Paulo Avelino says KC Concepcion "inspires" him: “Nakaka-mesmerize naman talaga ‘yong beauty niya.”

Paulo Avelino says he sometimes forgets his lines when he comes face to face with his leading lady KC Concepcion. “Parang minsan nakakalimutan mo na ‘yong linya mo. Nasasabi mo na ‘yong gusto mong sabihin na napapa-adlib ka dahil nakaka-mesmerize naman talaga ‘yong beauty niya.”


Maganda ang assessment ni Paulo Avelino sa kabuuan ng taong 2014 para sa kanya. At inaasahan daw niyang mas okay ang pagsisimula ng panibagong taon for him.

“Last year was a very busy year for me,” sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Coming from a nine-month break, parang pagbalik ko naman dire-diretso.

“From Honesto to Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Nagulat ako na meron pang ibang tumuloy na kasunod.

“Sobrang busy year talaga. And I met more people.

“In a way I could say na parang nagkaroon ulit ako ng… na-inspire ulit ako lalo sa taon na ito na magtrabaho lalo.”

Kasama rin ba sa rason ng pagiging mas inspired niya to work ay ang nabuong closeness nila ni KC Concepcion?

“Si KC is… isa siya sa nag-inspire sa akin.”

FROM BEST FRIENDS TO SPECIAL FRIENDS? Best friends ang label nila ni KC patungkol sa magandang pagtitinginan nila sa ngayon. Hindi ba niya hangad na ma-level up ito sa mas special na relationship?

“Siguro hindi rin naman okay kung ira-rush lahat ng mga bagay. Darating naman kung darating ‘yon.

“Basta ini-enjoy lang namin kung ano ang meron ngayon.”

Nitong nakaraang Christmas, parang nagka-exchange gift silang dalawa. Ayaw lang nilang tukuyin pa kung ano ba ang naibigay nilang regalo sa isa’t isa.

“’Yong ibinigay ni KC sa akin, something na may kinalaman sa favorite sport ko which is rock climbing.

“Hindi lang ako nakakapag-rock climbing lately dahil busy sa trabaho. But I’m planning to go back to it.”

Ayaw ding tukuyin ni Paolo kung ano ang Christmas gift niya kay KC.

“Basta something na may kinalaman sa paggising,” sabi na lang niya.



ON BEING CLOSER TO GOD. Bukod kay KC, sino kaya ang isa pang gusto niyang maka-exhange gift halimbawa at ano ang best gift na na kanyang puwedeng ibigay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sandaling nag-isip ng isasagot si Paolo.

“Siguro si God!” sabay ngiti niya.

“Na parang… give more of myself to Him. ‘Yong to have a deeper connection sa Kanya.”



ENJOYING WHAT THEY HAVE NOW. Ang connection nila ni KC sa isa’t isa, tila mas lumalalim na nga. Sa pagkakaroon ba kaya ng seryosong relasyon ito papunta?

“Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa future natin. So nagpu-focus muna kami kung ano ang meron ngayon.

“Kung ano ang meron kami ngayon. Kung ano ang mga blessings na dumarating like itong project na ito.

“For now, ini-enjoy namin ‘yong sa ngayon. Hindi pa namin masyadong iniisip ‘yong mangyayari sa future.

“Although andiyan naman ‘yan. May mga plano naman kami para sa kinabukasan namin individually.

“Kumbaga we just wanna enjoy what we have now. And we’re just very blessed now na parang… happy lang muna.”


BEING MESMERIZED BY KC’S BEAUTY. Pareho silang excited ni KC sa pagsasama nila sa Give Love on Christmas Day: Exchange Gift na magsisimula nang umere sa ABS-CBN ngayong Lunes, January 5. Unang silang nagkatambal sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya four years ago.

Sa Pasko-serye na ito, sina Paulo at KC ay gumanap bilang mag-asawa na paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ang mga karakter nila ay may isang anak na lalaki na ginampanan ng child actor na si Miguel Vergara.

Aminado si KC na crush na siya nito kahit noong hindi pa sila nagkakakilala. Aware ba si Paulo hinggil dito?

“Uhm… medyo parang narinig ko from someone before. And like Kristina [tawag niya kay KC], parang crush ko rin siya,” sabay ngiti niya.

“So parang nakakatuwa na ‘yong kaeksena mo, crush mo. Sobrang ganda.

“Parang minsan nakakalimutan mo na ‘yong linya mo. Nasasabi mo na ‘yong gusto mong sabihin na napapa-adlib ka dahil nakaka-mesmerize naman talaga ‘yong beauty niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga bago ba siyang na-discover tungkol kay KC sa panahon na nagti-taping sila ng Exchange Gift?

“Minsan may way ng pagsalita si KC na hindi niya siguro napapansin pero parang siguro ‘yong lambing niya na pagsalita, parang minsan kaboses siya ni Rufa Mae Quinto! Hahaha!

“Kaya nakakatawa minsan.

“And isa pa sigurong napansin ko kay KC, kasi kung titingnan mo siya parang maarte. Pero dito hindi.

“Parang kapag naka-work mo siya, makikita mo like do’n sa nalaglag siya sa putikan… kahit ‘yong mukha niya mapuputikan pero wala kang reklamong maririnig sa kanya.

“Kung paano mag-trabaho si KC… she’s very professional. Walang arte.

“At saka may mga instances kasi na kapag magkasama kami, parang ang saya lang. Sobra na parang nakakalimutan mo lahat.

“Parang wala nang bukas. Parang puro tawanan lang na… masaya lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN