Manilyn Reynes recalls relationship with ex-boyfriend Keempee de Leon as they reunite for teleserye

Manilyn Reynes was in a relationship with Keempee de Leon (right frame) for four months during their younger years. When asked why their relationship ended, Manilyn explained, “Pareho kasi kaming seloso’t selosa kaya nagka-clash kami parati."



First time na makakasama ni Manilyn Reynes sa isang teleserye ang ex-boyfriend niya na si Keempee de Leon.

Gaganap sila bilang sina Aurora at Jimmy, mga magulang ni Bianca Umali sa bagong GMA-7 primetime teleserye na Once Upon A Kiss na magsisimula na sa January 5, 2015.

Never pa silang gumawa ng teleserye at isang pelikula lang ang pinagsamahan nila at ito ay ang Shake, Rattle & Roll 8 (LRT episode) noong 2006 pa.

“Bihira talaga kami magkatrabaho ni Keempee. Ewan ko kung bakit? Mabibilang mo lang talaga ang mga pinagsamahan naming trabaho.

“Siyempre, natuwa naman ako na siya ang gumanap na mister ko sa Once Upon A Kiss. Isa si Keempee sa tinuturing kong kaibigan sa showbiz.

“Kapag nagkikita kami niyan, like sa Eat Bulaga, hindi puwedeng hindi kami magkuwentuhan niyan.

“Kumustahan lang tungkol sa buhay-buhay. Mas madalas naming pag-usapan ay ang mga anak namin,” pahayag pa ni Manilyn nang makapanayam namin siya sa press launch ng Once Upon A Kiss.

Public knowledge naman na naging boyfriend ni Manilyn si Keempee noong mga teenagers sila.

Inamin ni Mane na apat na buwan lang inabot ang relasyon nila noon ni Keempee.

“Mabilis lang ‘yung naging relasyon namin kasi mga bata pa kami that time tapos ang dami naming hindi mapagkasunduan.

“Pareho kasi kaming seloso’t selosa kaya nagka-clash kami parati. Hindi naging maganda dahil nagkakasama kami sa trabaho noon.

“Kaya it was better na maghiwalay na lang kami.

“But we parted naman as friends kaya kita n’yo naman magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon,” ngiti pa ni Mane.

Dapat pala ay ka-love triangle si Keempee sa huling teleserye na ginawa ni Mane with Janno Gibbs na My BFF. Hindi nga lang natuloy si Keempee sa nabanggit na teleserye.

“Nagkaroon yata ng conflict sa schedule niya with Eat Bulaga at sa taping ng My BFF.

“Hindi siya pumwede. Tsaka that time ay mas priority niya yung noontime show.

“Pero okay lang kasi ngayon magkasama kami sa Once Upon A Kiss kahit na short lang ang appearance niya kasi may mangyayari sa character niya.”

Hindi nagseselos ang mister ni Mane na si Aljon Jimenez na napa-partner siya sa mga ex-boyfriends nito.

“Tapos na kami sa stage na ‘yan.

“Eighteen years na kaming mag-asawa at tatlo na ang mga anak namin.

“Wala nang selosan. Alam naman ni Aljon na trabaho lang ito. Professional lang tayo,” diin ni ng aktres.

Pareho nang may 18-year old na anak sila Mane at Keempee.

Kaka-18 lang ng panganay na lalake ni Mane na si Sean Kyle at nag-18 na rin ang unica hija ni Keempee na si Samantha.

Sa edad na 18 nga noong maging sila ni Keempee.

“Mag-throwback ba tayo?” tawa pa niya.

“Those were the days at ngayon may mga anak na kami na binata’t dalaga na.

“How time flies at ang maganda ay nandito pa rin kaming dalawa at very active pa sa showbiz.

“Nagkakaroon kami ng chance to work with new young stars like sila Miguel Tanfelix and Bianca Umali. Nabibigyan namin sila ng advice kung kinakailangan nila.

“Sabi nga ni Kuya Germs [Moreno] sa amin noon, ‘Makinig kayo sa mga matatanda!’ Kaya ngayon, kami na ang mga pinapakinggan ng mga bata,” tawa pa niya.

Exclusive Kapuso star na si Manilyn dahil pinapirma siya ng three-year exclusive contract last March.

Bukod sa paggawa ng teleserye, regular na mapapanood si Mane sa comedy series na Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento at Sunday All Stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN