Beauty Gonzalez, NAPALUBOG SA UPUAN dahil sa tanong na ito!
Oct 12, 2020

Sa PEP Exclusives interview recently ng I Got You lead stars na sina Beauty Gonzalez, Jane Oineza, at RK Bagatsing, sumalang ang tatlong Kapamilya stars sa "Only In PEP" segment ng nabanggit na online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa segment na ito, ang trademark PEP challenge na "Guilty or Not Guilty" ang game na nilaro ng mga bida ng Brighlight Productions series na mapapanood na sa October 18, Linggo, 2 pm, sa TV5.

Jimpy Anarcon, Beauty Gonzalez, Jane Oineza, and RK Bagatsing in PEP Exclusives.

Nakilala tuloy nang husto ng PEP sina Beauty, Jane, at RK sa masayang larong ito.

Maraming revelations tungkol sa stars, lalo na sa usaping love life nilang tatlo.

Masaya ang mga naibahagi ni Beauty tungkol sa kanyang love life bago niya napangasawa ang mister na si Norman Crisologo at ang nakakatawang paraan ng pagkakakilala nila.

Isa sa mga nakakatawang na-share ni Beauty ay nang sagutin niya ang tanong ng host na si Jimpy Anarcon kung naging guilty ba silang tatlo nina Jane at RK ng pakikipag-date sa iba kahit na may karelasyon na.

Napahagikhik muna bago napalubog sa kanyang kinauupuan si Beauty, habang "Not guilty" naman ang sagot nina Jane at RK.

Bakit napalubog sa kinauupuan niya si Beauty?

Panoorin ang video nang malaman.

Plus, panoorin din ang pagse-share ni RK tungkol sa pagtatapos ng kanyang long-term relationship na nagsimula nung high school pa siya at kung paano siya naka-move on.

Para sa kumpletong PEP Exclusives interview nila, panoorin ito: http://bit.ly/BeautyJaneRKPEPexclusives

HOT STORIES

Host: Jimpy Anarcon
Video Producer and Editor: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results