Miko Gallardo-Iñaki Torres kissing scene sets YouTube on fire; did Royce Cabrera say no to kissing scene with Kyo Quijano?

by Jerry Olea
Oct 1, 2020
(Left) Miko Gallardo and Iñaki Torres in My Day; (right) Royce Cabrera and Kyo Quijano in Quaranthings.

Lasap-sarap at busog-lusog ang kissing scene with fireworks nina Ace (Iñaki Torres) at Sky (Miko Gallardo) sa Episode 8.4 ng BL series na My Day noong Sabado, Setyembre 26, sa YouTube channel ng Oxin Films. Jumbolicious!

Sa Episode 9 na ipapalabas sa Oktubre 3, Sabado ng 9:00 P.M., meron kaya uling “client meeting” ang dalawa?

“Episode 9 will focus more on the two characters as a couple,” sabi ng direktor na si Xion Lim nitong Oktubre 1, Huwebes, via Messenger.

Hanggang Episode 12 lamang ang season 1 ng My Day. Nase-sepanx na tuloy ang ibang masusugid na tagasubaybay ng AkiMi.


Continue reading below ↓

Miko Gallardo and Iñaki Torres

Ikinakasa na ni Direk Xion ang pangalawang BL series niya, at saka pa lang susunod ang second season ng My Day.

“Baka madagdagan ng isa o dalawang episode ang season 1 ng My Day. Medyo mahaba kasi ang dalawang episode,” pagbabalita ni Direk Xion.

“Nasa process pa ng editing... so, there may be some slight adjustments.

“Tomorrow is the final casting for the second BL series. It is set in the same universe as My Day.

“Most probably, we will still see Ace and Sky in that series. Similar with the Avengers. He! He! He! He! He!

“Kasama sina Miko at Iñaki sa team for the final casting of the second BL series. They have friends from showbiz who are also doing the auditions. But mostly, newbies din.

“About the season 2 of My Day, ongoing pa ang development ng story plot nito.”

Siyanga pala, ang My Day ang ikaapat na Pinoy BL series na nagkaroon ng episode na mahigit 1M ang views.

Continue reading below ↓

Naka-1.06M views na ang Episode 1.1 nito mula nang in-upload noong Agosto 8.

Ang nakakakilig overload na Episode 8.4 kung saan sakdal harot ang eme-eme nina Sky at Ace, with matching hila sa kama, ay naka-990K views na.

QUARANTHINGS

Matapos ang pagniniig nina Judah (Kyo Quijano) at Rocky (Royce Cabrera) sa Episode 4 ng Quaranthings, ano ang maaasahan sa Episode 5 na magpi-premiere streaming bukas, Oktubre 2, Biyernes ng gabi, sa YouTube channel ng Ride or Die?

“Mas marami pang kailangan abangan sa mga susunod na episode,” sabi ni Royce nitong Huwebes, Oktubre 1, via Messenger.

“Kasi, mas patindi at pabigat na ang mga susunod na eksena.”

Medyo na-disappoint ang ibang viewers dahil walang kissing sa love scene. Umayaw ba si Royce?

“Tulad nga po ng sinabi ni Direk Pancho Maniquis, e, abangan na lang natin. Ha! Ha! Ha! Ha!” tugon ng 25-anyos na aktor.

“Kasi, ang bawat scene na nangyayari sa series, e, talaga namang may story na pinanggagalingan. So, abangan natin kung may ganyan ngang mangyayari. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓


Kyo Quijano and Royce Cabrera

Pasok na sa 1M Club ang Quaranthings. Ang pilot episode nito ay may 1.03M views na mula nang in-upload noong Setyembre 4.

“Sobrang nakakatuwa, kasi hindi rin namin expected na ganito siya katindi tatangkilikin ng tao,” saad ni Royce.

“Natuwa kami na sobrang daming naka-appreciate sa kuwento nina Judah at Rocky.”

Continue reading below ↓

Ang Episode 2 ng Quaranthings ay naka-672K views na. Ang Episode 3, naka-536K views. At ang Episode 4, naka-603K views.

ONE-MILLION CLUB

As of this writing, lima pa lamang ang Pinoy BL series na nasa 1M Club, i.e., may episode/s na naka-1M views sa YouTube.

Ang naunang tatlo ay Hello Stranger, season 1 ng Gameboys, at Sakristan, na pawang nag-finale na.

Ongoing pa lamang ang My Day at Quaranthings.

Naka-1M views ang unang limang episodes ng Hello Stranger sa YouTube channel ng Black Sheep—1.78M (Episode 1), 1.33M (Episode 2), 1.22M (Episode 3), 1.01M (Episode 4), at 1.08M (Episode 5).


Continue reading below ↓

Tony Labrusca and JC Alcantara

Naka-1M views ang unang tatlong episodes ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company — 1.52M (Episode 1), 1.16M (Episode 2), at 1.04M (Episode 3).

Elijah Canlas and Kokoy de Santos

Ang Episode 1 ng Sakristan ay naka-1.18M views.

Take note na ang Hello Stranger nina Tony Labrusca (Xavier) at JC Alcantara (Mico) ay ipinalabas din sa Facebook page ng Black Sheep.

Continue reading below ↓

Hindi mapasusubalian na ang XavMi series pa rin ang most viewed sa lipon ng mga Pinoy BL series, kahit hindi nag-lips-to-lips ang mga bida rito.

“How ironic!” bulalas ng isang veteran showbiz journalist.

PEARL NEXT DOOR

Hindi pa kayang ipalabas this weekend ang GL series ni Adrianna So na Pearl Next Door. May inaayos pa sa post production.

Gustong siguraduhin ng The Idea First Company na kapag nag-umpisa na ang streaming ng Pearl Next Door ay hindi magagahol ang mga susunod na episode.

May “ayuda” ba para sa Gameboys fans this weekend? Wala pang balita ang PEP tungkol dito.

Siyanga pala, congrats kay Elijah Canlas sa kanyang award bilang best supporting actor sa Gawad Pasado para sa pelikulang Edward (2019) na idinirek ni Thop Nazareno.


Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Miko Gallardo and Iñaki Torres in My Day; (right) Royce Cabrera and Kyo Quijano in Quaranthings.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results