

Kumusta naman ang working environment sa Net 25, ang pag-aaring network ng Iglesia Ni Cristo?

Saad ni Vina, “Everyone in Net 25 are so nice, very accommodating, wala po kaming nagiging problema.”

Bukod sa talent show, magkakaroon din ng musical sitcom si Vina kasama ang dating karelasyon na si Robin Padilla.

Dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, pagkatapos ibasura ng Kongreso ang franchise application nito, marami sa Kapamilya stars ang tumatanggap na ng trabaho sa ibang istasyon.

Sa kanyang panig, bahagi pa rin si Vina ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, kahit na tumatanggap siya ng trabaho sa labas.

Continue reading below ↓

Ayon kay Vina, “Yes, I am still with Star Magic.

“Actually, I can work for any network naman 'coz I always do per project.”

Libu-libong empleyado at talents ang nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Kapamilya network.

Isa si Vina sa nawalan ng trabaho sa network.

Saad niya, “Isa rin po ako sa nawalan ng trabaho kaya nasasaktan ako for them.

“Siyempre, sobrang miss ko rin ang mga Kapamilya ko dahil matagal din akong nagtrabaho sa ABS-CBN, for 20 years din.

“Lagi sila kasama sa dasal ko.”

TAGISAN NG GALING JUDGE

Isa si Vina sa magiging hurado ng Tagisan ng Galing Part 2 ng Net 25.

Ang Tagisan ng Galing ay isang singing-and-dancing competition ng istasyon.

Continue reading below ↓

Magsisimula na ito sa ere sa September 12, Sabado.

Si Vina ay magiging judge sa singing portion ng contest.

Kasama niya rito sina Imelda Papin, Marco Sison, Marcelito Pomoy, at Jessa Zaragoza.

Ang singing edition ay para sa mga kababayan nating may natatanging husay sa pagkanta.

May limang contestants sa bawat kategorya, bawat episode.

Continue reading below ↓

Ang dalawang may pinakamataas na scores ang magtutuloy sa sing-off round.

Sa grand finals, tumataginting na P7 million ang nakaabang na papremyo kung saan ang grand winners sa dalawang edition ay tatanggap ng P2M each.

Magiging terror judge ba siya sa contest?

Natatawang tugon ni Vina, “I don’t think so 'coz I know how it feels to compete.

“Alam ko rin na lahat ng mga sumasali sa contest always give their best.

“Nanalo din ako sa isang singing contest when I was nine years old at doon ako na-discover.”

Bilang produkto ng singing contest, ano ng tips niya sa mga contestant?

Sagot ni vina, “To always give their best performance and practice is the key.”

Sa Sabado at Linggo na, September 12 at 13, mapapanood sa Net 25 ang Tagisan ng Galing sa ganap na alas-12 ng tanghali at alas-9 ng gabi.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales says she is still part of Star Magic but accepts work from other networks: "I can work for any network naman coz I always do per project.”
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results