KC Concepcion helps Paulo Avelino develop a stronger bond with his son, Aki

KC Concepcion on her Exchange Gift leading man Paulo Avelino: “Marami talagang mga nakakakilig na scenes. Like ‘yong first few days ng episode namin, iyon ang mga kilig talaga."


Para kay KC Concepcion, 2014 was a tough year for her. There are nice things na nangyari pero meron ding hindi magaganda na nakapagdudulot ng lungkot kapag naiisip niya.

“Na-realize ko, sobrang grabe itong 2014,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Una, sa health. Naging sobrang challenging sa akin.

“Iyon ‘yong pinaka-challenge ko this year… health. Kasi nag-start ‘yong year ko, nagka-pneumonia ako.

“December 31, birthday ng Lola [Elaine Cuneta] ko no’ng nagka-penumonia ako last year.

“And then nag-States ako ng three months which was parang maganda. Magandang experience.

“Kaya lang na-polar vortex naman ako do’n. ‘Yong sobrang lamig na… gano’n, so umuwi ako.

“And then blessing, I did Ikaw Lamang. Blessing din na nanalo po ako ng award for Ikaw Lamang,” pagtukoy niya sa best supporting actress trophy na nakuha niya sa PMPC Star Awards For Televion in 2014.

“Nanalo din ako ng award for Boy Golden,” banggit din niya sa pelikulang pinagsamahan nila ni ER Ejercito kung saan nanalo naman siyang best actress sa PMPC Star Awards For Movies naman.

“So napakaganda po no’ng parang return after po no’ng nagkasakit ako. Na may blessing naman palang parating.

“And then after no’n, nagka-dengue naman po ako for one month. One month akong down.

“Kasi ang hirap po pala talaga ng dengue. Parang may humigop ng lakas mo for like one month, gano’n.

“And then after no’n, ‘yon nga… may nangyari sa family. Namatay ‘yong Lola [Elaine Cuneta] ko po.

“So parang… downer na naman. Pero biglang nagka-project naman for Christmas.”


GOING OUT OF HER COMFORT ZONE. Ang tinutukoy ni KC ay ang Pasko-serye na Exchange Gift kung saan magkatambal sila ni Paulo Avelino na magsisimulang umere sa ABS-CBN sa Lunes, January 5.

“And natutuwa ako na ang ganda po ng feedback. Hindi lang ng mga boss at ng management kundi ng mga tao rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So napaka-eventful ng 2014 ko po talaga. Sobrang extreme na high tapos extreme din na low.

“Kaya ano siya… jampacked. Very meaty year.”

Ano ang naging effect sa kanya ng mga natanggap niyang award sa taong 2014?

“Inspired!

“Naramdaman ko po ‘yong purpose ng ginagawa ko na meron po palang mga nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko.

“And all of the hesitation na nagkaroon ako na nire-reject ko ‘yong mga project and then ‘yong nakita ko ‘yong suporta sa akin ng Dreamscape and ‘yong belief nila sa akin po.

“Parang… sobrang naging fulfilling ‘yong experience na ayoko po siyang gawin. And then no’ng lumabas ako sa comfort zone ko, bigla ko pong nakita na puwede palang magbago ‘yong mold ng isang tao o ‘yong shape ng isang tao kung maganda po ‘yong material.

“Kung maganda po ‘yong team na gagawa. O kung maganda po ‘yong pinaniniwalaan ng mga producer na gumagawa no’ng soap or no’ng project na ginagawa nila, maganda po ‘yong kakalabasan.

“So I’m very thankful.”

What does she look forward to ngayong 2015?

“Growth. Sana mas happy pa.

“Huwag naman ‘yong masyadong maraming lows. Mas maging ano pa… parang refreshed ‘yong 2015.

“Na maging healthy naman ako. Pero payat!” tawa niya.

“At saka ‘yong makapag-take ng iba pang roles na naman po.”


PLAYING WIFE TO PAULO’S CHARACTER. Kumpara sa mga karakter na kanyang ginampanan sa Ikaw Lamang at Sa Huwag Ka Lang Mawawala na pawang heavy drama ang tema, very light lang ang role ni KC sa Exchange Gift dahil romance comedy ito.

Sa Pasko-serye na ito, sina Paulo at KC ay gumanap bilang mag-asawa na paghihiwalayin ng hindi pagkakaunawaan at iba’t ibang pagsubok. Ang mga karakter nila ay may isang anak na lalaki na ginampanan ng child actor na si Miguel Vergara.


Ani KC, “I play the role of Anna Salcedo. It was nice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was parang… very refreshing. Kasi naramdaman ko na parang naglalaro lang kami.

“Working with Paulo was also a very interesting experience. Kasi for the first time na-share namin kung anong meron kami sa camera sa ibang tao.

“Natakot kami at first pero nagawa naming tapusin and then ngayon meron na kaming ipapalabas.

“It was nice. At saka sa Tagaytay kami nag-taping so medyo hindi kami nahirapan sa init o sa ano.

“Maganda po at naging relaxed kami sa set. Dahil iba ‘yong scenery at malamig.”

Happy ending ba?

“Kung gugustuhin ni God. Di ba wala naman tayong control sa mga mangyayari?

“Pero marami pa kaming mga gustong gawin. Right now we’re happy na may ginawa kami together na masaya kami.

“And… happiness kasi exciting ‘yong mga scenes. Tapos parang comedy na light.

