Korina Sanchez feels blessed to continue to do what she loves on TV5

by Arniel C. Serato
Oct 21, 2020
Korina Sanchez to her followers: "Mula parin sa inyong mga kaibigan, kabalitaan at kakampi. NANDITO PARIN KAMI para sa INYO."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Excited na si Korina Sanchez para sa pilot airing ng kanyang bagong palabas sa TV5 na Rated Korina sa Sabado, October 24.

Kagabi, October 20, nagpasalamat si Korina sa dating mambabatas at may-ari ng Brightlight Productions na si Albee Benitez.

Saad ng 56-year-old broadcaster, “Honored to have been recruited to continue the work and so excited for our first episode on TV5 under BrightLight of Mr. Albee Benitez.

“Thank you PatP Daza and my TV5 business manager Jojie Dingcong for helping make this new chapter happen.”

Pakiramdam daw ng dating Kapamilya broadcaster na biniyayaan siya ng maraming grasya kaya umaasa din siyang magiging “blessing to many others, too.”

Dagdag pa niya, “Am feeling blessed and hope to be a blessing to many others, too. Rated Korina airs on TV5 on Saturday naaaa, at 4 pm!!!

“Kitakits for an exciting episode!”

Continue reading below ↓

Nagpaalam ang dating programa ni Korina na Rated K sa ABS-CBN matapos ang labing-anim na taon.

Kasunod ito ng pagbasura ng Kongreso sa franchise application ng network noong July 10.

Hindi naman inalok ng bagong kontrata ng ABS-CBN ang broadcaster kaya nagpaalam na rin siya rito.

Tatlong dekada ang itinagal ni Korina sa Kapamilya network.

Nitong nakaraang October 7, pormal na siyang pumirma ng kontrata sa Brightlight Productions.

Ang nasabing kumpanya ay may malaking blocktime agreement sa TV5.

“NANDITO PARIN KAMI PARA SA INYO”

Ngayong hapon naman ng October 21, nag-upload si Korina ng isang maiksing teaser ng kanyang palabas.

Saad niya sa caption, “Yessssss! Finally! Rated K now has a new address and you all get to watch it again every weekend from your homes!

"Super salamat sa pagmamahal na wherever we go, even on Facebook, you watch!

“Every Saturday at 4 pm Rated Korina comes to your homes still with what our magazine show best offers: YOUR STORY.”

Ayon pa sa kanya, hindi sila nawala para magbigay ng human interest stories sa mga tagasubaybay nila.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “Ito ng mga malaking balita mula sa maliliit na buhay. At hindi kami mauubusan ng kuwento na magpapamangha, magpapangiti, magpapamulat sa inyong lahat!

“Mula parin sa inyong mga kaibigan, kabalitaan at kakampi.. NANDITO PARIN KAMI para sa INYO.

“SEE YOU ALL on Saturday, October 24 at 4 pm on TV5!”

Continue reading below ↓

Ilan sa mga naging programa ni Korina sa ABS-CBN ay ang Hoy Gising! (1992-1997), Balitang K (1996-2001), Bandila (2006-2009), The World Tonight (weekend, 1987-1995), TV Patrol (1995-1996, 2001-2004, 2010-2015), Morning Girls with Kris and Korina (2003-2004, at Rated K (2004-2020).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez to her followers: "Mula parin sa inyong mga kaibigan, kabalitaan at kakampi. NANDITO PARIN KAMI para sa INYO."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results