Quaranthings star Kyo Quijano says he's a proud pansexual; gives his all to BL series

by Julie E. Bonifacio
6 days ago
Kyo Quijano (in black, checks, T-shirt) about love team partner Royce Cabrera (with bandage in forehead): "Yung first day po namin, hindi po talaga kami nag-work. Talagang bonding lang po. Ayun, swimming. Tapos, heart-to-heart talk. So, ayan, nagkapalagayan na po kami agad ng loob."
PHOTO/S: Kyo Quijano Facebook / Ride or Die Youtube

Artista na rin ang sikat na YouTube content creator na si Kyo Quijano.

Isa siya sa mga bida ng bagong online Boys Love (BL) series, ang Quaranthings The Series, directed by Pancho Maniquis.

"Umaarte rin po ako doon. Gumagawa ako ng comedy skit, mga parody ng mga kanta. Yun po, more on comedy po ang linyahan ko," pagpapakilala ni Kyo sa zoom conference ng Quaranthings noong Biyernes, September 11.

May 1.88 million subscribers si Kyo sa kanyang YouTube channel, at ang pinakamataas na views niya ay 4.3 million para sa kanyang vlog na isang kilig mini-series.

Lahad ni Kyo: "Naka-character po ako doon na parang babae. Tapos may ka-love team ako, parang ganoon. Nagkukulitan lang po kami every video.

"Tapos yun po, nag-hit siya. Nag-viral din po siya."

Itong kuwelang vlogs ni Kyo ang nagbigay-daan upang mapansin ang talento niya sa pag-arte.

AUDITION FOR QUARANTHINGS

Ang Quaranthings ay tungkol sa nabuong friendship sa pagitan ng dalawang lalaki, sina Judah at Rocky, hanggang sa mauwi ito sa pagmamahalan sa gitna ng quarantine.

Continue reading below ↓

Ginagampanan ni Kyo ang karakter ni Judah, habang si Royce Cabrera naman si Rocky.

Si Royce ay bumida sa 2019 Cinemalaya film na Fuccbois, kasama nina Kokoy de Santos, Yayo Aguila, at Ricky Davao.

Sa kaso ni Kyo, nakatrabaho raw niya ang director na si Pancho sa Adobers Studios, ang dating multi-channel network sa Youtube na pag-aari ng ABS-CBN.

Mabuting magkaibigan din daw ang ang dalawa, kaya naikuwento ni Pancho kay Kyo ang plano nitong gumawa ng BL series.

"Alam po kasi niya na gusto ko lang umarte ng legit, na pag-arte po talaga, at maging aktor.So, tinanong po niya ako kung parang game ba ako sa mga ganoong roles.

" Tapos, nagpa-open audition po siya. At pinag-send din niya ako ng audition tape. Tapos, pinabasa niya na po 'yung story sa akin.

"Tapos, yun po, suwerte. Luckily, ako yung napili."

Wala raw pinagkuwentuhan si Kyo tungkol sa paggawa niya ng BL series, at hindi rin daw niya kinailangang kumonsulta sa pamilya.

Continue reading below ↓

"As in, personal choice po, kasi independent naman po ako," ani Kyo.

Siniguro raw ni Kyo na pagbutihan niya ang kanyang audition dahil gustong-gusto raw niya ang proyekto.

"Nung nabasa ko rin po kasi yung kuwento, talagang doon po ako napa-oo, nung nakita ko yung laman ng istorya.

"Kaya yun po talaga, buong-puso... Parang na-in love po talaga ako doon sa project. Kaya talagang hindi ko na rin pinakawalan.

"Nung nag-audition ako, talagang binigay ko na rin lahat doon pa lang sa audition tape. Para talaga, 'Akin na 'to. Hindi na 'to aagawin ng iba.'"

PROUD LGBT MEMBER

Malapit sa puso ni Kyo ang Quaranthings dahil sa tunay na buhay ay isa raw siyang proud member ng lesbian, gay, bisexual, transgender, and questioning (LGBTQ) community.

"Loud and proud po siya," paglalarawan ni Kyo sa role niya bilang Judha.

Sabay pag-amin niya: "And, nung nabasa ko siya, doon ko na-ano na same naman rin po kami.

Continue reading below ↓

"Kasi personally, I identify myself as pansexual po, and I'm a part of the LGBTQ community talaga.

"And I think, there's a big part na naka-relate talaga ako kay Judah, na nakatulong na kung paano ko nabuhay yung character ni Judah."