“Tapos first time din namin to involve each other sa isang professional [setting] na naman. Kasi for years since may ginawa kaming episode for MMK, puro kami ‘yong personal ano…

“So kung tuloy tuloy na maganda ‘yong meron kami. Kung ‘yong friendship ba ‘yon o ‘yong connection namin tuloy-tuloy.

“Na… magkaintindihan. Na suportahan namin ang isa’t isa na maging better people at mag-improve.

“Siyempre bakit n’yo naman ipapasok ang isang tao sa buhay n’yo kung ikakasama mo naman ‘yon?

“And so far, parang okay naman. So as long as magtuloy-tuloy po ‘yon, then… we don’t know.”


KILIG SCENES. Sa Exchange Gift, maraming nakakakilig na eksena sina KC at Paulo. Sabi nga ng mga production staff, parang lang silang nasa isang reality show.

“Siguro may time na parang nadadala ako sa adlib. Kasi… natutuwa lang ako sa situation.

“At saka pipigilan naman kami ng director namin [referring to Manny Palo] kung ayaw niya naman. So pinayagan naman akong mag-play with the scene.

“’Yong mga eksenang gano’n, parang naengganyo akong gawing mas ano pa ‘yong scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami talagang mga nakakakilig na scenes. Like ‘yong first few days ng episode namin, iyon ang mga kilig talaga.

“Kina-cut na namin ang sarili namin sa take. Kasi sumusobra na, in the middle of the take… cut!

“Kasi ang daming adlib! Kaya kami rin ang nag-i-stop sa sarili namin.”

May mga bagong na-discover ba siya about Paulo during the time na nagti-taping sila for Exhange Gift?

“Uhm… ano, puwede rin siyang funny. Kasi kapag tiningnan mo siya, akala mo parang super-serious.

“’Yong kunyari sa eksena, may mga scenes kami na kunyari ‘yong naghulog ako sa putikan, naputikan ako or ‘yong kasama niya ‘yong mga baka niya… makikita mo na komportable siya.

“Na… wala lang. Hindi kailangang intense na parang ‘yong sa Walang Hanggan ‘yong scene.

“Hindi kailangan na gano’n. So maganda na ma-experience namin ‘yong light roles. Para ibang ano naman.”

Marami ang nakakapuna, they really look good together nga talaga.

“Huwag nating i-take for granted!” nangiting reaksiyon ni KC.

Anong ibig niyang sabihin sa huwag i-take for granted?

“Magandang marinig ‘yong ganyang feedback. Kasi hindi naman kami naging friends o naging close dahil gusto naming magka-project.

“Actually ayaw nga naming no’ng umpisa. Kasi showbiz can ruin friendships.

“Di ba? Showbiz can affect ‘yong connection ng dalawang tao.”


KC HELPING PAULO’S SON. Ayon kay KC, nakikita niya ang sarili niya sa four-year-old son ni Paulo na si Ethan Akio. Nicknamed Aki, siya ang anak ni Paulo sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes.

Dahil dito, tinutulungan ni KC si Paulo na bumuo ng mas matibay na samahan sa kanyang anak.

Ani KC, “I’m happy naman na may mga naisi-share ako kay Paulo like tungkol sa work, kung paano ba dapat sa work o ‘yong professionalism.

“Or ‘yong pagtrato sa isang tao. O kahit sa family life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit papano ako naman ‘yong… kung papano ‘yong situation ng son niya ngayon, ako ‘yong batang iyon dati.

“So kahit papano naisi-share ko sa kanya kung ano ‘yong magandang gawin para sa bata. Kung ano ba ‘yong maaalala ng bata or ano ba ‘yong magandang gesture para mas maging strong pa ‘yong bond nila ng anak niya.

“Because na-experience ko ‘yon firsthand. Kung ano ‘yong naging maganda sa relationship namin ni Papa [Gabby Concepcion] at sa relationship namin ni Mama [Sharon Cuneta].

“Kung bakit hanggang ngayon naging strong ‘yong bond namin kahit 30 years kaming hindi nagsama ni Papa.”

Matatandaan na nag-separate sina Sharon at Gabby noong 1987 habang two years old pa si KC.

“So maganda na na-share ko sa kanya ‘yong personal na… kumbaga may serious moments din kami na talks. Na parang to encourage him din na huwag ma-overwhelm because he’s young.

“Dahil sa mga blessings na nakukuha niya sa ABS ngayon, isa siya sa valued stars dito [sa Kapamilya Network]. Na huwag siyang ma-overwhelm and not to take anything for granted.

“So maganda rin na naisi-share ko sa kanya ‘yong mga experiences ko at ‘yong mga things na natutunan ko the hard way. Na puwede kong mai-share sa kanya para hindi na niya kailangang ma-experience ‘yong mga bagay na hindi maganda.”



HELPING EACH OTHER GROW. Para kay KC, nagiging magandang influence sila ni Paulo sa isa't isa.

“Sa amin ni Pau, what you see is what you get. Parang nagpapakatotoo kami sa isa’t isa.

“Good or bad, kilala namin talaga ‘yong isa’t isa. Na may chance kami to help each other grow.

“In a way na sana siyempre hinahangad namin for each other na mas maging mabuting tao kaming dalawa.

“Simula nang mawala si Mita [ang kanyang Lolang si Elaine Cuneta], parang gusto kong ayusin ‘yong buhay ko rin. Na gusto ko maayos lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda ‘yong pakikisama namin sa ibang tao. ‘Yong sa isa’t isa.

“Parang ano lang… ang ganda lang ng feeling na nagpapakatotoo kami sa isa’t isa,” panghuling nasabi ni KC.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN