Katrina Halili, nag-stay sa showbiz dahil sa lalaking ito
Sep 30, 2020

Sa kanyang PEP Exclusives interview, ikinuwento ni Katrina Halili kung paanong aksidente siyang nakuha para maging isa sa StarStruck season one hopefuls.

Ikinuwento rin ng 34-year-old Kapuso actress kung paanong binigyan niya ng palugit ang sarili.

Mga dalawa o tatlong taon lang daw siya mag-aartista at pagkatapos ay uuwi na siya kanyang pamilya sa Palawan.

Yun ang plano.

Pero hindi nangyari ito.

Isa kasi si Katrina sa mga talented na produkto ng StarStruck.

Hindi man pinalad na maging Ultimate Female Survivor ng nabanggit na reality artista search ng GMA-7 nung 2003, isa si Katrina sa pinagkatiwalaan ng Kapuso network ng mabibigat na proyekto.

Pero dumating ang matinding dagok sa kanyang buhay at career nang maugnay siya sa isang kontrobersiyal na isyu.

Dahil dito, naapektuhan nang husto si Katrina at pinag-isipan na niyang ituloy ang orihinal niyang plano—ang talikuran ang pag-aartista at umuwi na lang sa Palawan.

Pero naudlot ang plano niyang ito, nang dahil sa isang lalaki.

Sa tulong ng lalaking ito at ng home network ni Katrina na GMA-7, muling nabuo ang gumuhong aktres dahil sa eskandalong kinasangkutan.

Nakatayo siya muli at bumalik ang tiwala sa sarili.

Sabi pa ni Katrina, "Ako siguro, kung anuman yung pinagdaanan ko, happy din ako na makita ng mga tao na after nung mga nangyari, may buhay pa."

Panoorin ang kanyang interview nang malaman pa ang mga ginawa ng lalaking pinagkakautangan ni Katrina ng malaking utang na loob.

HOT STORIES

Hosts: Jimpy Anarcon & Rachelle Siazon
Video Producer and Editor: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results