Kathryn, Daniel, Angelica, Kim, Julia headline upcoming projects of franchise-less ABS-CBN

by Jojo Gabinete
6 days ago
Kahit wala na sa free television, patuloy pa rin ang ABS-CBN sa paggawa ng mga bagong programa, digital shows, at fresh episodes ng mga teleserye na hindi pa natatapos.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Binawi na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang assigned frequencies sa ABS-CBN.

Pero kahit wala na itong prangkisa at tuloy ay wala na sa free television, hindi nangangahulugang titigil ang Kapamilya Network sa paggawa ng mga bagong programa, digital shows, at fresh episodes ng mga teleseryeng hindi pa natatapos.

Ayon kay Lauren Dyogi, head ng ABS-CBN Production, buhay na buhay pa ang ABS-CBN.

Bukod sa mga bagong programa, nananatiling loyal sa network ang malalaking contract stars ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Nariyan din ang Rise Artists, ang talent-management arm naman ng Star Cinema, na film company ng ABS-CBN.

Buhay din ang Star Hunt Management, ang talent-audition search ng ABS-CBN.

At may mga artista pa ring lumalabas sa network na nasa pangangalaga ng Professional Artists Management (PAMI), Inc.

Ibinalita ni Dyogi na mula nang magdeklara ng Enhanced Community Quarantine noong March 15, 2020, patuloy ang paggawa ng ABS-CBN ng fresh episodes ng Magandang Buhay, It’s Showtime, at ASAP.

Continue reading below ↓

Nakapag-produce din sila ng Pantawid ng Pag-Ibig, isang fundraiser concert para matulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Tiniyak ni Dyogi na patuloy na mapapanood sa Kapamilya Channel at ibang platforms ng ABS-CBN ang Ang Probinsyano, It’s Showtime, Magandang Buhay, ASAP, at Ang Sa Iyo Ay Akin.

Pati na ang mga public-service programs na Iba ‘Yan ni Angel Locsin at ang Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann Santos.

Ito ay sa kabila ng malaking gastos dahil sa safety protocols na ipinatutupad sa taping at mahigpit nilang sinusunod.

Naghahanda na rin ang ABS-CBN para sa kanilang mga bagong projects: ang Cara Y Cruz na tatampukan ni Julia Barretto; ang show ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla; at ang Walang Hanggang Paalam na pinangungunahan nina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, Arci Munoz, at Paulo Avelino.

Magkakaroon din si Angelica ng talk show, ang Ask Angelica. Siya rin ang leading lady ni Coco Martin sa Love or Money, official entry sa naudlot na Metro Manila Summer Film Festival noong April 2020.

Continue reading below ↓

He’s Into Her naman ang pamagat ng teen-oriented series na pagbibidahan ng mga young stars ng ABS-CBN.

Ilulunsad sina Rhys Miguel at Kaori Oinuma sa first visual podcast na Listen to Love: Four Bad Boys and Me.

Nakalinya rin ang mga movie projects ng Star Cinema.

Kabilang dito ang Four Sisters Before the Wedding, ang pelikula ni Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival 2020, at ang horror movie ni Kim Chiu na U Turn.

Kasado na ang Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience, ang digital concert ni Daniel Padilla na project ng Star Music at Star Events. Mapapanood ito sa October 11, 2020.

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit wala na sa free television, patuloy pa rin ang ABS-CBN sa paggawa ng mga bagong programa, digital shows, at fresh episodes ng mga teleserye na hindi pa natatapos.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results