GMA News TV to resume regular programming starting September 21

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2020
Pagkatapos ng ilang buwan ay mapapanood na muli ang mga programa ng GMA News TV gaya ng Balitanghali, State of the Nation, Stand For Truth, at Quick Response Team.
PHOTO/S: GMA News TV

Sa pamamagitan ng isang official statement, kinumpirma ng GMA News TV management na simula sa Lunes, September 21, magbabalik na sa telebisyon ang mga programang napabalita noong mawawala nang pansamantala.

Kabilang dito ang Balitanghali, Quick Response Team, State of the Nation with Jessica Soho, at Stand for Truth.

Sina Connie Sison at Raffy Tima ang mga anchor ng Balitanghali na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes; si Emil Sumangil ang anchor ng Quick Response Team; at si Jessica Soho ang tagapagbalita sa State of the Nation.

Muling matutunghayan sa GMA News TV ang GMA Regional TV Strip—ang North Central Luzon newscast na GMA Regional TV Balitang Amianan; Central and Eastern Visayas (Lunes, 11 p.m.), GMA Regional TV Balitang Bisdak (Martes); Unified Hiligaynon newscast GMA Regional TV One Western Visayas (Miyerkules); at Unified local newscast GMA Regional TV One Mindanao (Huwebes); samantalang ang replay ng GMA Regional TV Live! ang mapapanood tuwing Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibabalik na rin ng GMA News TV ang Stand for Truth nina Atom Araullo at Richard Heydarian.

Hindi naman naapektuhan ng new normal ang Newsmakers ni Winnie Monsod (Lunes), Bright Side ni Kara David (Martes), Pera Paraan ni Susan Enriquez (Miyerkules), Homework nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez (Huwebes), at ang Family Time ni Drew Arellano (Biyernes).

Nawala man ang Tonight With Arnold Clavio, patuloy na mapapanood sa GMA News TV ang Front Row, Alisto, Tunay na Buhay, Reporter’s Notebook, I-Witness, Brigada, Taste Buddies, I Juander, Idol sa Kusina, at ang simulcast ng 24 Oras at 24 Oras Weekend ng GMA-7.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng ilang buwan ay mapapanood na muli ang mga programa ng GMA News TV gaya ng Balitanghali, State of the Nation, Stand For Truth, at Quick Response Team.
PHOTO/S: GMA News TV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results