Kokoy De Santos falls for Alex Diaz in BL series; pairs up with Maris Racal in TV5 series

by Jerry Olea
Oct 16, 2020
Kokoy De Santos (in school uniform and striped shirt) talks about onscreen partnerships with Alex Diaz (holding a towel) and Maris Racal (in denim jacket) in his latest acting projects for ABS-CBN's online platform and TV5.
PHOTO/S: Oh Mando / @mariesteller Instagram

Sunud-sunod ang acting projects ni Kokoy de Santos matapos ang matagumpay na online BL series nila ni Elijah Canlas sa Gameboys.

Ayon sa isang Kapamilya insider, mag-uumpisa ang streaming ng Oh, Mando! sa Nobyembre 11, Miyerkules sa iWant TFC.

Ang Oh, Mando ang BL series na pagbibidahan nina Kokoy at Alex Diaz (KoLex). Ka-love triangle nila rito si Barbie Imperial.

Sa kuwento ng online series, kakasagot lang ni Barbie na payag na siyang maging girlfriend ni Kokoy nang mapagtanto ni Kokoy na nahuhulog ang loob niya kay Alex.


Continue reading below ↓

Naka-314,000 views na ang 44-second teaser ng Oh, Mando! sa Facebook page ng Dreamscape Entertainment mula nang i-upload ito noong Martes ng hapon, October 13.

Sa Twitter account ng Dreamscape ay naka-125,000 views na ang BL series ng KoLex na idinirek ni Eduardo "Edong" Roy Jr.


Continue reading below ↓

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kokoy ang KoLex tandem nila ni Alex. For sure, maiko-compare iyon sa EliKoy o CaiReel ng online BL series na Gameboys.

"Exciting. Kasi, ibang tao na naman ang ginampanan ko rito. At excited din akong makita at mapanood nang buo ang Oh, Mando!" lahad ni Kokoy nitong Oktubre 16, Biyernes via Facebook Messenger.

"And to answer the question po na maikukumpara kung anong meron sa sa amin ni Alex with EliKoy, tingin ko po, hindi kailangan.

"Kasi, magkaiba. At kailangan niyo rin pong mapanood para maunawaan po ninyo ako.

"Kasi, parehong napakagaling na aktor nitong mga nakasama ko and it's such an honor na mabilang sa dalawang magkaibang mundo ni Gavreel at ni Mando."

Continue reading below ↓

STAY IN LOVE WITH MARIS

May gagawin din si Kokoy na TV series with Maris Racal para sa TV5, ang Stay In Love.

Excited ba siya sa tandem with Maris?

Saad ni Kokoy, "Oo naman po, excited na rin ako. Kasi, ibang katauhan na naman ito.

"Pero nandoon pa rin at hindi mamawala ang pagmamahal sa karakter na gagampanan ko rito."

Dati nang nagkatrabaho sina Maris at Kokoy sa Oh My G!, ang daytime ABS-CBN series na pinagbidahan ni Janella Salvador noong 2015.

"Kaya I'm sure na magaan at magaling na naman itong makakasama ko.

"And excited din po akong makatrabaho ang mga ibang aktor na makakasama namin dito.

"At kay Direk Rod Marmol na first time ko rin po nakakatrabaho. Exciting!"

HOW TO DIE YOUNG WITH ELIJAH

Sa October 21-30, ipapalabas naman sa Busan International Film Festival 2020 sa South Korea ang short film Elijah na How To Die Young in Manila.

Continue reading below ↓

Kabilang sa cast si Kokoy.

Kailan pa ito ginawa?

"Nagawa po ito noong mga panahong nagsu-shoot pa rin ako ng Fuccbois, mga kalagitnaan ng 2019," tugon ng 22-anyos na aktor.

"Exciting iyung kuwento... Alam din naman natin kung paano magtrabaho ang isang Petersen Vargas."

Ang tinututukoy ni Kokoy ay si Petersen Vargas na direktor ng How To Die Young In Manila. Ito rin ang humulma ng online BL series na Hello Stranger nina Tony Labrusca at JC Alcantara.

Continue reading below ↓

Nasa cast din ng short film sina Migs Almendras (kasali sa Hello Stranger bilang Junjun Sandico) at Kych Minemoto (kasali sa Episode 13.5 ng Gameboys bilang Achilles de Dios).

MGA ITINATAGO NI KOKOY SA BAUL

"Hiwalay" na muna sina Kokoy at Elijah dahil may kani-kanya silang project ngayon.

Paano na ang mga naghihintay sa season 2 at movie ng Gameboys?

"Maghiwalay man kami sa ngayon, pasasaan ba at magtatagpo pa rin ang mga landas namin pagdating ng panahon," pananalig ni Kokoy.

Sa ngayon, isa pa sa pinagkakaabalahan ni Kokoy ay paggawa ng video content sa eponymous YouTube channel niya.

Masiglang sabi ni Kokoy: "Kailangan ninyong abangan ang mga itinatago ko sa baul ko na BTS. Hahaha!

"So, anytime po, ia-upload ko na iyun. Hindi ko sasabihin kung tungkol saan... kaya... abangan at smile ka lang.

"Mas cute ka pag naka-smile ka, e."

Matapos mapanood ang paglalaro ni Kokoy sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga nitong Oktubre 15, Huwebes sa Eat Bulaga ng Kapuso Network, abangan ang guesting niya sa pilot telecast ng Sunday Noontime Live sa Oktubre 18, Linggo, 12:00 noon to 2:00 p.m. sa Kapatid Network.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kokoy De Santos (in school uniform and striped shirt) talks about onscreen partnerships with Alex Diaz (holding a towel) and Maris Racal (in denim jacket) in his latest acting projects for ABS-CBN's online platform and TV5.
PHOTO/S: Oh Mando / @mariesteller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results