Karen Davila to join TV Patrol as permanent co-anchor?

by Arniel C. Serato
Sep 24, 2020
Karen Davila: “Sa lahat ng pinagdaanan ng aming kumpanya, nandito pa rin kami. Work is a privilege. It is a blessing from the Lord. 27 years in the industry. 20 years a Kapamilya. Tuloy lang hanggang kaya."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram

Magiging regular co-anchor na ba ng TV Patrol ang veteran broadcaster na si Karen Davila?

Ilang araw nang napapanood sa flagship news program ng ABS-CBN si Karen.

Kahapon, September 23, nag-post si Karen sa Instagram ng larawan niya habang nasa loob ng studio.

Sabi nito sa caption: “Here’s to fresh grace everyday. Always start and end the day with an attitude of gratitude.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang netizen ang nag-usisa kay Karen kung magiging regular na ba siya sa TV Patrol.

Tanong ng netizen: “Madam Karen totoo po ba na permanent na po kayo sa TV Patrol simula Sept 28 or sa Oct 5??”

Tumugon dito ang 49-year-old broadcaster.

Ayon kay Karen, dalawang araw lang ang schedule niya bilang co-anchor sa TV Patrol. Pero itatanong daw niya sa management ang tungkol dito.

Continue reading below ↓

“MAHAL PO NAMIN ANG ABS-CBN”

Nag-post din si Karen ng groufie kasam ang anchors ng TV Patrol na sina Noli de Castro, Bernadette Sembrano, Kim Atienza, at Gretchen Fullido.

Sabi niya sa caption, mahal nila ang ABS-CBN kahit may krisis na pinagdadaanan ngayon ang network.

Noong July 10, 2020 ay tuluyang pinatay ng Kongreso, bilang pagtupad sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang franchise application ng network giant.

Mensahe ni Karen, “Expectation vs Reality

“Pero ang isang reality sa aming lahat... mahal po namin ang ABSCBN.

“Mahal po namin kayo. Mahal po namin ang trabaho namin.

“Sa lahat ng pinagdaanan ng aming kumpanya, nandito pa rin kami.

“Work is a privilege. It is a blessing from the Lord. 27 years in the industry. 20 years a Kapamilya.

“Tuloy lang hanggang kaya.”

#sept232020 #tvpatrol #abscbnkapamilya #kapamilyalove #livegrateful #istandinfaith

Continue reading below ↓

Nagsimulang mapanood si Karen sa TV Patrol noong September 16, ilang linggo pagkatapos lisanin ng dating co-anchor na si Ted Failon ang programa noong August 31.

Hindi naman na bago si Karen sa news program ng ABS-CBN dahil naging anchor siya ng TV Patrol World, kasama sina Ted at Julius Babao, mula 2004 hanggang 2010.

Isa na lang ang regular show niya ngayon sa istasyon, ang Headstart With Karen Davila na napapanood sa cable channel na ANC.

Sa ngayon, napapanood ang TV Patrol at iba pang palabas ng ABS-CBN sa cable, iWantTFC, Facebook, at YouTube.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila: “Sa lahat ng pinagdaanan ng aming kumpanya, nandito pa rin kami. Work is a privilege. It is a blessing from the Lord. 27 years in the industry. 20 years a Kapamilya. Tuloy lang hanggang kaya."
PHOTO/S: Courtesy: @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results