Si Anne Curtis ang peg ni Chad Kinis sa eksenang nilaplap siya ng baguhang aktor na si Ardel Presentacion sa Beki Problems.
“Sa totoo lang, parehas na first time namin ni Ardel na mag-kissing scene,” salaysay ng 34-anyos na si Chad sa PEP.ph (Philippine Entertainment nitong Setyembre 30, Miyerkules, via Messenger.
“Actually, hesitant akong makipag-kissing scene, kasi may boyfriend ako. Ipinagpaalam ko pa yun.
“Kasi, kailangan talaga iyon sa eksena para sa ikagaganda ng series at maipahayag ang mensahe na hindi lahat ng beki, e, marupok.
“Minsan, biktima rin tayo ng pang-aabuso na hindi lang nakikita ng mga tao dahil ang tingin nila sa atin ay ganun-ganun na lang.
“Kaya sana, pag pinanood nila ang kissing scene, makuha nila ang totoong mensahe nito.”
ANNE CURTIS AS CHAD'S PEG
Mas bata ng sampung taon kay Chad ang kasintahan niyang beki na si Arkian. Tatlong buwan pa lang ang kanilang relasyon.
Nagkaproblema ba sila ni Arkian matapos mapanood nito ang second teaser ng Beki Problems kung saan sinibasib siya ni Ardel?
“Wala naman pong naging problema. Ipinagpaalam ko po nang maayos at okey lang sa kanya,” pagmamatwid ni Chad.
“Supportive naman kasi siya. Alam niya na work yun.
“Sabi nga namin, si Anne Curtis nga, may asawa na, pero okey lang. Kasi, alam na work yun.
“So, ang peg ko talaga ay Anne Curtis sa ganoong situation. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Paano niya pagkukumparahin ang lips nila ni Anne? Ilang paligo ang lamang ni Anne sa kanyang kakaibang ganda?
“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Grabe naman! Doon talaga ako ikukumpara? Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Ano’ng laban ng labi ko sa labi ng nag-iisang Dyosa?
“Pero kung ganda ang labanan... siyempre, mga tatlong dekadang paligo ang lamang ni Anne. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Siya, Anne Curtis. Samantalang ako, Anne Dumi. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
CHAD'S NEWBIE LEADING MAN
Happy at proud si Chad para kay Ardel.
Paliwanag ng laplapable beki, “Baguhan lang si Ardel pero ang galing niya!
“Noong napanood ko yung kissing scene namin, naging proud din ako sa outcome.
“Sa totoo lang, hindi ko na-enjoy ang halik ni Ardel dahil naka-internalize ako na ayaw ko yung ginagawa niya, at iniisip ko ang boyfriend ko.
“At the back of my mind, sinasabi ko na, ‘Mali! Mali! Huwag! Ayoko!’
“Kaya ganun na lamang ang reaction ko. 'Tapos, feeling ko, long hair ako at kayganda-ganda ko.
“Kasi, nakaayaw ako sa isang gwapong tulad ni Ardel! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Kung ang peg niya ay si Anne Curtis, naisip ba niyang ang sumisibasib sa kanya ay si Marco Gumabao, Derek Ramsay, Dingdong Dantes, o Dennis Trillo?
“Wala akong inisip na kahit sino o ano po noong laplapan,” pahayag ni Chad.
“Inisip ko ang boyfriend ko at kung gaano kamali na magpahalik ako sa iba dahil may boyfriend ako.
“At yung pakiramdam na nagte-take advantage si Ardel sa akin para maibigay ko ang emosyon na nararapat sa eksena. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“'Yan yung iniisip ko para lumabas po ang emosyon. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ipinagdiinan ni Chad na walang malisya sa kanya ang halik ni Ardel.
“Inisip ko po na work lang yun. At kailangan maging professional.
“Para madagdagan pa ng maraming kissing scenes. CHAROT!!!”
NANG-AGAW NG LAKAS?
Hirit ni Ardel, nanghina siya matapos ang paglaplap kay Chad. Inagaw ba ni Chad ang lakas ni Ardel?!
“Nanghina siya not because nilaplap niya ako,” saad ni Chad.
“Nanghina raw po siya dahil naibigay at naitodo niya ang kanyang paglaplap na para bang ako ang pinakamagandang tao sa balat ng lupa kaya bigay na bigay ang siil ng kanyang mga halik.
“Kaya doon daw siya nanghina.
“O baka kaya siya nanghina, kasi hindi umepekto sa akin ang mouthwash. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang isa pang leading man ni Chad sa Beki Problems ay ang 22-anyos na si Gold Azeron, na nag-best actor sa Cinema One Originals filmfest para sa pelikulang Metamorphosis.
Paandar ni Chad, “Iba ang eksena kay Gold. Mas marubdob at talagang marami ang magtataas ng kilay at maloloka sa mga kaganapan.
“Lalo na sa mahiwagang bathtub. Lovi Poe at Marco Gumabao naman kami doon. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang tinutukoy ni Chad ay ang eksena nina Lovi at Marco sa pelikulang Hindi Tayo Pwede (2020).
At this writing, naka-4.3M views na ang second teaser ng Beki Problems sa Facebook page ni Chad Kinis mula nang i-upload noong Setyembre 24, Huwebes.
Nakatakdang mag-streaming ang Beki Problems sa YouTube channel ng heyPogi ngayong Oktubre.
Walong episodes ang first season ng Beki Problems, na nagtatampok din kina Ruby Ruiz, Francine Garcia, Alex Medina, Ace Toledo, Calvin Crew, at Jojo Bragais, sa direksiyon ni Jill Urdaneta.
Iprinodyus ito ni Raymond Francisco, at base ito sa aklat ni Joni Fontanos.
Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!