Regine Velasquez praises ASAP Natin ‘To director for making them "look good every Sunday"

by Arniel C. Serato
Oct 19, 2020
Regine Velasquez to ASAP Natin 'To director Joan Laygo: "Thank you so much for always making us look good every Sunday with your marvelous talent and artistic shots."
PHOTO/S: ASAP Natin 'To

Inasahan na ang pagpabonggahan ng mga segments at production numbers ng mga Sunday musical variety shows noong Linggo, October 18.

Naging three-cornered fight na kasi ang nangyari kahapon dahil sa pagpasok sa kumpetisyon ng Sunday Noontime Live (SNL) ng TV5.

Ang dati lang naglalaban-laban tuwing Linggo ay ang ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN at All-Out Sundays (AOS) ng GMA-7.

Masasabing pinaghandaan talaga ng ABS-CBN ang kanilang Sunday musical variety show dahil sa dami ng artistang nakibahagi nang live sa studio.

Pati na ang kanilang production numbers ay talaga namang pang world-class.

Continue reading below ↓

Sa opening spiels ni Regine Velasquez, hindi na siya nagpatumpik-tumpik sa kanyang pagpuri sa ASAP Natin 'To direktor na si Joan Laygo.

Saad pa ng Asia's Songbird, "Shout out sa ating napakagaling na direktor, Direk Joan Laygo. Thank you so, so much for your great talent.

“And you know, thank you so much for always making us look good every Sunday with your marvelous talent and artistic shots.

“Grabe naman, thank you Direk.”

Ni-retweet din niya ang mensahe ng isang staff ng ASAP Natin ‘To na pumuri sa kanilang director.

Nakalagay sa post, “Congrats to our brilliant ASAP Director - Direk Joan Laygo!

“Unknown to many, she has been with ASAP since 2014!

“She has also been directing our show for years now. And eversince we returned to the studio with the new normal set up, si Direk Joane na po #ASAPNatinTo

Continue reading below ↓

Ang dating direktor ng show na si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M, ay umalis na sa ABS-CBN.

Noong Setyembre unang naiulat ang pagdirek niya sa katapat na show na Sunday Noontime Live (SNL) ng Kapatid network.

"BUANG NA BUANG NA!!!!!!"

Hindi naman napigilang maluha ng Asia’s Songbird matapos ang palabas.

Kaagad siyang nag-tweet ukol sa kanyang nararamdaman.

Tila nabubuaang na raw siya sa pagiging emosyonal.

Saad ng 50-year-old singer/TV host/actress (published as is): “Ang saya saya ng feeling ko na naiiyak na naman ako.

“hala!!! ayan na naman ako BUANG NA BUANG NA!!!!!!

#ASAPNatinTo #KapamilyaForever

“thank you so much for watching”

Continue reading below ↓

Noong nakaraang Linggo, October 11, lubos din ang saya ni Regine dahil sa pagbabalik ng ASAP Natin 'To sa free-to-air television.

Sinabi rin noon ng Asia's Songbird na "nakakaiyak" at "nabuang" siya dahil sa kabila ng dinadaanang kalbaryo ng ABS-CBN ay patuloy ang pagpapasaya ng kanilang show sa mga manonood.

ALL-OUT SUPPORT FROM FANS

Puring-puri naman si Regine ng kanyang mga tagahanga.

Narito ang ilan nilang komento:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez to ASAP Natin 'To director Joan Laygo: "Thank you so much for always making us look good every Sunday with your marvelous talent and artistic shots."
PHOTO/S: ASAP Natin 'To
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results