Will Rated K’s avid viewers watch Korina Sanchez’s new show on TV5?

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2020
New Kapatid Korina Sanchez on her new show on TV5: "We’ll always be constant sa trabaho namin bilang mamamahayag and creatures of television—we will tell the stories as they are. Yun ang isang bagay na pinagmamalaki namin hanggang ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Susundan nga kaya ng mga tagasubaybay ng Rated K sa ABS-CBN ang Rated Korina ni Korina Sanchez sa TV5?

Ito ang naitanong sa 56-year-old veteran broadcaster sa guest appearance nito sa programang ‘Wag Po ng One PH kamakailan lamang.

Magsisimula na bukas, October 24 ang kanyang bagong palabas sa TV5.

Ayon kay Korina, hindi pa daw niya ito masasabi sa ngayon.

Kuwento niya, “It remains to be seen because we will launch on October 24, Sabado.

“Tuwing alas kuwatro ng hapon, okay.

“But if I were to compare the behavior of fans from TV to say, social media, uhm, medyo iba ‘no?

This is just my humble analysis because you know social media is unchartered territory.

“But, nakikita ko na parang ang nanonood sa TV, medyo iba ang demographics sa nanonood sa ’yo on social media.”

Sa pagkabasura daw ng franchise application ng ABS-CBN, alam daw niyang marami ang nangungulila sa mga nawalang paborito nilang mga programang napapanood sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng bagong Kapatid, “Ngayong nawala ang Channel 2, marami ang nangungulila.

“Medyo hiwa-hiwalay kami ngayon, merong napunta ng ganung channel, kami mapupunta sa ganitong channel.

“Malalaman pa lang natin kung saan dinala ng agos ng kasaysayan itong audience behavior.”

RATED KORINA

Ano nga ba ang pagkakaiba ng Rated K sa Rated Korina?

Tugon niya sa parehong interview, “You know, as we talk about certain things that have to change, there are certain things also that should not change.

“And, I think, we’ll always be constant sa trabaho namin bilang mamamahayag and creatures of television—we will tell the stories as they are.

“Yun ang isang bagay na pinagmamalaki namin hanggang ngayon."

Dagdag pa niya, ayaw daw talaga niya ng mga istoryang unang sumikat sa social media.

Mahigpit daw niyang bilin sa mga staff niya na maghanap sila ng mga kuwentong sila ang unang maglalabas sa media.

Aniya, “We are done with our first episode.

Continue reading below ↓

"We shot. We look for the stories, and I particularly told my team, ‘You cannot look for stories online, ha? You have to look for stories the traditional way, as it was before. You go out there and ask around kung ano yung wala pa online.’

"Yun ang mga gusto kong istorya. And ang Pilipino, hindi ‘yan mauubusan ng istorya.

“And sobrang mamamangha ka din sa ibang mga istorya na nahanap namin, tatak Rated K talaga ‘yan.

“And in this case now, tatak Rated Korina.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapatid Korina Sanchez on her new show on TV5: "We’ll always be constant sa trabaho namin bilang mamamahayag and creatures of television—we will tell the stories as they are. Yun ang isang bagay na pinagmamalaki namin hanggang ngayon."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results