Ang pansexual, ayon sa Merrian-Webster dictionary, ay tumutukoy sa pagkakaroon ng attraction sa ibang tao, nang hindi binabase sa sexual orientation, gender, o gender identity.

Bilang pansexual, pakiramdam ba niya'y kailangang palaging mag-explain sa tao ng sexual orientation niya?

Sagot ni Kyo, "Ako po, lately ko lang din po kasi na parang sinabi talaga. Before po kasi, ang point of view ko is, I don't need to explain anything to everyone. Parang, yun yung akin po, e.

"Pero as a social media figure, as a personality, parang naisip ko siguro—para sa akin lang po, ha—responsibilidad ko na sabihin.

"Para ring awareness [na] we do exist. These preferences do exist.

Continue reading below ↓

"And 'di ba, kaya rin po nilalaban natin yung SOGIE? Para lang rin makapag-spread ng awareness sa mga tao."

Ang SOGIE ay ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality Bill, na naglalayong proteksiyunan ang mga karapatan ng LGBTQ++ community.

Aminado si Kyo na hindi maiiwasang makarinig siya ng iba-ibang feedback tungkol sa kanyang sexual orientation.

"Pero siyempre po, parang kinu-kuwestyon pa rin nila kung sino po ako, kung ano po ako. Pero hindi ko naman po 'yun masyadong binibigyan ng pansin."

BONDING WITH ROYCE

Ikinuwento rin ni Kyo na naging bukas siya tungkol sa kanyang sexual orientation sa love team partner niyang si Royce.

"Yeah, sinabi ko po sa kanya yun ng personal, nung kaming dalawa lang, pinag-usapan po.

"Hindi naman kailangan, pero it's my choice para rin mas maging komportable, na may alam siya sa akin at may alam din ako sa kanya. Ganoon po."

Lumabas sa Ride or Die YouTube channel ang first episode ng Quaranthings The Series na pinamagatang "Quarantine Pass," noong September 4.

Continue reading below ↓

Umabot na ito ng 766,000 views as of today, September 16.

Marami ang kinilig na viewers sa "masahe scene" nina Kyo at Royce.

Lahad ni Kyo ukol dito: "Doon po sa eksena ng masahe, parang hindi naman po namin ni-rehearse. As in, oo, may sinabi lang na ganito ang gagawin, ganoon po.

"Pero feeling ko lang, naging komportable naman kami agad ni Royce.

"Kasi pagdating namin sa set, yung first day po namin, hindi po talaga kami nag-work. Talagang bonding lang po. Ayun, swimming. Tapos, heart-to-heart talk.

"So, ayan, nagkapalagayan na po kami agad ng loob. Kaya napadali na po agad yung mga eksena na ganoon."

Umaasa si Kyo na masundan ang Quaranthings ng iba pang acting projects dahil bata pa lang siya ay pangarap na raw niyang mag-artista.

Masiglang saad niya: "Yes po, opo! Matagal ko po actually parangarap na maging lehitimong aktor.

"Pero nagkaroon po ng time na sinukuan ko na ang pangarap na yun.

Continue reading below ↓

"And, hindi ko po akalain na may mago-open na door sa akin after ko pong maging vlogger. So, di ba, grab the chance po?

"Parang nabuhay ulit sa puso ko iyong pangarap ko na maging aktor."

QUARANTHINGS, AN EIGHT-PART SERIES

Ipinalabas na ang second episode ng Quaranthings noong Biyernes, September 11.

May natitirang anim na episodes pang ipapalabas sa YouTube channel at Facebook ng Ride or Die Channel, every Friday at 9 p.m.

Sabi ng director na si Pancho, lalabas na rin daw sa mga eksena ang premyadong aktres na si Gina Pareno at si LJ Moreno-Alapag.

Sila ang gaganap na mga kapamilya ni Judha sa BL series.

"Sana po subaybayan ninyo po ang Quaranthings series kasi buong puso po itong ginawa ng Ride or Die. Sobrang proud po ako dito.

"At talagang tinayaan namin 'to, kaya Ride or Die," pagtatapos ni Kyo.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyo Quijano (in black, checks, T-shirt) about love team partner Royce Cabrera (with bandage in forehead): "Yung first day po namin, hindi po talaga kami nag-work. Talagang bonding lang po. Ayun, swimming. Tapos, heart-to-heart talk. So, ayan, nagkapalagayan na po kami agad ng loob."
PHOTO/S: Kyo Quijano Facebook / Ride or Die Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results