Former Eat Bulaga host Janno Gibbs on his new noontime show on Net25: "Trabaho lang naman."

by Bernie V. Franco
Sep 11, 2020
Janno Gibbs on upcoming noontime show on Net25 that will be pitted against GMA-7's Eat Bulaga and Kapamilya Channel's It's Showtime: "We’re here to offer an alternative entertainment."
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram

Kasado na ang upcoming noontime show na Happy Time, na pangungunahan nina Anjo Yllana, Kitkat, at Janno Gibbs ngayong Lunes, September 14.

Mapapanood ito sa Net25, ang UHF (Ultra-High Frequency) channel ng Eagle Broadcasting Company (EBC), na may channel designation na Channel 49.

Babanggain ng bagong programa ang dalawang maituturing na noontime-show giants—ang Eat Bulaga! ng GMA Network at ang It’s Showtime ng Kapamilya Channel.

Nasa GMA-7 si Janno nang matagal na panahon. Nang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2017, naging hurado siya sa talent-contest segment ng It’s Showtime na "Magpasikat."

Pero paglilinaw ni Janno, higit sa pakikipagkumpitensiya sa mga dati niyang networks, gusto lamang nilang magbigay ng isa pang alternatibo sa noontime slot.

"Of course, medyo ninenerbiyos. But sabi nga ni Anjo, na tumatayong lider namin sa noontime show, we’re not here to compete," paliwanag ni Janno sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP.ph si Janno via Zoom nitong Biyernes, September 11, habang naka-break sa rehearsal nila sa Happy Time.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "We’re here to offer an alternative entertainment, para naman meron silang ibang napapanood bukod sa Eat Bulaga! at saka sa Showtime."

JANNO'S HOSTING STINT ON EAT BULAGA

Institusyon na ang Eat Bulaga!, na apat na dekada nang umeere, at siyang longest-running noontime show sa bansa. Habang higit isang dekada na ring umeere ang It’s Showtime.

Parehong naging long-time co-hosts sa Eat Bulaga! sina Janno at Anjo.

Si Janno ay naging co-host noong 2001 hanggang 2007, habang si Anjo naman ay mula 1999 hanggang 2020.

Inusisa ng PEP.ph si Janno kung nagsabi siya sa mga dating kasamahan sa Eat Bulaga! na makakatapat niya sila sa noontime block.

Sagot ng singer/comedian/host: “Wala naman, kasi kami in showbiz, personally, kaming mga artista, hindi naman namin… trabaho lang naman para sa amin lahat ito.

"Competition is healthy—mas maraming show na magpapasaya, mas maganda.”

Sa kaso ni Anjo, nag-resign ito sa Eat Bulaga nito lamang Agosto, o pagkatapos ng dalawang dekada as co-host ng Kapuso noontime show.

Continue reading below ↓

Kasunod nito ang anunsiyong magiging host siya ng upcoming Net25 noontime show.

Sa eksklusibong panayam niya sa Cabinet Files, inamin ni Anjo na hindi lahat ng Dabarkads hosts ay nakakapagtrabaho, dahil sa kasalukuyang pandemya.

Sabi ni Anjo sa interview: "Kasi nga, chosen lang yung mga nasa studio. Hindi naman kami puwedeng lahat doon. So, kapag tumagal pa ng two years ang COVID-19, wala akong trabaho.

Kasama si Anjo sa mga hindi lumalabas na host, kaya wala rin siyang sahod.

THE OFFER FROM NET25

Tinanong din ng PEP.ph si Janno kung paano siya inalok na maging host sa Happy Time ng Net25.

Si Janno ay kabilang sa talent management ng Viva Artists Agency, at aprubado raw ng big boss ng Viva na si Vic del Rosario ang kanyang bagong proyekto.

Lahad ni Janno: "Eagle Broadcasting contacted me. Tinanong nila kung puwede ako.

"Nagpaalam muna ako sa Viva, management ko, at pinayagan naman ako. Salamat kay Boss Vic.

Continue reading below ↓

“Yun na, natuloy na. Very excited ako dito dahil isa sa mga ikinae-excite ko ay dahil makakasama ko ang mabuti kong kaibigan na si Anjo Yllana."

Bukod sa Eat Bulaga!, marami na ring shows na pinagsamahan sina Anjo at Janno sa Kapuso network.

Kabilang na rito ang Ober Da Bakod (1992-1997), Beh! Bote Nga! (1999-2003), at Nuts Entertainment (2003-2008).

COMEBACK TO NOONTIME SHOW

Samantala, sinabi ni Janno na mixed emotions ang nararamdaman niya sa pagbabalik bilang host sa isang noontime show.

"Very excited, medyo ninenerbiyos nang konti, kasi medyo matagal-tagal na rin.

"Pero other than that, very excited kasi galing din ako sa ibang noontime show.

"And I know na masaya ito, at masarap talagang magpasaya ng tao, e. Yun naman talaga ang trabaho natin," paliwanag niya.

Malaking bagay din daw na ang katambal niya sa programang ito ay si Anjo, dahil higit sa pagiging long-time colleagues, tunay na kaibigan daw ang turingan nila.

Continue reading below ↓

Si Anjo rin ang nagrekomenda sa EBC na kunin si Janno bilang co-host sa Happy Time.

"Yung pagsasama namin ni Anjo kasi tunay. Yung pagkakaibigan namin hindi mo pwedeng i-fake yun, e. Yung pagkakaibigan ay lumalabas iyon sa screen," dagdag ni Janno.

Looking forward din si Janno na makakasama nila si Kitkat, na isa ring komedyante.

"Fresh ang trio namin," sabi ni Janno.

"Maraming games, na masaya lang. Ito ay simpleng noontime show lang."

Kuwento ni Janno, maraming palaro sa kanilang noontime show na ikasisiya ng contestants at mga manonood.

May portion daw si Anjo na naglalayong makatulong sa mga nangangailangan, habang si Janno naman ay na-designate sa talent-contest segment ng kanilang noontime show.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs on upcoming noontime show on Net25 that will be pitted against GMA-7's Eat Bulaga and Kapamilya Channel's It's Showtime: "We’re here to offer an alternative entertainment."
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results