“Fan girl at 60,” ang natatawang pag-amin ng veteran newscaster na si Luchi Cruz-Valdes.
Sinabi niya ito sa ginanap na zoom presscon ng TV5 para sa kanyang bagong magazine/lifestyle show, Usapang Real Life with Luchi, noong September 8, 2020.
Isa pala K-pop fan si Luchi.
Nang tanungin kasi ito kung sino ang pangarap niyang makausap o ma-interview sa kanyang programa, ang mabilis niyang sagot ay Park Seo Joon, ang South Korean actor na nakilala sa mga series na Itaewon Class at What's Wrong with Secretary Kim?
"Typical na reporter, aba, nagpadala na ako ng sulat. Malay mo, patulan ako,” natatawang sabi niya.
At kung sakali ngang magkatotoo ang pangarap niya, ano naman ang itatanong niya rito?
"Of course, the usual, usapang real life,” saad niya.
"Alam mo, kaya gustung-gusto ko rin itong show na ‘to, it really brings out what to me is something that everybody has.
"Kahit naman kaming mga journalists, gustung-gusto rin namin ang showbiz.
"Kaya nga may showbiz news palagi kami. Kasi, ang sarap talagang pag-usapan ng buhay ng mga sikat."
DREAM INTERVIEWEES
Fascinated si Luchi sa buhay-artista.
Aniya, "We forget that they have ordinary days then extraordinary ones. Just like you and me, they also go with the same problems.
"So, if you’ll ask me who’s my dream interviewee, lahat sila, gusto kong malaman kung sino sila off-cam. Kapag wala sila sa harap ng camera.
“At naniniwala ako, kung pagkakatiwalaan nila ako, pagkakatiwalaan nila ang show natin, ang Usapang Real Life, na hindi sila bababuyin—at yung audience na mismo ang huhusga kung totoo ang sinasabi nila."
Sa mga local celebrities, yung mga nakausap na raw niya ay ilan na sa mga gusto niya talagang ma-interview.
Pero crush niya rin daw si Piolo Pascual.
“Yung mga nakausap ko, preferences ko na yun. Pero, meron pa na mga gusto ko, like si Piolo Pascual. Crush ko yun, e. Pero, wag daw muna," ang sabi niya.
Dugtong ng beteranong newscaster, “Si Gary V [Valenciano], gusto ko rin yun. Wish ko rin yun. Marami, e! Marami talaga.
"And you must haved noticed, one of the hardest questions is what was your favorite story in your 39 years as a journalist?
"Wala akong maisip or who’s your dream interview? Wala rin akong maisip.
"Ang naiisip ko lang ngayon is si Park Seo Joon na siguradong gusto kong makuha,” natatawa niyang sabi.
Seryosong sabi rin niya, “We’re open to anybody. As long as they’re willing to bare their souls to us.”
SHOCKING REVELATIONS
Sina KC Concepcion, Alessandra de Rossi, Zsa Zsa Padilla, Pauleen Luna, at Vic Sotto ang ilan na sa mga kilalang artistang nakausap ni Luchi sa Usapang Real Life with Luchi, na napapanood tuwing Sabado ng 9 p.m. sa TV5.
May replay tuwing Linggo, 7 p.m., sa Colours available on Cignal TV.
Sa mga nakausap na niya, meron ba sa mga ito ang talagang na-surprise siya sa naging kuwenton?
“Palagi nga akong nasu-surprise. Natutuwa nga ako, wow, uy, talaga, ganun.
"Of course, KC! Nabigla ako roon. I really didn’t know that she’s gonna say that,” saad niya."
Sa August 15 episode ng show nakausap ni Luchi ang anak ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Heto ang sagot ni KC na umani ng reaksiyon mula sa Megastar mom niya.
"Mama ko kasi, she has her own family. My Papa also has his own family. They're both married. They both have children with their husbands and wives.
"Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto kong gawing proud sila sa akin."
Ang sumunod na binanggit ni Luchi ay sina Alessandra de Rossi at Zsa Zsa Padilla.
“Si Alex rin, yung 18,000 niya [ang pera na lang niya ngayon sa bank account].
"Si ZsaZsa Padilla rin, umiyak siya in the memory of Dolphy.
"Parang lahat sila, merong point na nagiging vulnerable sila and we love that, of course.
"You know, when they showed their vulnerability, that means they’re trusting you."
Sabi pa niya, “Ang dami na, ang dami na, and that’s what we want to offer. That’s the challenge and that’s why I still get nervous when I do interviews because I don’t want our time and our money wasted considering that it is expensive to mount an interview now.”
INTERVIEW TECHNIQUE
May sikreto ba para mag-open up ang isang interviewee?
Aniya, hindi raw iyan dahil sa interviewer kundi sa manner ng pag-iinterview.
Bago naging TV5 news chief at newscaster-host si Luchi, ten years na naging co-anchor siya ni Cheche Lazaro sa Probe, na nagsimulang umere sa ABS-CBN noong 1987.
Dito raw nakuha ni Luchi yung technique para mas maging palagay sa interviewer ang interviewer.
Sabi ni Luchi, "You know, I don’t think it’s because of me. Although, I wish I can say, ‘Ang galing ko.’ But I think, eto ha, this is where my experience in interviewing comes in.
"I have realized when I was in Probe Team, and we will do interview nang mahaba. Napansin ko na noon pa, kapag hindi ka nagmamadali and you give the person time to warm up and to see that you can be trusted with the information, eventually, may break. May sasabihin siya sa iyo na bago.
“And that’s what I’m trying to apply here.
“Ang production team, naaawa ako sa kanila. Every interview, it takes an hour as the average. Ganun siya kahaba. Pero, ang nilalabas lang namin, 15 minutes worth or 20 at most.
“Pero kasi, that’s how long it takes for a person you’re talking to to really open-up.
Kasi, sa usapang real life, not the show, hindi naman kayo nagmi-meeting para mag-usap ng 15 minutes,” pagtatapos ng 54-year-old TV personality.