Kris Aquino set to appear on GMA-7's Wowowin: "Let's pray it happens"

by Nikko Tuazon
Oct 20, 2020
Kris Aquino
Kris Aquino is launched as the newest endorser of the online shopping app Shopee on Tuesday, October 20, 2020. Part of her endorsement deal is an appearance on GMA-7's Wowowin on November 11, 2020 for the brand's 11.11 sale.
PHOTO/S: Screengrab from Shopee / Erick Santiago

Magiging bahagi si Kris Aquino ng isang special sa Wowowin, ang blocktimer game show ni Willie Revillame na umeere tuwing hapon sa GMA-7.

Hindi maitago ni Kris ang excitement nang i-announce ng online shopping app na bago nitong iniindorso na muli siyang mapapanood sa TV after four years.

Naganap ang announcement kanina, October 20, 2020, sa isang digital press conference.

Pahayag ni Kris, "I'm so scared to say yes because I don't want the people who have been waiting for me to be back on free TV to be disappointed.

"I don't want to make promises that I can not keep, but I think it's Shopee already that is saying that I will be there. So if it's from Shopee, it must be true."

Dagdag pa nito, "Hindi po ako ang nag-announce niyan...Kung hindi po magkatotoo, huwag niyo sasabihin sa akin na, 'Nag-promise ka 'tapos hindi mo ginawa.' Magalit po kayo sa Shopee."

Continue reading below ↓

Ayon kay Kris, hindi pa rin siya makapaniwala hangga't hindi pa nangyayari ang kanyang TV apperance.

"Let's all keep our fingers crossed because I myself won't believe it until I'm really there.

"I've said that to my fans also and my followers, until I'm holding that microphone and until I see those lights and until I see that camera with that red light on and I look at the monitor and I see myself there, even I won't be believing it.

Continue reading below ↓

"So let's pray it happens. Things can still change..."

ANSWERED PRAYER

Para kay Kris, answered prayer na maituturing ang proyektong ito.

Sa kanyang interview, nagpahiwatig ang host tungkol sa isang pang proyektong tila naudlot.

Aniya, "This offer came about at a low point in my life. There was something I was supposed to do that I was so excited about, but somehow did not push through.

"And then, suddenly, I don't know if you believe in this, but I feel that God always finds a way to make you go in a direction He wants you to go.

"That you can't dictate to Him but He will be the one to find the right path for you.

"So when this happened and the call came, I said, 'Are you serious?'"

Patuloy ni Kris, "Kasi this is so much bigger than what was not given to me.

"Sorry ah, this is no sour grapes whatsoever because I really promised myself that this is all about being positive.

Continue reading below ↓

"I'm sure so many out there, because of what the country and the entire world is going through, I'm sure you've had your share of disappointments in life.

"There are so many things that you thought especially at the start of the year that would be going in this direction and then, it did not.

"And then, take it from me that what you're praying for is not necessarily what God wanted for you because what He will give you will be so much bigger than what you are hoping for, and this is what happened."

Hindi diretsahang binanggit ni Kris kung ano yung proyektong naudlot, pero matatandaaang nitong nakaraang August, napabalitang naurong ang pilot telecast ng kanyang supposed upcoming talk show sa TV5 na may titulong Love Life with Kris.

Sa programang Idol In Action noong, July 29, kinumpirma ni Raffy Tulfo na eere na ang TV show ni Kris sa August 15.

Continue reading below ↓

Unang lumabas ang balita tungkol sa kanyang TV comeback noon pang June. Hanggang sa ngayon, wala pang update kung matutuloy ito.

KRIS' TV COMEBACK

Hindi ito ang unang beses na lumabas ang bali-balitang lilipat si Kris sa TV5.

Noong 2016, unang nagkaroon ng rumors matapos umere sa TV5 ang one-time hosting stint ni Kris sa Go Negosyo Summit na ginanap noon sa Davao City.

Bukod sa TV5 ay ilang beses ding napabalitang magkakaroon ng morning talk show si Kris sa GMA-7.

Ito ay dahil na rin sa pahiwatig ni Kris na mayroong iprinisinta sa kanya ang APT na "TV collaboration." Ngunit hindi rin nag-push through ang proyektong ito.

Noong 2017 naman, napabalitang magiging bahagi si Kris ng Wowowin.

Ito ang naging bunga ng isang Instagram post ni ng actress-host kalakip ang litrato kung saan kasama nito si Willie na tinawag pa niyang "future BOSS," ngunit hindi rin ito natuloy.

Dalawang beses na ring nang lumabas si Kris sa GMA-7 simula nang umalis ito sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Naging guest siya ni Marian Rivera sa defunct morning talk show nito na Yan! Ang Morning noong July 2016.

Nagkaroon rin siya ng one-time apperance sa Kapuso network para sa TV special na Trip Ni Kris, na iprinodyus ng businesswoman na si Rhodora Morales.

Apat na taon na rin ang nakalilipas mula nang umalis si Kris sa ABS-CBN, ang home network niya sa loob ng 20 taon.

Matapos umalis sa Kapamilya network, nag-focus si Kris sa kanyang businesses, kabilang ang kanyang digital company, ang Kris Aquino Cojuangco Productions o KCAP.

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino is launched as the newest endorser of the online shopping app Shopee on Tuesday, October 20, 2020. Part of her endorsement deal is an appearance on GMA-7's Wowowin on November 11, 2020 for the brand's 11.11 sale.
PHOTO/S: Screengrab from Shopee / Erick Santiago
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results