Luis Manzano congratulates former ABS-CBN colleagues headlining TV5 shows

by Arniel C. Serato
Oct 20, 2020
Luis Manzano to former Kapamilyas who are now working in TV5's Lunch Out Loud and Sunday Noontime Live: "Kahit nasaan pa kayo, love you guys. Proud of you all!"
PHOTO/S: File / Courtesy: Facebook

Hindi lingid sa kaalaman ng mga manunood na ang mga bagong palabas ng TV5 ay pinagbibidahan ng dating Kapamilya talents.

Ang mga bagong shows sa TV5 ay ipinrodyus ng Brightlight Productions, na blocktimer sa Kapatid network.

Pinili ng mga dating Kapamilya stars na mag-move on matapos mawala ng ABS-CBN Channel 2 sa free-to-air television.

Noong July 10 ibinasura ng Kongreso ang franchise application ng TV station.

Kasunod nito ay nagsara ang iba't ibang departaments at subsidiaries ng ABS-CBN kasabay ng pag-retrench sa mga libu-libong empleyado nito.

Marami rin sa mga artista ng ABS-CBN ang nawalan ng kontrata at ng show dahil sa sitwasyon ng network.

SNL'S PILOT EPISODE

Noong Linggo, October 18, nagsimula nang umere sa Kapatid network ang bago Sunday musical variety show na Sunday Noontime Live (SNL).

Hosts sina Piolo Pascual, Maja Salvador, at Donny Pangilinan na highly identified as ABS-CBN stars.

Ang direktor ng show ay si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M. Siya ang dating direktor ng ASAP Natin ‘To at chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ang SNL mainstay na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay dating nag-guest co-host sa It's Showtime, habang si Jake Ejercito ay bagong talent ng Star Magic hanggang ngayon.

Sa pagsisimula ng SNL noong Linggo, naging three-cornered battle na ang Sunday noontime block.

Katapat ng SNL ang All-Out Sundays (AOS) ng GMA Network at ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN.

LOL'S PILOT EPISODE

Kahapon, October 19, inilunsad naman ng TV5 network ang bago nilang noontime show na Lunch Out Loud (LOL).

Hosts sina Billy Crawford, KC Montero, K Brosas, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, Macoy Dubs, at Alex Gonzaga.

Bukod kay KC, ang mga host ng bagong noontime show ay kilalang mga dating ABS-CBN stars.

Sa ngayon, apat ang daily noontime shows na pagpipilian ng viewers: ang Eat Bulaga! ng GMA-7, It’s Showtime ng ABS-CBN, Happy Time ng Net 25, at ang LOL ng TV5.

LUIS CONGRATULATES FORMER, PRESENT KAPAMILYA CELEBS

Kaagad namang nagpaabot ng pagbati ang ABS-CBN TV host-actor na si Luis Manzano.

Continue reading below ↓

Isa si Luis sa mga host ng ASAP Natin ‘To.

Halos lahat ng mga personalidad na kasali sa SNL at LOL ay mga dating katrabaho ni Luis sa ABS-CBN.

Nagpost ng mensahe si Luis sa kanyang Facebook account kahapon.

Sabi niya rito: "Congrats Team Showtime and Team LOL, ASAP family and SNL family!

"Kahit nasaan pa kayo, love you guys.

"Proud of you all!

"Alam niyo yan! – Kuya Lu."

Ni-repost din iyon ni Luis sa kanyang Instagram account, kalakip ng caption na "Love you all!! Congrats!"

Continue reading below ↓

Sina Maja at Piolo ay nakasama ni Luis sa ASAP.

Naging co-host ni Luis ang close friend na si Billy sa ibat-bang reality-based talent shows sa ABS-CBN, gaya ng Pilipinas Got Talent at World of Dance Philippines.

Naging co-host din ni Luis si Alex sa Kapamilya shows na The Voice, gayundin sa I Can See Your Voice, kasama sina Wacky at Bayani.

MAJA, KC, JUGS, WACKY REACT

Nag-react naman kaagad ang mga personalidad na kabahagi ng iba’t-ibang shows na nabanggit ni Luis.

Una na nga rito si Maja, na dating kasama ni Luis sa ASAP Natin ‘To.

Limang heart emojis ang komento ni Maja sa post ni Luis.

Continue reading below ↓

“All love,” na may kasamang tatlong heart emojis ang komento naman ni KC na bahagi ng LOL.

Sabi naman ni Wacky Kiray, “Love you kuya @luckymanzano,” na may kasama ding tatlong heart emojis.

Continue reading below ↓

Tatlong heart emojis naman ang komento ni Jugs Jugueta ng It’s Showtime.

Ngayon, lalong dumadami ang nag-aabang kung ano pang pasiklaban ng mga bagong shows ng TV5, at kung paano ito tatapatan ng mga datihang palabas ng GMA-7 at ABS-CBN na may napatunayan na rin sa kanilang larangan.

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano to former Kapamilyas who are now working in TV5's Lunch Out Loud and Sunday Noontime Live: "Kahit nasaan pa kayo, love you guys. Proud of you all!"
PHOTO/S: File / Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results