Max Collins praises co-star Geoff Eigenmann: "Mabait naman siya, guwapo naman siya, gentleman naman siya."

Max Collins hopes the blessings she received in 2014 will continue this year, which means “more work and also, time para mag- travel. Ayokong mataas na mangarap 'tapos hindi ko maabot.”



Hindi na bago para kay Max Collins na makasama sa isang teleserye ang galing sa ABS-CBN din na si Empress Shuck.


Sila ang mga bida sa bagong panghapong teleserye ng GMA-7 na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Posible raw itong mag-pilot ngayong Enero.

Nagkasama na sina Max at Empress dati sa isang Kapamilya serye.

Si Geoff Eigenmann naman na magiging asawa ni Max sa bagong serye ay kasama niya sa talent management agency na PPL Entertainment Inc.


FAMILIAR FACES. Masaya si Max na sila ang magkakasama ngayon.

“Happy ako na kami ang magkasama sa show ni Empress, nagkatrabaho na kami before.

"Bata pa kami nun, ngayon, mas older na kami.

"Familiar kami sa isa’t-isa kaya hindi mahirap magtrabaho.”

Hindi siya tinatanong ni Empress kung kumusta sa Kapuso network bilang pareho silang nanggaling ng kabilang network?

“Actually, ako po ang nagsabi sa kanya na sana, maging happy siya rito.

"Na ma-enjoy niya ang experience rito. Sana mag-stay siya kasi nandito ako.

"It’s nice to see familiar faces.

“Si Lauren [Young], si Bela [Padilla], medyo close kami before.

"Kaya lang, as we get older, hindi na kami masyadong nagkakasama.”


GOOD ACTOR. Magkasama man sila ni Geoff sa PPL Entertainment, Inc., ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang serye.

Ayon kay Max, “Ang galing ni Geoff! Ang galing niyang umarte.

"Nadadala ako sa bawat eksena namin.

"At saka yung character niya, very strong yung character, seloso siya, very emotional.

“Magaling talaga yung attack ni Geoff sa character niya at mararamdaman mo talaga ang pain.

"Very raw siyang umarte.”

Mas may ilangan o mas kumportable na si Geoff ang bago niyang kapareha?

“Mas kumportable po kasi, at least, magkakilala na kami.

"Parang walang ilang factor sa aming dalawa.

"At saka very dedicated naman siya sa trabaho niya, very focus.

"So, I’m very happy to be working with him.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVETEAM. Isa pang kasama sa cast ng Kailan Ba Tama Ang Mali? ay si Dion Ignacio na sa huling serye nila pareho ay sila na ang magkatambal.

Sabi naman ni Max, “Si Dion, ever since, mabait yun, e.

"Very nice at saka, sweet ang pagkatao niya. Siya yung nagpapatawa sa set.

"Very magaan ang vibes ni Dion.”

Pinu-push ba silang loveteam ni Dion ng GMA-7?

“Hindi ko po alam kasi, sa amin pong apat, titingnan po nila kung magustuhan ng mga tao ang team-up namin.

"Kaya hindi pa rin po alam kung kami ba ni Geoff o kami ni Dion.”

Sa isang banda, kahit na patuloy na nali-link si Max sa isa pang Kapuso star, si Pancho Magno, wala pa rin siyang tahasang inaamin kung ano na ang totoong estado nila ni Pancho.

Ngayong magkakasama sila ni Geoff at mag-asawa pa ang mga karakter nila, posible kayang ma-attract siya rito na matagal na rin namang single?

“Yung character ko, in-love sa kanya.

"I don’t want to say that I can’t like Geoff in the future.

"Mabait naman siya, guwapo naman siya, gentleman naman siya.

"But as of now, hindi ko po iniisip yun.”


THANKFUL. Para kay Max, naging maganda raw sa kanya ang taong 2014.

“Palagi kong sinasabi ‘to, sobrang blessed talaga.

"Kasi tuloy-tuloy naman ang work, yun talaga ang pinagdasal ko.

"Mas dumami ang friends ko sa showbiz at parang at peace lang ako sa trabaho as of now.

“At saka, I was really praying na sana, magka-teleserye ako bago ang end of the year.

"And sinagot ni Lord yung prayer ko. Napakaraming things to be thankful for.

“Walang nagkasakit sa family ko, nandito na ang grandma ko.”

Kung susumahin niya, ano ang pinaka-maganda para sa kanyang nangyari ng 2014?

“Siguro ano, kumpleto ang family ko. Yung pinaka-blessing, matagal ko ng inisip yun, pero siyempre, work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Family, yung health naming lahat. I have friends na recently namatay ang parent niya, then yung tito ko namatay rin.

“Sobrang sakit din mamatayan ng parents and that happened with my friends.

"Parang doon ko na-realize na grateful ako I have my mother and yung Lola ko, buhay pa rin.”

Ngayong 2015, ano naman ang mga nilu-look forward niya?

“More work and also, time para mag-travel.

"Sa ngayon, yun lang. Parang baby steps muna.

"Ayokong mataas na mangarap 'tapos hindi ko maabot.”


NEW SOAP. Tungkol naman sa kanyang bagong teleserye, halos sunod-sunod na ang tema ng mga serye ay tungkol sa infidelity tulad ng Temptation of Wife, Legal Wife, Ang Dalawang Mrs. Real, Two Wives.

Puwedeng sabihin na hindi rin nalalayo sa mga unang seryeng nabanggit ang bago nilang soap na Kailan Ba Tama Ang Mali?

Saad ni Max, “Parang ganun po siguro, pero ang question talaga, paano namin madya-justify yung pagkakamali namin.

"Lahat kami nagkakamali sa teleseryeng ito, pero the question is, madya-justify ba ng mga dahilan namin kung bakit kami nagkamali.

"Madya-justify ba yun? Like ako, sobrang career-oriented ako.

"So madya-justify ba yun na parang napabayaan ko ang pamilya ko, yung ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN